CHAPTER UNO: "Jacket"
HIM
Para sa akin ang araw na 'to.
Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.
Para sa akin ang araw na 'to. Para sa akin ang araw na 'to. Para sa akin ang araw na 'to.
PARA. SA. AKIN. ANG. ARAW. NA. 'TO.
For the first time in five years, ngayon lang ako magkakaroon ng araw na para sa'kin. Yung iintindihin ko lang ang sarili ko. Yung magagawa ko lahat ng gusto ko. Yung wala akong iisipin na kahit na sino.
Kaya pinili kong pumunta...
...sa coffee shop.
Yeah, right.
Araw ng kalayaan at naisipan kong sa coffee shop tumambay. I want to kick myself. Pero kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung saan dapat pumunta.
Ganito pala pag nasanay kang laging may kasama. Nakakapanibago ang mag isa.
Dati, parati kong cinoconsider kung gusto niya ba ang lugar na pupuntahan namin o hindi. Dati, doon ako sa mga trip niyang puntahan. Kung saan ang sabihin niya, ayun ang masusunod.
Wala naman sa akin yun, sa totoo lang. Basta makita ko siyang masaya ayos lang.
Limang taon na ganun.
Ngayon na nagkaroon na ako ng chance na mag desisyon para sa sarili ko, na-realize ko, hindi ko na pala alam kung anong gusto ko.
Palagi na lang yung gusto niya sinusunod ko. Nakalimutan ko na yung ako.
Lumapit ako sa may counter to order my coffee.
"Tall brewed coffee please," I told the barista.
"With milk po ba sir? And how many packs of sugar do you need?" she asked.
"No milk and sugar please---" napahinto ako. Natigilan.
I'm actually not into brewed coffee. Lalo na yung walang gatas at asukal. Matamis akong mag kape. I used to order white mocha or café mocha. But when she started dieting, inalis ko na rin ang pagkakape ng matamis. Hindi naman niya hiniling. Ako ang nag kusa. Ayoko kasing ma-tempt siya na umorder ng matamis. I did that to support her. Ano ba naman yung ibahin ko ang regular coffee ko kung tinutulungan ko naman ang babaeng mahal ko 'di ba?
"Sir?"
I snapped back into reality nang tawagin ako ng barista.
"Are you going to order anything else sir?"
"Ah sorry, I change my mind. I'll order grande white mocha instead."
Nginitian ako ng barista, "no problem! Grande white mocha. Is that all?"
"Yeah, that's all."
"That'll be 175 pesos."
I handed her my payment at nagpunta na ako sa hand-off area to get my drink. After that, umakyat na ako sa second floor ng coffee shop to look for an empty spot.
Parang automatic na naglakad ang paa ko papunta sa table near the window. Pero bigla akong napahinto ulit.
That's her favorite spot. Yung malapit sa bintana. Yung nakikita niya ang pag daan ng mga tao. Mas gusto ko umuupo sa may sofa sa tabi ng pader. Yun kasi yung may outlet at hindi masyadong maingay. Pero dahil mahal ko siya, umuupo ako kung saan niya gusto.
BINABASA MO ANG
Tara Kape?
General FictionTwo broken people found each other and tries to fix one another over a cup of coffee.