Chapter 1. ( I met a jerk)

30 2 0
                                    

Tooot. Tooot. Tooot. 
Kinuha ko yung phone ko sa bag at tinignan kung sino ang nagtext.

From: Loraine
[A friend is like a handkerchief. Yes, you could go on a day w/out them but still something is missing. And yes! There is someone over there who's reading my message right now na hindi pa dumadating. Hoy alien! Nasaang planeta ka na?]

Napailing nalang ako nung mabasa ko yung message ni Loraine, siya yung bashfriend ko (bestfriend) since elem. Magkasanga ko sa lahat ng kalokohan at drama sa buhay. 

To: Loraine
[On the way.] I replied her.

Inimbita nya kasi akung pumunta sa bahay nila dahil birthday ni tita yung mommy nya. Ayaw ko sanang pumunta pero anong magagawa ko, guguluhin nya pati buhay ko para lng pumayag ako.

Tss. Minamadali pa nya ako ngayon, eh ang hirap kaya sumakay. Kung sana sinundo nya nlang ako edi sana nandun na ako sa kanila diba? Siya talaga ang dahilan ng paghihirap ko ngayon.

"Ang init naman dito." nasambit ko nlang dahil sa sobrang init ng panahon.

Naghihintay ako ng taxi ngayon pero kanina pa ako naghihintay at nangangawit na'tong binti ko sa kakatatayo pero wla paring dumadating, kung may dumating man puno naman. Tss. Ang malas nga talaga. Naghanap rin ako ng waiting shade pero wla rin akung nakita, tsk! Pwedi nakung inihaw dito, lutong-luto nako sa tinding init. .

Bigla akung nauhaw kaya naghanap ako ng mga nagtitinda ng tubig. At saktong may nakita akung mama sa di kalayuan na may bitbit nung mineral water kasama nung iba pa nyang paninda.

"Tubig!"
"Mani!"
"Yosi!"

Yan yung halo-halong sigaw nung mama. Nang makalapit ako sa kanya, kinuha ko muna yung wallet ko.
"Mama/Manong pabili nga po ng tubig." sabay ko ng pera

Pero nagulat ako nung may makasabay akong bumili nang tubig at kasabay din nun ang pag-abot nya ng pera.

Tinignan ko kung sino at nakatambad sa'kin ang isang lalaki na nakatingin rin sa akin pero nakakunot ang noo habang tagaktak ang pawis. (Yuck! Ang baho tignan.) 
Sayang may itsura pa naman sana. Oh well never mind with his face.

Hindi ko siya pinansin at ibinalik ang tingin sa mama na nakatingin rin sa'ming dalawa na halatang nalilito.

"Ahh.. Ehh.. Pasensya na kayo iho at iha pero kasi isang tubig nalang ang natira sa paninda ko at sabay pa kayo. " sabi nung mama sa'min.

"Ako po yung nakauna mama." sabi ko dun sa mama.

"Excuse me? Ako yung nakauna miss." sabi nung lalaking nakasabay ko.

Tiningnan ko siya na may halong irita.

"Excuse me rin ha. Pero kasi ako yung una, kanina pa nga ako nakatayo dito eh." sabi ko sa kanya.

Hinarap ko ang mama at iniabot ang pera ko.

"Ito po yung bayad ko, magkano ho ba?"

"No! You can't do that.. Ako yung unang bumili, nakatayo ka palang dyan iniabot ko na yung bayad ko kay manong, so its clear.. Ako yung nakaunang bumili. Not you but me." sabi ulit nung lalaki habang nakaturo sa sarili nya. (Tss! Parang baliw na bakla.)

Nakatingin ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. 

Actually napipikon na ako sa lalaking to, sinasabayan nya ang init ng panahon na kanina pa nagpapainit ng ulo ko. Grrr..

"Teka lang ha? Sinasabi mo bang sinungaling ako? Na nagsisinungaling ako? " di ko narin maiwasang mapalakas ang boses kasi sobrang nakakairita ang kayabangan ng lalaking 'to.

I've Fallen For You UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon