Chapter 3: Ang Paglusob sa Darya

22 0 0
                                    

"Nagsimula na po ang pagtatanghal sa Rasarca,mahal na maybahay," ani ng dama sa kanyang pinaglilingkurang diwata. Siya ay isa sa mga dama ng asawa ng pinuno ng Darya na si Dresa.

" Salamat, Agiwa,papunta na kami roon," wika ni Dresa habang sinusuklayan ang buhok ng panganay niyang babae na si Seya. Agad namang umalis sa pintuan ng silid ang dama.

"Seya, kailangan mong inaayos palagi ang iyong buhok dahil ito ang iyong pagkakakilanlan bilang isang babae. Lahat ng mga babae ay pinapahalagan ang kanilang mga buhok," pangaral ng ina sa anak na babae habang sinusuklayan niya ito na nakaupo at nakaharap sa salamin. "Kahit anong ayos  mo pa sa aking buhok ,ina, at kahit anong higpit pa ang iyong pagkakatali diyan, tiyak magugulo pa rin yan," wika ni Seya sa ina na tila naiinip sa kinalalagyan.

"Kahit na, Seya, bilang isang babae, ay kailangang ayusin at pagandahin ang iyong buhok, magugulo man itoy kailangang ayusin," ani Dresa kay Seya. "Bahala ka nga ina," busabos ng anak. Biglang napangiti si Dresa sa inasal ng anak niyang babae na tila may naalala.

"Bakit ina?," tanong ni Seya ng makitang nakangiti ang ina mula sa salamin.Nagtaka siya dahil ang ibig niya'y galitin ito ngunit sa halip ay natawa ang ina. " Wala," sagot ng ina. " Naalala ko minsan sa iyo ang aking sarili noong bata pa ako, ganyan rin ang sinabi ko sa aking ina sa tuwing inaayusan ako ng buhok," wika pa ni Dresa habang tinitingnan ang hitsura ng anak sa salamin.

Hindi umimik si Seya sa sinabi ng ina. " Ayan, maayos na," wika ng ina at pinatayo ang anak mula sa pagkakaupo. Inayos niya ng bahagya ang damit na suot nito na kulay asul. " Maari na po ba akong pumunta sa Tanghalan ina?," tanong ng anak na halatang sabik na sabik ng pumunta roon. Yumango lamang si Dresa bilang sagot sa anak. Lumundag sa saya si Seya at patakbong palabas ng silid. Ngunit tinawag muli ni Dresa ang  anak,

"Seya!," tawag ni Dresa at agad namang bumalik sa silid si Seya. 

"Isama mo si Feha," ani ni Dresa kay Seya at ipinasama niya si Feha, ang pang-apat na anak niya. Agad naman kinuha ni Seya ang pitong taong gulang na kapatid niyang babae at sabay silang tumakbo sa labas patungo sa puno ng Rasarca kung saan nagaganap ang pagtatanghal.

"Mag-iingat kayo!," paalala niya kahit  wala na sa paningin ang dalawang anak. Agad naman nagpakita ang dama. "Mahal na may bahay. susundan ko po ba sila?," tanong niya kay Dresa habang ipinakita ang sarili sa may pintuan ng silid kung nasan naroon ang asawa ng pinuno ng Darya.Nakita naman ni Dresa ang dama.

"Sundan mo sila, Agiwa, bantayan mo rin ang dalawa, salamat," utos ni Dresa na may malumanay na boses. Umalis agad ang nautusang dama at sinundan ang dalawang bata.

Umupo si Dresa sa upuang nakaharap sa salamin. Nakita niya doon ang kanyang sarili, ang pananatili ng kanyang angking ganda at liwanag ng mukha. Kahit may lima na siyang anak ay hindi pa rin nakukupas ang kanyang ganda na minsan inakala niyang sumpa noon. Ipinagpasalamat niya kay Bathala ang regalong hindi sa kanya ipinagkait. Mula sa salamin ay nakita niya na may gumalaw sa kanyang higaan. Pangiti siyang tumayo at nagtungo sa higaan at kinuha ang kanyang bunsong anak na isang sanggol. Umiiyak ito na thinahanap ang init ng pagmamahal ng kanyang ina. Inilagay niya ito sa kanyang mga braso at pagiwang giwang niyang kinantahan ng kundiman ang umiiyak niyang anak. Dumahan naman sa pag-iyak ang sanggol ng marinig ang malamig na boses ng kanyang ina. At nang makitang bumalik na ito sa pagkatulog ay inilagay ulit ni Dresa ang anak na si Terus sa malambot niyang higaan. Nakita din niya ang pagkahimbing ng tulog ng anak.

Lumabas sandali si Dresa sa silid at nagtungo sa pintuan ng bahay upang isarado ito nang marinig ang malakas na hampas nito dulot ng hangin. Agad naman niyang pinuntahan ito at isinara ng maiigi.

"Dresa," ang laking gulat ni Dresa na may biglang tumawag sa kanya sa loob ng tahanan. Isang karaniwang boses ang kanyang narinig. Ang boses na hindi niya malilimutan kailanman. Tumalikod at humarap siya sa tumawag sa kanya, at bumungad sa kanya ang isang lalaking matagal na niyang hindi nakikita. At kanya rin itong kinasusuklaman na hindi niya inakalang iyon ang araw na magpapakita muli ito sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diwa ng Lahi: UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon