Chapter 2. (Mr. Serious)

17 2 0
                                    

"Ohmygosh! Saang planeta ka na naman ba galing at ngayon ka lang?" Salubong ni Loraine nang makarating na ako sa bahay nila.

"Sorry bash, ang tagal kasi ng taxi tapos traffic pa." sagot ko sa kanya.

"Wow! Grabeng traffic naman yan.. Yung reply mo sa'kin, on the way ka na.. Take note, 11:12 AM pa yun at anong oras na ngayon?" naiiritang tanong nya sa'kin.

"Sorry talaga bash, mahabang kwento kasi." sabi ko sa kanya.

"Tss! Saan ka ba kasi nanggaling? Ang usapan natin, sa bahay lang namin ang pupuntahan mo, siguro pumunta ka ng mars, o di kaya venus para bisitahin yung mga kauri mo!" talak nya ulit sa'kin.

Ang totoo kasi nyan, matapos ng mahabang digmaan na sinalihan ko kanina dun sa mayabang lalaki, eh nagpalamig muna ako. Buti na nga lang at may nakita akung ice cream parlor. At doon na ako nagpalipas oras para mahimasmasan ako sa init ng ulo, tapos nun di ko na namalayan ang oras.

"Sino naman iniisip mo? Alien ka talaga! Pumasok na nga tayo, kanina ka pa hinihintay ni mommy."

sabi nya na nakapamewang.

Inirapan ko lang siya at pumasok na sa loob ng bahay. Hmp! Tawagin ba naman akung alien, kahit kailan talaga napaka bully nya sa akin.

Mabuti nalang at wala na yung ibang bisita, yung mga pinsan nalang ni loraine ang natitira na nagkakaraoke sa may garden. Malaki ang bahay ng bestfriend ko, mas malaki kaysa samin at mayaman rin ang pamilya nila compare sa'min na may kaya lang. Maswerte nga ako at naging bestfriend ko ang babaeng to kahit bully siya. Hmp!

"Bash, halika.. Ipakilala kita sa mga pinsan ko." sabi ni loraine sabay hawak sa kamay ko.

"Ayoko. Okay lang ako dito. Oo nga pala, nasan si tita?" pag-iiba ko ng usapan baka pilitin pa akung sumama sa kanya.

"Si mommy umalis, my emergency meeting daw." sabi nya.

"Ahh. Sayang di ko naabutan, di ko naibigay 'tong gift ko. "

"Okay lng yan, ako nlang magbibigay.. Halika nah, ipakilala kita sa mga pinsan ko."

"Bash, dito nlang kasi ako. Okay lang, peksman!"

"Tss. Mahihiya ka pa eh mga pinsan ko lang naman ang mga yun, mga kulugo rin yun kagaya natin." sabi nya sabay ngiti. Tss.

"Ayoko nga. Okay lang ako dito." pero wala na akung nagawa dahil hinila na nya ako papunta sa garden. Kahit kailan talaga mapilit siya, sinamahan pa nya bully. Hmp!

"Hi guys! May ipapakilala lang ako sa inyo. Remember yung kinukwento ko sa inyo na bashfriend ko? Siya si Happy, and bash mga pinsan ko." pagpapakilala ni loraine nang makarating kami sa garden..

"Hmm.. Hello. I'm Happy Faith Monsonurri, bashfriend ni Loraine. Nice to meet you guys." I said while giving them a smile.

"Wow. Ang saya naman nang pangalan mo." sabi nung pretty girl na kasing edad ko lang yata na pinsan ni loraine.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Talaga namang masaya yung name ko, Happy.

"Happy dito ka, upo ka muna." sabi nung lalaking pinsan ni loraine.

Tinignan ko si loraine with my pity look, dahil ayokong makisalo sa kanila. Pero alam nyo ba kung ano ang ginawa ng bully kung bestfriend? Tinulak nya po ako papunta dun sa mga pinsan nya. Tsk! Ang bait diba?

"Sige guys kayo muna bahala kay Happy, at ipahahanda ko lang yung hapunan natin." sabi nya samin.

"Gusto mo, tulungan kita bash?" tanong ko sakanya na may nagmamakaawang tinig.

I've Fallen For You UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon