Chapter 5.

9 0 0
                                    

****CLASSROOM****

"Pfft! Sagutin mo nga ako, ano bang nangyari sayo kanina ha?" si loraine.

"Hah? Wala naman." sabi ko sakanya na nakangiti. 
"Aray! " bigla ba naman akung batukan. Hmp!

"Anong wala! Para ka ngang nakulam eh! Kanina ka pa dyan nakangiti!"

"Bakit? Masama bang ngumiti?" bawal na ba ngumiti ngayon. 

"Tss. Pero kasi, para kang baliw dyan. Ngumingiti mag-isa, siguro nabagok 'yang ulo mo kanina."

"Hindi ah. " hindi nabagok, yung puso ko yung napana. Aweee! ^___^

Pagkatapos ng moment ko sa damuhan kanina, pumunta na ako dito sa classroom namin, nagtxt narin kasi si Loraine na nandito na siya. Nagulat nga ang bruha sa itsura ko, para daw akung narape dahil ang dumi ng uniform ko, ang gulo ng buhok ko tapos may mga naiwan pang damo. Ehh? Para ako yata ang bruha sa lagay na yun. Huehue. 

"Bash, sigurado ka bang hindi ka narape?" si loraine.

"Aish! Hindi nga kasi. Tss. Nakatulog nga lang ako sa damuhan kanina. Ang ganda kasi ng view." lame excuse again. Ako na magaling mag-excuse. Huhu.

"Sabagay, wala namang magkakainterest sayo." aba ang sama! Hmp! 
Sasagot pa sana ako ng biglang pumasok yung prof namin.

"Good Morning class! So before I start my discussion, may ipapakilala muna ako sa inyo." tapos tumingin siya sa labas at pumasok ang isang lalaki.

"Omygash. Siya yung transferee."
"Ang gwapo nya. Kalurke"
"Ang cute nya."
"Siya ng yung crush ko."
"May bagong hearthrob na"
"Akin lang cha teh. Oh papa." yan yung mga reaction ng mga classmates ko mapaboy and mapagirl.

"Quiet! He's new here, tranferee siya at simula ngayon, magiging classmate nyo na siya sa English 3 subject ko.. so be nice to him. And before that Mr. Ortega, let introduce yourself to them." yung lalaki, parang familiar sya sa akin.

"Hi everyone! I'm Darren Jiro Ortega. Nice to meet you guys." pagpapakila nung transferee. Ang familiar talaga ng mukha nya, di ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.

"Okay Mr. Ortega, you seat in the back of Ms. Sandoval and Ms.Monsonurri." hindi ko alam pero bakit nakatingin sya sa'kin at parang ngumingiti?

"Okay maam" tapos pumunta na sya sa likuran namin kung saan may vacant.

Nilingon ko siya sandali at nagulat ako ng bigla siyang magsmirk! Sa akin! Watda! Ang yabang! 
Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay maam na nagstart ng magdiscuss. Pero nabobother talaga kasi ako sa lalaking 'to. Feeling ko talaga nagkita na kami nito at yung smirk nya, parang nakita ko na rin yun dati. Hayst! Hayaan ko na nga lang.

****CANTEEN****

"Alam mo bash, ang gwapo ni Ortega nuh?" si Loraine habang nakatingin dun sa transferee na pinagkakaguluhan ng mga babae. Pfft.

"Anong gwapo dun? Ang yabang nga eh!" sabi ko sakanya na walang kagana-gana. Eh nakakawalang gana naman talaga ang kayabangan ng lalaking yun. Di ko magets pero kumukulo dugo ko sakanya.

"Alam mo, nagiging judgmental ka na. Bakit kilala mo na ba siya?"

"Hindi. Pero parang ang yabang eh. Tapos, parang familiar rin sya sa'kin." ahh! Bakit ba nabobother ako sa lalaking 'to. Hayst!

"Talaga? Posible namang naging ex mo 'yan...
Araaay!" binatukan ko nga! Isa pa to, kung laitin ako wagas!

"Ano ka! Di ko rin papatulan ang gaya nya nuh!" Hmp! Kahit sabi nila na gwapo siya (kahit gwapo naman talaga) hindi ako magkakagusto sa kanya. Hmp!

"Aba! Dapat lang na hindi mo siya papatulan, eh hindi kayo magkalahi nyan. Alien ka tapos tao siya! Tsk! Di talaga pwede... Aray! Umaabuso ka na ah." binatukan ko nga uli, hindi na makatao ang sinasabi eh. Hmp!

"Tse! Dyan ka na nga! Kung makapanglait ka! Di tayo bati! Hmp!" iniwan ko nga, mag-isa syang kumain dun! O di kaya magpasama sya sa transferee na yun na mayabang. Hmp! Kainis. ><

Pumunta ako sa may bench, yung place namin ni Mikky. Oo, inangkin ko na talaga na amin 'tong place. Haha. Ang kapal ko lang talaga, pero kasi kami lang naman pumupunta dito eh kaya sa amin na 'to. Di ko to ipagsasabi, pero pano si bash? Kahit bully yun, love ko yun.. siya lang naman kasi ang bestfriend ko nuh. Kaya sige na nga, iishare ko rin to sa kanya. Hehe. 

[Tooot. Tooot. Tooot.]
Kinuha ko yung phone ko sa bag at nakita kung may nagtxt. Si bash. 

"Uy. Bash? Galit ka? Sorry na. Biro lang yun. Bash.. ;(" txt nya. 
Di ko muna rereplayan, pakipot muna ako baka akalain nun bati na kami agad. Nasaktan kaya ako... ng kunti.  Pero hindi naman ako galit sa kanya, nagtatampo lang ng konti. Iba naman siguro meaning nun.

"What are you doing here?" nagulat ako ng biglang may magsalita sa likuran ko at pagtingin ko...

"Mikky! " di ko alam pero bigla akung naexcite ng makita ko siya.

"Bakit ka nandito?" ang seryoso talaga nya pero kahit ganun, ang gwapo nya parin. 

"Ahh. Hmm, nagpahangin lang at papalipas ng sama ng loob." tinignan ko lang siya at wala syang reaksyon at umupo sa tabi ko. Mygas! Tumabi sya sa'kin! Yung puso ko! Huhu!

Hindi naman kami magkalapit talaga, hindi rin malayo yung may ilang 
pagitan lang.. Pero kahit ganito na kami palagi, okay lang! Mwahahaha!
Tahimik lang siya habang naka tingin sa may damuhan, parang may problema ata?

"Hmm.. Mikky? Okay lang ba sayo kung dito narin ako tumambay pag wala akung ginagawa?" Hays! Nagpaalam na ako, baka kasi ayaw nyang may ibang tao dito.

"Actually, gusto ko ako lang pumupunta dito. I found this place so I claimed it as my own property. Pero, ayaw ko namang ipagdamot hindi ko rin naman pag-aari to. " hindi ako makapaniwala, nakipag-usap sya sa akin ngayon. *_*

"So okay lang na nandito rin ako? Hmm, okay lang naman sa akin kung ayaw mung pumayag. Okay lang talaga!" sabi ko na nakangiti sa kanya.  Huhu, pero sana pumayag na dito nlang ako.

"Haha. No. Its not a problem, okay lang talaga na dito karin magstay. " Waaa! Tumawa siya tapos ngumiti pa. Ang cute!

"Talaga!? Yehey! Ang saya naman! Thank you ng madami. " Weee! Gusto ko magpacute! Mwahaha!

"No problem. Pero, promise me na di mu to ipagkakalat sa iba?"

"Promise!" sabi ko sabay taas ko ng right hand ko, sign as a promise.

"Okay. So let seal it in..." luminga linga siya sa paligid. "Ayun! Lets seal it in the tree." sabi nya tapos pumunta siya dun sa may kahoy. Okay? Ano daw?

May kinuha siyang something sa bag nya ng nilabas nya yun. Ballpen. 

"Ano gagawin mo dyan?" naglakad ako papunta sa kanya. Weird rin 'to.

"Let seal our promise in this tree ng sa ganun, hmm.. As an evidence? Yes that's it! An evidence to our promises. " okay ang weird nga nya, para syang bata pero bhala na nga lang, sakyan ko na.

"Hmm. Okay." tapos may sinulat siya sa tree na something. Di ko na binabasa, saka nalang. 
Pero di nga? Siya ba 'to? Akala ko ang seryoso nyang tao, may tinatago rin palang pagkaweirdo. Tss. Pero ang cute nya. 

"Sige Happy, mauna na ako.. May klase pa kasi ako. Bye!" nagwave siya sakin tapos nagsmile rin at tumalikod na. 
What!? Teka? Kilala nya ako! Ahh! Kilala nya ako! Tinawag nya ako sa pangalan ko! 
"Ahhh!! Kilala nya ako! Wohoo! Tinawag nya yung name ko!" napasigaw ako sa sobrang tuwa at napahiga sa damuhan. Okay, ako na mahilig humiga sa damuhan. Hayst! Oo nga pala, nagkakilala na kami last summer nung birthday ni tita. Pero kahit na! at least naalala nya ako. Ang saya ko parin. 
Muntik ko ng makalimutan, si Bash nga pala... naku baka nag-alala na yun hindi pa pala ako nakapagreply sa kanya. Etxt ko na nga lang.

"Bash. Sorry late reply ako. Sorry rin kung nag-inarte ako kanina. Hmm, bati na tayo ha!  " send to Bash. Hay! Di ko talaga matiis bestfriend ko, love ko yun eh! 

Tumayo na ako para makaalis na. Aish! Sobrang dumi na ng uniform ko nito, mabuti nalang at nadala ko yung P.E Uniform ko. Psh!

I've Fallen For You UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon