Himig
Ang tinig mong pumipintig sa pandinig
Nabibingi
Sa bawat alaalang sakit ang hatidLumisan para sa bawat hakbang
Papalayo sayo malayo sayo
Ngunit sa aking pagpikit
Ngiting marikit ang bumabalot sa mundoLumalayo na ako
Ano bang kailangan mo
Pandama ko'y niloloko
Sa bawat galaw moIka'y papalapit
Iniipit ang mga sakit
Sabi mo tama na
Ngunit bakit nanjan ka pa?Pumipikit
Nang mapatingin sa iyong gawi
Pinipilit
Na kalimutan ka kahit na mapaitLumalapit ka pa
Para san ba?
Ayoko na nga maalala
Alaala mong binuo ang mundoPinasaya mo ako kahit saglit
Dalawang pusong puno ng ngiti
Binalot ng kulay hanggang ika'y mawala
At iniwan ako ditong nakatingin, nag iisa.
BINABASA MO ANG
Mga Tinatago sa Notes (Poems)
PoezjaOriginal random poems na nakatago sa notes ng phone ko :) Hope you enjoy!!