28

820 47 0
                                    

Miggy's PoV

Hawak hawak ko pisngi ko habang nakaupo dito sa canteen.

Busog naman talaga ako ehh andami ko kaya kinain bago ako nagpunta dito! Naka 2 rice pa nga ako hehe sshhhh secret lang yon kay Jeca. 😬

Binabawi ko na lang sa exercise. Nakakagutom talaga ehh 😣 hindi ko talaga kaya bitawan pagkain

"Boyfriend pala ni Jeca yung dinudumog kanina Max"

Sht. Sinuot ko hood ko para hindi ako makita nina Max

"Really? What's his name huh? Nakamove on na kaagad siya kay piggy?"

"Ewan ko kung nakamove on"

"Bakit?"

"Miggy din tawag niya sa boyfriend niya kanina sabi ng mga babae ehh"

"Wth? Hahahaha"

"Pero hindi yun sa piggy Max. Ang layo ng itsura hahahaha. Tsaka hindi baboy yung andun kanina"

Aray ha. Hindi ko alam kung ano dapat ko ireact pero dedma na lang muna.

"Aalis din yang newbie na yan ako pa ba? 😏"

Now is not yet the right time for you to see me Max. Not yet.

Jeca's PoV

"So... Jeca. Nabalitaan ko may boyfriend ka na daw?"

Eto na naman si Max. Kailan kaya ako tatantanan ng isang to? 🙄

"Ano naman yun sayo?"

"Ambilis mo naman napalitan si fatty?"

"So what?"

"Wala lang. I just thought-"

"Anong akala mo babalik ako sayo? Heck no"

"You know we both know you want me back. You even text me before"

"That was BEFORE. Matagal na kong moved on sayo. Sana ganun ka din"

"Talaga ba? Moved on ka na? Parang hindi pa ehh"

"Dream all you want Max"

"I'm not dreaming coz it's real. Alam mo naisip ko... gusto pa nga rin kita ehh"

"HAHAHAHAHAHA patawa ka ba?!"

"No Jeca. Seryoso ako"

Hinihintay na ko ni Miggybabes eh!!

"Shut it Max"

"Why? You don't want my kiss anymore?"

"Of course not!! Hinding hindi ko kailangan halik mo gago! Aalis na ko!"

Buti na lang hindi na ko pinigilan ni Max. I am so annoyed by his presence. Hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko na nainlove ako sa ganitong klase ng tao. Bwisit!!

"Bakit po salubong kilay mo Jessiebabes??"

"Miggy!!" Yumakap naman ako agad sa kanya

"J-jeca"

"Namiss kita"

"Jeca 2 hrs lang naman yung klase mo ah. Agad agad?"

"Gusto ko lagi kitang kasama ehh! Masama ba?"

"H-hindi naman-"

"Yakapin mo naman ako"

I felt his hands around my waist pero nagulat ako ng ipaikot ikot niya ako bigla

"Ayy hoy! Yakap lang sabi ko ano ba hahahaha"

"Gustong gusto kita ganitohin dati kaso hindi ko kaya hehe"

"Tama na nakakahilo! Haha"

"Sorry sorry"

"Why so sweet huh?"

"N-namiss kita ehh."

"Namiss mo din pala ako aarte ka pa!"

"No I mean for the last months na di kita nakita... namiss kita Jeca"

Napakagat labi ako. Shet bakit iba ang atake ngayon?? Feeling ko ang pula ko. Nakatitig pa siya saken

"Kilig ka?"

Tumango ako. Nagulat naman ako nang magtatalon na naman siya hahahaa

"Kinilig siya saken!! Yeeees ahh bakit pati ako kinilig!!" Sabi niya habang tumatalon hahahahaha

"Hoy nakakahiya ka Miggy hahahaha"

Narealize naman niya na pinagtitinginan na siya ng mga tao kaya napakamot siya sa ulo niya.

"Hala bat nakatingin sila saken"

"Masyado ka kasing gwapo. They can't take their eyes off of you"

"Talaga ba??"

"Oo kaya nga naiinis ako ehh"

"Ha? Bakit?"

"Gusto ko ako lang tumitingin sayo Miggybabes"

"Jecaaaaa" sabi niya sabay yakap saken

"Oh baket? Hahahaha"

"Ayoko na tumalon yakapin na lang kita"

"Umeeksena ka Miggybabes"

"Eehhh kasalanan mo kinikilig ako!"

"Aba hahahaha kasalanan ko bang gwapo ka?"

"Oo"

"At bakit?"

"Kaya naman ako nagpapayat para sayo ehh. Oo una para sa sarili ko pero kasama ka pa rin sa rason Jeca"

"Pinapakilig mo ba ko? Hahaha"

"Oo?"

"Epektib ha? Ayy!! Miggy!! Hahaha" buhatin na naman daw ba ako?! Hahaha

"Uwi na tayo andami na talaga nakatingin hiya na koooo"

"Oo na oo na ibaba mo na ko hahahaha"

"Ayaw!"

"Hoy! Hahaha" nagsimula siya maglakad habang buhat pa rin ako

"Uwi na tayo Jecaaaa"

"Oo nga!! Wag mo na ko buhatin jusko Miggy nakakahiya hahaha"

My Fat BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon