CHAPTER DOS: "Chocolate Cake"
HER
Hindi ako iyakin.
Minsan akala ng mga ta bato ako. Naalala ko nung nanuod ako kasama ang mga pinsan ko ng movie na kabilang sa Top 20 Most Tear-jerker Films of All Time. Dinig na dinig sa sinehan ang hikbi ng mga tao.
I didn't even shed a single tear.
Nalungkot ako syempre. Hindi pa rin naman ako bato. But still, not enough to make me cry.
Naalala ko nung nag break kami. Hindi rin ako umiyak noon.
"Five years. We've been together for five years. At nilaban ko yun. God knows nilaban ko yun. Pero hindi ko na nakayanan ang pagod. I'm really, really sorry but I think I fell out of love with you."
Natahimik ako nun. Sa paningin niya, my face is blank. Expressionless. Pero sa loob loob ko, my heart is breaking into pieces.
Right then and there, hiniling ko na sana umiyak na lang ako para hindi naiipon ang sakit. Sana inilabas ko na lang lahat sa kanya. Sana nag salita ako.
But I just stood there. Huminga ako nang malalim at isang salita lang ang binitiwan ko.
"Okay."
He stared at me. Alam ko marami siyang gustong sabihin pero hindi niya masabi. Nakita ko ang pain sa mga mata niya. I can feel his heart breaking into pieces too.. Gusto kong magalit. Bakit parang siya ang nasasaktan? 'Di ba siya ang nakikipag break? Eto nga o binibigay ko na sa kanya pero bakit parang siya ang broken na broken diyan?
Kung titignan kami ng ibang tao, ang iisipin nila ako ang nanakit, ako ang mangiiwan, ako ang nakikipag hiwalay.
Ang unfair.
Isang buwan simula nang mag break kami, business as usual pa rin ang buhay ko. Sinubukan kong dedmahin yung pain pero mahirap. Eventually, pinagbigyan ko na rin ang sarili kong umiyak.
At ngayon mukhang nasasanay na ako ha?
Tuloy tuloy ang luha sa mga mata ko. Hagugol levels. Siguro ang lakas ng iyak ko. Siguro pinag titinginan ako ng mga tao ngayon. Baka iniisip nila pinaiyak ako ni Kuya Pogi na nasa harap ko. Or nakaupo pa ba siya tapat ko? Baka umalis na. Baka iniwan na sa akin yung jacket. Hindi ko alam. Nahihiya ako i-angat ang ulo ko. Sobrang magang maga na siguro ang mata ko sa tindi ng pagiyak ko. Gaano na ba ako katagal umiiyak? Wala pa naman sigurong fifteen minutes 'no? Hindi pa nag-a-alarm ang phone ko.
Shit.
Nakalimutan ko mag alarm!
Napabangon ako bigla at napatingin sa oras sa phone ko. I've been crying for more than thirty minutes now.
Shit! Meron akong meeting ngayon sa big client!
"Ma-l-late na ako!" natataranta kong sabi.
Agad kong inilabas ang make up kit ko para mag retouch.
"Shocks magang maga ang mata ko. Ano ba yan. Bakla ka talaga ng taon. Binonggahan masyado ang pag iyak! Imbyernaaaa!"
"Miss.. okay ka lang?" dinig kong tanong ni Kuya Pogi sa tapat ko.
So nandito pa rin pala siya.
BINABASA MO ANG
Tara Kape?
General FictionTwo broken people found each other and tries to fix one another over a cup of coffee.