Chapter 4

3 0 0
                                    

Gwen's POV:



"Okay class dismissed, and please remind your friends of thier behavior. My god, college na kayo." sabi pa ni proff pagkadismiss niya sa amin at alam naman namin kung sinong 'friends' ang tinutukoy niyo at saka bumaling sa upuan ni Miiko saka lumipat sa kay Sha.

Saan na kaya ang dalawang yun?

"May kukunin lang ako sa locker ko, mauna kana sa canteen Gwen" dali dali namang tumayo si Lix at halos tumakbo pa palabas ng room.
Anong problema ng isang yun? Nagkibit balikat na lang ako.

Napagdesisyonan kong hanapin muna si Miiko bago kumain pero halos kalahating oras na ang lumipas kahahanap sa kanya ay di ko pa rin mahanap kahit anino nito.

Natigil ko ako sa paglalakad ng makarinig ako ng boses, nanggagaling ito sa isang room at nagulat akong makita na nandun si Sha. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya siguro narinig ko siya kanina, salubong ang kilay nito.

"Tsk, nakakainis talaga!" dabog pa nito sabay padyak padyak pa ng mga paa. Tsk, isip bata.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya na bahagyang binuksan ang pinto.

"Ayy problema!!" gulat naman itong napatingin sa akin na muntikan ng mahulog sa kinauupuan. Napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"Bat ba nanggugulat ka?!"

"Di ko naman alam na magugulatin ka pala."

"Whatever! Anong ginagawa mo dito!?"

"Rinig na rinig ka kasi sa labas in case you don't know."

Bahagya naman itong nagulat pero nakabawi din naman agad.

"Ano naman ang pake ko kung naririnig nila ako?"

"Ikaw wala, pero nakakaistorbo ka kaya sa mga dumadaan."

"Oh so naistorbo kita Miss Guinevere?" tanong nito sa akin saka tumayo sa inuupuan.

"Hindi naman."

"Hindi naman pala eh. May sasabihin kapa?" tanong nito na animo'y pinapaalis na ako.

"Nakita mo ba si Miiko?" tanong ko sa kanya. Napataas naman ang kilay nito sa akin.

"Hanapan ba ako ng nawawalang tao?" mataray na sabi nito.

"Wag mong sagotin ang tanong ko ng tanong din." sagot ko na deretsong nakatingin sa mga mata niya. Nagmake face lang ito sa akin kaya tumalikod na ako dahil wala ata akong makukuha sa babaeng to.

"Andon siya sa likod ng Engeneering building, sa may garden" sabi nito bago pa man ako tuluyang makalabas.

Lumingon ako sa kanya, "Salamat" sabi ko pa sabay ngiti dito. Nakita ko namang natigilan ito at kumunot ang noo.

"Alis na" pagtataboy nito sa akin.


AGAd ko namang nakita si Miiko sa lugar na sinabi ni Sha, mabait din pala ang batang yun.

Naglalakad naman kami ni Miiko papuntang canteen ng makasalubong namin si Lix.

"Bat ngayon lang kayo? Tapos na akong kumain, tagal niyo kaya nauna na ako."

"Sabihin mo, di mo lang matiis mga alaga mo!" sagot pa ni Miiko dito habang nakaduro sa tiyan ni Lix. Agad namang tinakpan iyon ng huli.

"H-hindi ah! Ang tagal ko kayang naghintay sa inyo, akala ko pa nga iniwan na ninyo ako!"

"Deny pa pre! Ang laki laki na ng tiyan mo oh!"

"Malamang kumain ako!"

Nilagpasan ko sila dalawa at tuluyan ng pumasok sa room, nagutom ako lalo sa pinaggagawa ng dalawa.

Pagkatapos kung umorder ay naghanap ako ng mauupuan medyo punuan na din kasi, at nakita ko ang isang bakanteng mesa. Katabi lang nun ang kinakainang mesa nila Sha na ngayon ay nakatingin sa akin.

Problema naman kaya nito sa akin?

Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa katabing mesa. Di nagtagal ay naupo na katabi ko si Miiko.

"Nasaan na si Lix?"

"Nauna na ng room, mabuti na yun at baka lumamon na naman yun dito." Napailing naman ako sa kanya at tiningnan ang pagkaing inorder nito. Ang dami din nito at pangtatlong kain ko ata yun. Tsk, pareho lang naman sila ni Lix. Matakaw.

"Bat ganyan ka makatingin sa pagkain ko!?" tanong nito na bahagyang tinago pa ang pagkain niya. Wew.

"Ang ingay naman!" rinig ko naman sabi ni Sha sa kabilang mesa.
Nabaling dito ang tingin ni Miiko.

"Mala-- Aray!" inapakan ko ang paa ni Miiko bago pa man nito matapos ang sasabihin.

"Tumigil kana at kumain."

Napasimangot ito at nagtuloy na sa pagkain.

"Umiwas ka nga sa gulo." sabi ko padito. Ngunit tila wala na itong narinig dahil napukos na ito sa pagkain. Napailing na lang ako, kaibigan ko ba talaga to?

Ilang minuto din ang lumipas ay natapos din ito sa pagkain. Naglalakad na kami para sa susunod na klase ng bigla ay kumalabit sa akin mula sa gilid ko. Nakita ko sa Sha. Tiningnan ko lang siya at hinintay na magsalita.

"Is he really your boyfriend?" tanong nito sa akin na nakaturo kay Miiko na nauunang maglakad sa akin kaya di nito napansin ang paglapit ni Sha. Napakunot naman ang noo ko sa tanong nito.

"Aish, nevermind." sabi nito at nagpatiunang pumasok ng room. Sinundan naman siya ng tingin ni Miiko saka lumingon sa akin, nagkibit balikat lang ako.

Anong problema nun? May gusto ba siya kay Miiko?

Hayss, first day pa lang pero parang ang dami na agad nangyari. Napatingin naman ako sa bintana, puro pagpapakilala lang naman ang nangyayari the whole day.











"GOOD afternoon, Lady Guinevere." Sabay na bati at bow sa akin ng mga maids sa bahay pagkauwi ko. Nahati sila sa dalawang linya na parang hinintay nila ang pagdating ko. Tinanguan ko na sila at magdederetso na sana sa kwarto ko ng marinig ko si mama.

"Gwen? How's your transfer?" tanong nito sa akin malapit sa pinto ng kusina namin malamang ay naghahanda na ito ng hapunan namin. Naglakad ako palapit dito at humalik sa pisngi nito.

"Ayos naman po, lalo na at magkaklase lang din kami ni Lix at Miiko" sagot ko sa tanong nito.

"Thanks to your papa, nagawan niya ng paraan na magkaklase pa din kayong tatlo" sabi ni mama na nangingiti pa habang binabanggit si papa. Sana ol inlab.

"Ako pa ba mahal? Anything for my beautiful daughter" sabay kaming napalingon ng marinig namin ang tinig ni papa. Napangiti naman kami pareho ni mama. Humalik ako sa pisngi nito ganun din si mama.

"Nasaan si kuya?" tanong ko sa kanya ng mapansin wala pa ito, kadalasan kasi ay magkasama itong umuuwi.

"May kinuha lang sa kotse" sagot naman ni papa sa akin.

"Namiss mo agad ako?" narinig ko ang pamilyar na tinig mula sa likuran ni papa.

"Asa ka kuya Drake" sabay irap dito. Napatawa naman sila sa sinabi ko.

"Magbihis na muna kayo at ihahanda ko na ang hapunan nito" sabi ni mama sa amin.
Sabay naman kaming umakyat papunta sa sarili naming mga kwarto para magbihis.

_________________________________________

Right N WrongWhere stories live. Discover now