Chapter 3.

7 1 1
                                    

"I will run run to you~
and I will keep you safe forever~~"

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Istorbo, sino ba kasi yung tumatawag. Aish! Kinapa ko yung phone sa may bedside table ng hindi iminumulat ang mata, antok na antok pa ako nuh.

"Hello?" sabi ko ng nakapikit parin.

"My gash bash! Tulog ka pa?" si loraine sa kabilang linya.

"Ang aga-aga nang bubulabog ka." tugon ko

"Hello!? Pasalamat ka nga at may pakialam pa ako sayo... Nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon?"

"Ano ba kasing meron?" naiinis kung tanong, istorbo kasi.

"Saang planeta galing ka nanaman ba at nakalimutan mo?! Alien ka talaga! First day of class po ngayon... baka akala mu summer pa!"

"Ano!!!?" pagkasabi ni loraine, agad akung napabalikwas ng bangon.

"Aray... Baka ikaw dahilan kung bakit masisira 'tong eardrums ko alien ka!"

"Bash, bakit di mo sinabi agad?" sabi ko habang tinitignan yung kalendaryo... At oo nga, papasok nanaman ako ngayon. Huhu!

"Sinabihan kaya kita, kaya nga kita tinawag diba?"

"Aish! Sige, maliligo muna ako... kita tayo sa labas ng gate. Bye!" agad kung binaba ang phone ko at dali-daling nagpunta sa cr para maligo.

Hay! Ang ikli talaga ng oras, parang kahapon lang nagpunta ako kina loraine dahil may birthday, gumala mag-isa, natulog maghapon pero ngayon, kailangan ko nanamang gumising ng maaga para pumasok. Saklap ng buhay estudyante, mabuti nalang at nasurvive ko yung first year ko. One down and 3 years more to fight! Aja!

****FAST FORWARD****

"Kahit kailan talaga alien ka... Bakit ang tagal mo? Alam mo ba na kanina pa ako nakatayo dito habang hinihintay ka? Tss." salubong agad ni loraine sa'kin pagkadating ko.

"Sorry bash, traffic rin kasi." 
"Hmmp! Ang sabihin mo, tulog mantika ka lang."

"Nakalimutan ko nga diba?" 
"Oo nga kasi dahil alien ka. Tss. Halika na nga at 
hahanapin pa natin kung saang building tayo." sabi nya tapos hinila na ako papasok.

Nag-iikot kami sandali, at ng mahanap namin ni Bash yung building at yung classroom namin, agad na kaming pumasok para makaupo at makapaghinga, nakakapagod rin kasi maghanap.

As expected, pagpasok namin nagkakagulo pa ang lahat... ano pa ba ang inaasahan kapag first day diba? Talking about their summer vacation, patalbugan at pasosyalan, yung iba nagkukulitan, may naggigitara at nagkakantahan. Really? Anong tingin nila ngayong araw intramurals? Tss. Sa ibang side naman, may natutulog, nagmimake-up at may nagdadate rin. Basta ang gulo nila.

"Ang ingay dito bash." sabi ko habang siya nagpopolbo.

"Ano pa ba inaasahan mo sa first day? Na tahimik silang lahat at hindi nagkakagulo? Alien ka talaga! Syempre magkakagulo ang mga yan, new faces, new classmates, new bags, new notebooks, new shoes, new hair, new dress at pinakanakakarindi sa lahat, talking about their summer vacation bla bla bla bla." paliwanag nya. Tss.

Hindi na ako nagsalita at tumango nalang, may point rin naman kasi sya. So, ang ginawa ko nalang, tinitignan ko nlang yung nagkakagulo kung classmates side by side. May iba rin naman akong nakikila na naging classmates ko sa ibang subject dati pero mostly yung iba hindi ko kilala.

"Alam mo ba ang news? May bagong tranferee daw." Hindi ko nasadyang marinig yung girl na katabi ko sa di-kalayuan while putting red lipstick sa lips nya, hindi ko siya kilala pero ito lang masasabi ko... Gross.

I've Fallen For You UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon