Chapter 29

15 2 1
                                    

Rhian POV

Nasa kwarto lang ako at wala akong planong lumabas, nakaharap lang ako sa salamin, pinagmamasdan ko ang mukha ko. Namamaga at nangingitim ang dalawa kong pisngi, may sugat ang gilid ng labi ko. Tumulo na lang bigla ang mga luha ko habang nakatingin ako sa salamin. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng to' sa pamilya ko? Hahayaan ko na lang bang mawala ang kompanya, kailangan ko na bang sumuko? Babalik na ba ako sayo zane? Pinunasan ko ang mga luha ko ng may kumatok, si mommy pala. Niyakap nya ako at nginitian ko sya.

"Alam mo ba? Ikaw ang pinakamagandang biyaya na binigay ni lord samin ng daddy mo? Kasi matagal muna kaming nagsama bago kami nabiyayaan ng anak, akala nga namin, baog kaming pareho.

Napangiti si mommy at napangiti rin ako. Nagpatuloy ulit si mommy sa kwento nito.

"Napakaganda mo nak! Ngayon ko lang na-realize ang halaga mo, kasi noon, na-pokus ako sa trabaho. Hindi kita napansin, nang sabihin sakin ng daddy mo na ipapadala ka daw nya sa tita beth mo, sobrang nagalit ako at gusto kitang sunduin sa zambales pero ang daddy mo pa rin ang sinunod ko. Nung mabaril ka! Akala ko mawawala ka na samin. Tinanggap ko sa sarili ko na, kung kukunin ka ni lord ay maluwag ko na yung tatanggapin sa sarili ko. Napakasaya ko kasi bumalik ka sa piling namin, sa piling ko anak!?! Pero ngayon, isa na namang pagsubok ang kailangan mong pagdaanan. Hindi mo dapat to' nararanasan eh! Hindi dapat,
nak.

"Mommy, alam ko dati puro paglalamyerda lang ang alam kong gawin pero natuto na ako at si daddy ang nagturo sakin nun, kaya kung ano man ang mahalaga sa inyo ni daddy ay pagsisikapan kong makuha sa abot ng aking makakaya.

"Nak, salamat sa mga ginagawa mo!

"Mahal ko kayo ni daddy, mommy.

"Ngapala nak, ikakasal ka na sa susunod na linggo, kaya dapat maganda ka sa araw na yun.

Halata kong pinipilit lang ni mommy na maging masaya sa harap ko.

"Kahit hindi naman sa araw na yun eh, talaga namang maganda ako mommy, diba?

"Oo naman, nak!

Tumayo ako at niyakap ko ng mahigpit ang pinakamamahal kong mommy.




Zane POV

Sa pag-iisa ko dito sa condo ko ay bigla kong namiss si mama, dati kasi lagi nya akong dinadalaw dito sa maynila kaya lang nung nag-migrate na sila ni papa sa canada ay bibihira ko na lang sila makamusta ni papa. Ngayon ko na-realize na kailangan ko pala ang yakap ng mama ko, gusto kong sabihin lahat sa kanya ang bigat ng kalooban ko, kahit na galit yun magpayo, okay lang! Kasi mama ko yun eh! mahal ko kaya yung mama ko. Kaharap ko pa rin ang isang bote ng whisky at nagpapakalunod pa rin ako sa alak. Binuksan ko ang television at saktong ang balita ay nasa entertainment news.

"Puchang gala, pati ba naman sa TV makikita ko ang pagmumukha mong gago ka?



Third person's POV

Binabalita kasi ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng Business Tycoon na si Jeron Dela Torre sa nag-iisang anak ni Former Chairman Hernan Lovaton at CEO ng Lovaton Enterprises Group of Company na si Rhian Lovaton at nasasaad pa sa nasabing news update ang petsa ng kasal, wedding of the year ang tema ng enggrandeng kasalan.





Zane POV

Napapailing na lang ako at pinatay ko na ang TV, nabwiset ako eh! Porke ba mga mayayaman at kilalang tao sa bansa eh, kailangang ibalandra nila ang kanilang whereabouts sa madla (hahahaha) nakakatawa!

"Wedding of the year, pwe......

Tumayo ako at kumuha ulit ako ng isa pang bote ng alak, naubos na kasi yung iniinom ko hindi pa ako tinatamaan pakiramdam ko, na-immune na ako sa alak kasi hindi ko na maramdaman na nalalasing ako.

"Ngayon lang to' tapos paggising ko kinabukasan babalik na ako sa dati, magiging maayos na ako! Sana ganun lang kadali diba!?!!! Pero mahirap pala.

Para na akong baliw kinakausap ko na ang sarili ko, naku! Wag naman, ayoko ko pang mabaliw. Sa gwapo kong to', mababaliw? Wow, heavy! Di ko carry (hahaha).









💞💞💞💞
Hala! Nababaliw na ang bida natin hahahaha nagsasalita nang mag-isa, bitter talaga ako! talagang pinahirapan ang mga buhay ng mga bida sa sariling story, noh?!! Yaan nyo na?????? Hehehe.

Your My love (Completed) (#watty's2020Entry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon