10

828 48 2
                                    

Lunch time. Hindi naman kami magkaklase ni Jeca so hindi na ko nag-abala hanapin siya.

Dumirecho na ko sa canteen nakakagutom kaya mag-aral.

Nakaupo na ko at susubo na sana nang may umagaw sa kutsara ko

"Hoy!!"

Pagtingin ko si Jeca, akin yun eehhhhh

"Bakit di mo ko inintay??"

"Malay ko ba? Akin na yan gutom na koooo"

"Subuan mo ko"

"Nasan pagkain mo?"

"Andyan sina Max subuan mo ko!"

Naman eehhh

"Oh nganga 😑"

"Thank you! Akin na ako naman"

Inabot ko sa kanya yung kutsara at pinabayaan siya sa trip niya. Kahit gusto kita inagaw mo pagkain ko!!!

"Oh ikaw naman subuan ko" itinapat niya sa bibig ko yung pagkain. Isusubo ko na sana nang bawiin niya at isinubo ulit yung pagkain ko

"Hoy!"

Ngumiti naman siya.

"Sarap ng food haha. Salamat!"

Paglingon ko sa paligid naglakad na palabas sina Max.

"Ok na tapos na? Umalis na?"

"Tch. Ang mantika ng pagkain mo"

"Kutsara ko!"

"Kumuha ka bago. Isinubo ko na to, baka maimagine mo pang hinahalikan ako yuck"

Aish!!!!

Days or should I say, weeks went on like that. Pati mga parents namin akala okay na kami. Si Erin lang ang aware na hindi. Ngayon? It's only a week before the wedding at ganun pa rin siya. May pag-asa pa kaya to? 🤦🏻‍♂️

"Tol pati ikaw naging tanga na ano ba yan?"

"Pinapabayaan ko na. Mahal ko ehh"

"Iba ang mahal sa martir pinapaalala ko lang"

"Oo na oo na!! Hay nako"

"Sinasabi ko na sayo masama kutob ko kay Jeca sa araw ng kasal niyo"

"Kung magrrunaway bride siya hahabulin ko"

"Tanga talaga"

"Gusto ko kasing maintindihan ang pinsan mo Erin."

"Ni hindi ka nga iniintindi nung tao. Puro Max dito, Max doon. Hayup na Max yan"

"Malay mo naman di ba?"

"Siguro pag pumayat ka baka pa"

"Hindi ba talaga niya ako matatanggap ng ganito?" Aray 😅

"Tol. Pasensiya ka na kailangan mo pa magmahal ng kagaya ng pinsan ko"

"Okay lang. Hanggang kaya ko naman mamahalin ko lang siya ng mamahalin ehh"

"Baka maubos ka"

"Bahala na tol hehe"

"Pano mo natatagalan yang ganyan?"

"Hindi ko din nga alam"

"Miggy!!!"

"Speaking of the user. Alis muna ako"

Simula nang nalaman ni Erin yung ginagawa ni Jeca, hindi na niya kinakausap ito. Iniiwasan na rin niya kahit pa sa iisang bahay sila nakatira.

"Miggy!"

"Po?"

"Punta tayo sa park!!"

"Andun si Max?"

"Wala ah?"

"Edi ayoko"

Simula din nung ginamit na ko nang ginamit ni Jeca naging bato na yata ako. Pag may gusto siyang gawin alam ko na kasi yung dahilan ehh.

Mahal ko siya oo. Pero hindi niya ako nakikita kahit anong gawin ko.

"Miggy!!! Please??"

Bato pero lumalambot pa rin pag nakikiusap na siya. Hays.

"Sagutin mo muna. Andun si Max?"

"Oo nga! Eto naman masyadong matanong eh!!"

"Maghintay ka dyan"

"Yeheey!!"

Hays. Will I spend all my years being her pet? Wag naman sana.

Jeca's PoV

I feel like I'm slowly moving on from Max. Pero gusto ko patunayan sa sarili ko yon kaya gusto ko pa rin lagi siyang makita. Pinabayaan ko na din yung mangyayaring kasal. Pwede naman mag annulment pagkatapos ng ilang years. Bahala na.

Miggy... he's always here. Sa bahay, sa eskwela, lagi ko siyang katabi, kasama. Nakasanayan ko na lang din. Pero hindi pa rin kami close. I don't have the intention to be close to him. Though thankful ako sa presence niya pero hindi na niya kailangan malaman yon.

"Jeca lakad tayo ng lakad gutom na ko!!"

"Mamaya na yang gutom mo Miggy!!"

"Jeca!!!"

"Sshhh!!"

"Gutom na ko Jeca!!!"

"Kakakain mo lang an hour ago di ba?!"

"Ehh sa nagugutom ako ehh!! Aish. Dyan ka na nga"

"San ka pupunta?!"

"Maghahanap pagkain! Tutal tao hanap mo! Di ko naman makakain yon!"

"Hoy wag mo kong iwan dito! Miggy!"

"Heh! Bahala ka diyan! Nasan ba mga tindahan dito"

Laging gutom!!! Tch.

My Fat BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon