Chapter 4.

7 1 0
                                    

"Bash, bka mtagalan ako traffic kasi... Hntayin mu nlng ako, etitxt kta kpg nsa skul na ko." text ni loraine sa'kin.

Haist! So solo flight muna ako ngayon... sa'n naman kaya ako pupunta nito? Ayaw ko rin naman kasi sa classroom maghintay, ang ingay ingay dun tapos malayo pa naman yung class hours, napaaga kasi ako ng dating.
Eh sa library nlang kaya? Tama! dun nlang ako magpalipas ng oras, mas mabuti ng dun kasi tahimik at makakatulog ako nang maayos. Mwahahaha! Hindi lahat ng pupunta dun magbabasa ng libro nuh!

Nasa kabila pa kasi yung library kaya nilakad ko nalang, hindi naman kalayaun eh. 
Pero teka? Napahinto ako ng makita ko yung familiar na lalaki sa may bench, nagbabasa ng libro under the tree. Lumapit ako ng konti at tama nga ako si Mikky. Uwaaa! Iniisip kung puntahan siya pero natatakot ako na baka galit pa siya sa'kin dahil dun sa kahapon. 
Aish! Bahala na nga lang, gusto ko rin kasing humingi ng sorry sa kanya. Oh Lord, tulungan nyo po ako sa gagawin ko.

"Hoo! Kaya mo to Happy, aja lang!" para nakung baliw dito, nagsasalita mag-isa mabuti at wala pa masyadong tao dito.

Naglalakad ako papalapit sa kanya at nagsimula narin akung kabahan. Waaa!

"Hmmm. Ahem, ahem!" hindi ko alam gagawin kaya nag fake cough nlang ako. Pero effective naman kasi nag-angat siya ng mukha, sandali nga lang at nagbasa ulit. Pfft! 

"Wow. Ang ganda naman dito, ang tahimik at ang prisko pa ng hangin." ako na talaga ang nagsalita para pansinin lang nya. Huehue! Pero impirnis, tinignan nya ulit ako kaya ang ginawa ko I gave him a smile, yung ngiting pagong! Pero hindi nya ulit ako pinansin at nagbasa ulit. Bitter siya! ><

"Hmmm.. Pwede akung makaupo?" huehue, ako na ang makapal ang mukha. Wala siyang sinabi pero tumango naman siya kaya sign yun na okay lang. Wee! Kinilig ako.. kahit wla siyang ginawa.

Umupo ako sa harapan nya. Tinitignan ko lang siya habang nagbabasa, walang nagssalita sa amin ang tahimik nga ng lugar eh. Pinagmasdan ko ang paligid, ang ganda nga dito. Actually, hindi masyadong kita ang bench na'to kaya wala masyadong estudyante, swerte ko lang at matalas 'tong mata ko at nakita ko siya dito. Ang sarap siguro magpalipas ng oras dito, parang ang tahimik at ang layo sa magulong mga estudyante na laging topic eh boys and girls. Brrt!

Hindi parin siya nagsasalita para lang walang tao sa harap nya. Hmp! Kainis. Hindi ba daw ako pansinin, nagmumukha tuloy akung tanga dito.

"Ano yang binabasa mo?" tanong ko nang magkaingay naman.

"Every Breath You Take." himala at sumagot! 

"Talaga? Romance?" parang Romance kasi, base ko lng sa title.

"Nope."

"Ahh. Alam ko na, Horror?" ano ba kasi..

"Hindi rin." sagot nya nang hindi tumitingin sa'kin. Okay! 

Tumigil nlang ako sa pagtatanong, baka mapikon pa at paalisin ako. Aish! Gusto ko pa naman sanang malaman kung ano yung binabasa nya at kung sino ang author. Malay mu, yung favorite author ko ang author ng binabasa nya. Hmp! Hindi siguro halata but I also love books.
May naisip ako. Ohh, curiousity kills me. Lumapit ako ng konti sa kanya pero hindi nya yun napansin kasi nakacover yung book sa face nya. Kaya mas lumapit pa talaga ako sa kanya para makita ko yung author sa likod nung book. Kaso ang liit nung name, yung picture lang ang malaki pero nakukutubang na ako kung sino 'to.. Mas lumapit pa ako ng masiguro ko talaga at tama nga ako yung fav. author ko si BARBARA TAYLOR BRADFORD! ^______________^

"What are u doing?" Lumuwa yung mata ko ng biglang tanggalin ni Mikky yung libro kaya hindi na'to nakaharang sa mukha nya pero ako naman ang pumalit. 
Ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't isa, habang ako nakatulala lang sa kanya. Di ko alam ang gagawin ko, di ako makagalaw, ni lumunok nga di ko rin magawa. Huehue, bakit naman biglang na frozen ako dito, para ngang hindi na ako humihinga wala na yata ako sa sarili.

"Can you move backward?" si Mikky habang nakatitig rin sakin. Pero parang wala yata akung narinig dahil hindi ako gumalaw.

Nakatitig lang ako sa mga mata nya nakakahypnotize. Yung puso ko... natatakot ako na baka lumuwa na yung puso ko dahil sa lakas ng pagtibok nito.

"I said, can you move backward?" nagsalita ulit siya pero umiling lang ako, yung napansin ko kasi is yung hininga nya. Yung hininga nya nakakaadik dahil sa sobrang init at bango nito. 
Napatingin ako sa lips nya.. yung kissable nyang lips na mapula at parang ang lambot. Tinignan ko ulit yung gwapo nyang mukha na nakakunot na di ko alam kung bakit. Bakit kaya?

"Are you okay?" tanong nya pero umiling lang ako habang nakangiti. Hay! Nakakatulala talaga ang kagwapuhan nya. Di ka magsasawa.

"Hey! Are you okay?" sabi nya ulit habang niyuyugyog yung balikat ko. Yugyog. Yugyog. Yugyog. Yugyog. At TADAN!

"Huh? Ahh.. Ehh.. Hmmm." parang wala sa sarili kung sagot.

"Okay ka lang?" tanong with his weird look.

"Ahh. Ano... Ka--si. Hmm, okay lng ako." nakakahiya grabe! Nakatulala nanaman ako sa kanya kanina.

"Akala ko matutulala ka na habang buhay. Tss. Are you sure, okay ka lang?" Promise! Nakakahiya yung sarili ko. Ang dumi kung babae. Huehue. Pero teka? Aweee! Concern siya sa'kin.

"Hmm, pasensya ka na. Ganito lng tlaga ako kapag my iniisip. Heee." okay, ako na magaling magpalusot. Lame excuse naman, tss.

"Ahh. Okay?" teka lame excuse nga, parang di siya naniniwala. Huehue. "I better go, may gagawin pa kasi ako. See yah." nag-smile sya sakin tapos nagwave at tumakbo na siya papaalis.
TEKA? SMILE? SIYA... NAG-SMILE.. SA AKIN? Uwaaa! Nag smile si Mikky sa'kin. Uwaaa! Tumayo ako at..

"Waaaa! Nag-smile siya sa akin! Kinilig ako! Ang saya ng puso ko! Ahhh! " sinigaw ko talaga at nagtatalon ako sa sobrang tuwa tapos humiga sa damuhan. Nagpagiling-giling ako dun habang nakangiti ng malaki. Hayy! Kahit mukhang ewant ako kanina, napangiti ko naman siya. Sobrang kinlig talaga ako. Ang saya ng araw na 'to.

Pinikit ko yung mata ko habang nakahiga parin sa damuhan, wala na akung pakialam kung madumihan 'tong uniform ko. Inaalala ko ngiti nya kanina. Shocks! Ang gwapo nyang ngumiti. Sobra! Para sa akin ba talaga ang ngiti na 'yun? Di ako makapaniwala, ngumiti siya sa'kin. Para na akung timang na adik na baliw dito na nakangiti mag-isa, pwedi na ako sa mental. Over qualified na nga yata ako. Nagsasalita mag-isa, ngumingiti mag-isa, natutula nalang basta-basta tapos sinong matino ang humihiga sa damuhan? Hmp! Ako na!

Pero bakit? Bakit ako ganito kay Mikky? Teka? Ohmy! Ngayon ko lang narealize... "CRUSH KO SI MIKAILO SANDOVAL!" nabulalas ko nalang bigla-bigla. Napabangon ako at tumingin sa paligid, mabuti nlang walang tao at hindi ako narinig. Mwuhaha! Humiga ulit ako at di ko mapigilang di ngumiti. Crush ko sya! Crush ko si Mikky!
"Ako si Happy Faith Monsonnuri, dito mismo sa bench na ito ko narealize na crush ko si Mikailo Sandoval." ngumingiti ako habang sinasabi ko ang mga salitang yun. Wala namang makakarinig kaya okay lang.  
Hay! I love this place already. Saksi narin ang lugar na 'to sa mga kabaliwan ko. 
Waaa! Ang galing, gusto ko narin dito nalang palagi pag may vacant time. Malay natin, dito rin sya palagi magpapalipas oras. Okay, ako na papansin obvious naman kasi. Pero, gusto ko maging friends rin kami. At oo nga pala, bigla ko ng makalimutan.. di pa pala ako nakahingi ng sorry, kaya dapat lang talaga magkita kami ulit. Mwahahaha! *cutie smile*
Oo nga pala, kung curious kayo kung bakit alam ko yung full name ni Mikky, sinearch ko sa fb. Oh diba? Ang galing ko, para lang stalker pero hindi pa ako totally stalker ha? Stalker na ba yun, eh na curious lang naman ako sa kanya kasi parang ang mysterious nya eh. 

I've Fallen For You UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon