Chapter Tres: "Night Market"

44.4K 2.7K 1.1K
                                    


CHAPTER TRES: "Night Market"

HIM

I can't believe this.

I can't believe na nakasakay ako ngayon sa puting van kasama ang isang weirdong babae at paakyat kaming dalawa sa Baguio.

Napalingon ako sa kanya. Naka focus siya sa daan. There's an innocent smile on her lips na parang what we're about to do give her thrills. Maybe she's more of an adventurer type. Or maybe this is also the first time she's doing it? I dunno. But I can feel, somehow, it makes her... calm?

Well, she looks calmer now kesa nung mga past days na nakita ko siya at wala siyang ibang ginawa kundi umiyak. Kung iisipin, hindi pa siya umiiyak mula nang magkita kami kanina.

"Wala ka bang schedule ngayon?" I asked. "I mean, you told me you were busy. Bakit tayo aakyat sa Baguio? Nang biglaan?"

"Hindi na ako ganung ka-busy ngayon," she answered. "Nag cancel yung gagawan ko sana ng Wedding Cake."

"Bakit naman?"

"'Di na tuloy ang kasal. Nag break sila. Break-up season talaga ngayon 'no?"

I nod in agreement, "but at least nag break sila bago pa ang kasal. Mahirap 'yan pag kasal na at may anak tapos doon pa lang nila ma-re-realize na not meant to be pala talaga sila."

"May point ka doon. Pero sino kaya ang nakipag break 'no? Tsaka naiimagine ko yung pakiramdam ng iniwan. Alam mo yun? Excited ka na sa kasal mo tapos biglang makikipag break sa'yo yung papakasalan mo? Wasak na wasak siguro siya ngayon. Ako nga na hindi pa naalok ng kasal, nung iniwan, wasak na wasak din, eh," she said bitterly.

Napalingon ako sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi niya.

I heave a sigh.

"For sure hindi rin naman naging madali doon sa nangiwan," depensa ko. "To come up with that decision? Lalo na kung ikakasal ka na? It took a lot of guts and courage. For sure masakit din naman sa kanya yun."

Napailing siya, "mamaya mo na ituloy ang sinasabi mo pag nasa Baguio na tayo. Kailangan natin mag usap nang masinsinan," sabi niya nang may halong pagbabanta.

I laugh a little, "remind ko lang na hindi ako ang nangiwan sa'yo ha? Ibang lalaki yun."

Napangiti siya, "oo, mas gwapo siya."

Napangiti rin ako, "I doubt."

Narinig ko siyang tumawa. Napalingon ako sa kanya.

She actually has a light aura. I wonder kung paano siya dati bago siya masaktan. Basing on her personality, baka madali siyang patawanin.

"So why Baguio?" I asked.

"Kasi sabi mo hindi ka pa nakakapunta sa Baguio," sabi niya. "Also, sabi ko nga, happy place ko 'to. Sobrang chill lang kasi ng vibes."

"Chill?" I asked in disbelief. "Para ngang palaging ang daming tao doon. Ang daming turista."

I saw her roll her eyes dahil sa sinabi ko. "Kung pupunta ka sa mga tourist place, marami talagang tao. Syempre doon lang tayo sa mga chill na lugar." Nilingon niya ulit ako, "wag kang mag alala, I can feel magugustuhan mo doon. Parang chill ka rin naman, eh. Tsaka for a change—i-explore mo naman ang Pilipinas. Ang lapit lapit na lang ng Baguio, hindi mo pa napupuntahan?"

Tara Kape?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon