Cassidy POV
Silence
Tahimik ang bahay nila Itchika ng makarating kami wala masyadong bisita.
Nagtataka pa ako dahil maraming pagkain sa mesa
Ang akala ko ay iba ang mesa sa bisita pero nagkamali ako,Lahat ng bisita ay doon sa hapag kainan kakain.
Hindi naman kasi masyadong maraming inimbita tanging kaibigan lang ng kuya ni megan.
"Wag kayong mahiya kumain ha" paalala sa amin ng mama in Itchika ganun din ang sinabi ng papa nya.
"Gusto mo to Cass" pag-alok sa akin ni takahashi kaya tumango ako sa kanya.
Tahimik akong kumain nagsasalita lang ako pag tinatanong ako ni Itchika oh kaya sa magulang nya.
Masyadong pormal ang pamilya takahashi may lahi kasi silang hapon bawal sa kanila ang magingay sa harap ng pagkain.
Mayaman naman talaga sila kumpara sa amin na may kaya lang pero hindi sila yong tipong hindi matapobre.
Isa iyun ang nagustuhan ko kay itchika kaya naging matalik na kaibigan ko sya.
Hanggang sa matapos ang lahat na kumain ay kanya kanya nag- si uwian.
Nagpaalam na ako ni Itchika ganun din sa mga magulang nya
Bumati din ako sa kuya ni Itchika.Nakauwi na ako sa bahay naabutan kung tahimik at walang tao sa loob.
"Ma andito na ako" sigaw ko sa loob,
Nilagay ko nalang ang dala kung pagkain na pinabigay sa akin ng magulang ni Itchika
May ulam at himagas doon.Dumeritso na ako sa kwarto ko dahil wala naman ako gagawin.
Kung sana may time si Riley sa akin, namamasyal na sana kami ngayun.
Pakiramdam ko ang bagal ng oras pag-wala sya sa tabi ko, kapag namang kasama ko sya bumibilis ang takbo ng oras.
Gusto ko sana syang tawagan ngayun kaya lang nagdadalawang isip pa ako baka maistorbo sya.
Maya Maya lang nag vibrate ang phone ko.
Dali dali kinuha ko yun.
Itchika
MessageAn bukas gala tayo
Akala ko so Riley na ang nagtext sa akin.
Ganun na ba talaga sya kabisi para hindi nya man lang ako maisip,
Ang unfair nya,
Totoo nga ang kasabihan na
Pantay ang mundo hindi ang tao.Hindi ko nereplyan si Itchika.
Natulog nalang ako.
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito Nalang( Completed)
Short StoryMinsan may mga bagay na pilit mong tanggapin. kahit masakit, kahit mahirap, kahit hindi madali, kahit ayaw mo, kahit labag sa kalooban mo, kahit hindi mo kakayanin, kahit hindi pwede. Lahat yan mararanasan in Cassidy na kung saan sya ay despiradang...