Chapter 1: Ang Pagtatanghal sa Darya

162 0 0
                                    

Nagsasayawan at naghihiyawan sa tuwa ang buong bayan ng Darya bilang pasasalamat kay Bathala sa magandang dulot sa kanilang pag-aani sa kanilang mga taniman.Palibot-libot sila sa harap ng isang malaking puno na kung tawagin nila'y Rasarca. Ang Rasarca ay sadyang isang kakaiba at napakagandang puno bagamat ang mga dahon nito ay  kakulay ng mga ulap sa kalangitan at ang mga maliliit na bunga nito'y nagniningning sa tuwing natatamaan ng liwanag ng araw dahil sa ginintuang kulay nito. Ang katawan naman nito ay katulad ng mga ibang puno sa kagubatan ngunit itoy may kasing tigas ng bato ngunit napakakinis hawakan gaya ng isang kristal. Ito ang pinakasagradong bagay ng mga Daryan sa paniniwalang sa puno ng Rasarca dumaan ang mga unang diwata mula sa mundo ng mga mortal na tinawag nilang Tawhara papasok sa kanilang mundo na tinawag nilang Kadiwataan.

Sa Kadiwataan, ang bayan ng Darya ang pinakamalayo at ang pinakamapusok na lugar. Napapalibotan ito ng mga makakapal na kagubatan at ilan pang mga mataas na kabundukan kaya sa kadahilanang ito, ang mga mangangalakal mula sa Altana, ang kaharian ng hari ng mga diwata, ay paminsan-minsan lang dumadaan at nagtitinda sa bayan ng mga kalakal sa bayan ng Darya. Hindi naman ito naging hadlang para sa pamumuhay ng mga Daryan, natuto silang magtanim at mag-alaga ng mga hayop bilang kanilang pangunahing kabuhayan sa Darya.

Simula noong katapusan ng ikalawang digmaan ng mga diwata at maligno, ang bayan ay namuhay ng matiwasay at payapa na puno ng respeto at pakikikapwa sa mga kalahing diwata. Yaon din nama'y naging matatag ang buong bayan ng Darya dahil sa mganagdaanang inrerespeto at matatapang na mga pinunong lumaban at naglingkod sa kanila lalong lalo na ang kasalukuyang pinuno nila na si Garpok na anak ng naunang at namayapang pinunong si Maltok. Isang napakatalino, matapang at napakabait na pinuno si Garpok. Itoy naging pamanang ugali sa kanya ng amang si Maltok na siyang pinuno bago pa man naging siya. Kasama niya sa katungkulan ang napakaganda at napakamabuting asawa niya na si Dresa na siyang naging batayan ng mga taga Darya ng walang humpay na kagandahang loob at asal. May limang anak si Garpok at Dresa; ang panganay na lalaking si Danus, ang pangalawang anak at panganay na babaeng si Seya, ang pangatlong anak at pangalawang lalaki na si Haro, ang pang-apat at bunsong babaeng si Feha at ang pinakabunsong lalaking si Terus. Naging larawan ng isang masaya at ulirang pamilya ang pamilya ni Garpok sa buong bayan ng Darya. Ang katatagan ng pamilya ang nagiging batayan rin sa katatagan ng buong bayan.

"Mukhang mas masaya ng pagdidiriwang natin ngayon kaysa noong nakaraang taon, Garpok," wika ng isang lalaki na malapit ang inuupuan mula sa inuupuan ng pinunong si Garpok. Sa harap nila ay ang mga Daryan na nagsasayawan na sumasabay sa mga tugtuging pinaiiral mula sa mga tambol at pagkanta. Marahil ay isang kasapi ito mula sa konseho ng pinuno kung saan sila ang kumakatawan sa distrito ng bayan. "Mukha ngang mas masaya ngayon, Masos, iyon ay marahil ay mas masagana ang ani nga mga taniman sa taong ito," ani Garpok habang nilalapit ang bibig sa tenga ni Masos upang marinig niya ito sapagkat malalakas ang hiyaw  at tugtog sa paligid." Marahil nga Garpok, at dahil din siguro dumadami na rin ang mga mangangalakal sa bayan buhat ng ipinatayo ng hari ang tulay sa Ilog Buhar na siyang nagpapamadali sa paglalakbay nila patungo rito," ani Masos, kinuha ang basong may lamang alak at ininom habang nakatingin sa mga nagsasayawan." Patungkol sa hari, ano na ang naging kaganapan sa Basuhas, balta ko sumulong doon ang mga maligno?," tanong ng pinuno sa kasapi ng kanyang konseho.

"Wala ng nadatnan ang hari pagdating niya sa Basuhas, napaslang lahat ng mga duwendeng naninirahan sa bayang iyon,mukhang nahuli sa pagsagot ng tulong ang hari sa kanila," sagot ni Masos.

" Napakalungkot isipin, ang mga duwendeng Basun pa naman ang mga nangungunang mangangalakal ng metal sa Darya,"

" Mga maligno nga naman, mga nilalang na inilikhang walang puso't kaluluwa,"ani Garpok sa kausap. "Ngunit,nabalitaan kong, tumitindi ang pagbabantay sa palasyo ng hari buhat sa nanyari sa Basuhas," pagpapatuloy ni Masos sa usapan. "Hinigpitan niya ang mga batas sa palasyo, at laging nakabantay ang mga kawal sa lahat ng mangangalakal na pasok-labas sa Altana,"

Diwa ng Lahi: UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon