Chapter 3

3 0 0
                                    

Gwen's POV

NAKaupo kaming tatlo sa may dulo ng canteen habang kumakain. Patuloy  pa rin sa pagmamaktol si Miiko dahil sa nangyari kanina. Parang bakla kung makipag away kay Sharina, tsk nangiti ako sa isiping yun.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan!? Di ko pa nalilimutang ibinibigay mo ako dun ha!"

"Ha? Binigay kita?" maang maangan ko pa.

"Ha? Binigay kita?" panggagaya pa nito sa boses ko na lalo kong ikinangisi. "At at ikaw naman pare ha? Kanina kapa tahimik, pinagiisipan mo na bang magsorry sa ginawa mo kanina sa room?" baling naman nito kay Felix na pansin kong kanina pa tahimik mula noong pumasok kami. Tulala ang loko, di man lang narinig si Miiko.

"Hoy!!" sabay batok ni Miiko sa kanya.

"Ano ba? Bakit?!" tanong ni Felix na hinihimas pa ang nasaktang batok.

"Tinatawag kaya kita! Bat tulala ka?! Daydream? Kumakain ka po!"
Tsk ang ingay talaga nitong dalawang to! Okay na sana yung manahimik yung isa eh

"May problema ba Lix?" gulat na umiiling pa siya sa tanong ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"W-wala ngaa!" nagkibit balikat na lang ako sa kanya.

"Bilisan niyo na diyan, ilang minutes na lang tapos na ang break" sabi ko.

"Yes po, ate." sabay nilang sabi na nakangiti.

"Tsk" pang asar nila sakin yun dahil mas matanda ako ng ilang buwan sa kanila.

PAGdating namin sa room ay sabay din na dumating ang next proff. Muntikan na kaming malate dahil sa dalawang to, may marami pa kasing usap sa kain tsk.

"Tsk, pag tayo na late talaga sa susunod iiwan ko na kayo sa canteen!" bulong ko sa kanila pagkaupo.

"Sorry ate HAHAHA" sabay pa nilang sabi kaya medyo napalakas.

"Excuse me?" sabi ng proff na naputol ang pagsasalita dahil sa kanila.

"Sorry po" sabay din nilang sagot.

"If you want to talk, do it outside!"

"Opo, sorry po proff"

"Yan kabago bago pa lang, nagpapakita na ng pagiging bastos." pabulong pero rinig na rinig naman na sabi ni Sha.

"Nagsorry na nga diba!? Bumulong kapa, eh rinig na rinig naman!" pagsagot naman ni Miiko sa kanya. Haysss mag aaway na naman to.

"Sinong nagsabing bumubulong ako? Sadyang pinaparinggan ko talaga kayo duhh!"

"Edi bastos ka rin!"

"Mas bastos ka nga lang!"

"Both of you! Get out!" sigaw ng proff sa kanila.

"Pero Proff!" angal pa ni Sha sa kanila.

"Now!!"

Walang nagawa na lumabas si Sha habang sinusundan ko ng tingin. Lumingon pa ito saamin at sumimangot. Tsk.

Miiko's Pov:

"Kasalanan mo to eh!"  sabay pa naming sabi sa isa't isa pagkalabas naming dalawa.

"Anong ako, kung hindi ka lang naging bastos kanina edi hindi tayo pinalabas! Nadamay pa ako!" sagot niya.

"Kung hindi ka nakialam edi sana hindi tayo pinalabas! Okay na eh, nagsorry na kami kaso dumagdag kapa. Pakialamera!"

Right N WrongWhere stories live. Discover now