dalawamput walo

1.8K 99 5
                                    

sa ilalim ng napakagandang liwanag ng araw, isang masaya at simpleng pamilya ang naninirahan sa maayos at simpleng tirahan na may dalawang palapag, masasabi mang sinple ngunit mas nakaka taas ito kumpara sa ibang mga bahay ngunit mas mababa kumpara sa dating hacienda ng mga alejandro

Habang nagsasampay ng damit si Isabelle kasama ang kanyang mama ay nagtatawanan ang mga ito habang pinapanuod nila ang paglalaro nila  Amor at Leir sa damuhan, kasama nila si Carlos

kung titignanng mabuti ay tila ay may isang nanay na masayang pinapanuod ang kanyang mga anak kasama ang kanyang asawa

dahil sa talino ng mga bata ay hindi na nila tinatanong pa sakanilang mama kung sino ang kanilang ama sapagkat lagi nilang nakikita na malungkot ang kanilang ina pagsapit nang gabi, laging sinasambit ng kanilang ina ang pangalan ng isang lalaki pag siya ay nananaginip,

alam nila na hindi si Carlos ang kanilang ama dahil tiyo ang tawag nila sakanya, ngunit hindi man si Carlos ang kanilang ama ay tumayong ama nila si Carlos,

napalapit sila kay Carlos at hindi namamalayan ng mga bata na hindi siya ang tunay nilang ama at may namumuong galit sakanilang puso sakanilang tunay na ama

hindi nila maintindihan kung bakit sila iniwan ng kanilang ama ngunit hinayaan na nila ito dahil kuntento na sila sakanilang masayang pamilya

ngunit ang pagsasaya ay biglang tumigil ng dumating sin Don Alejandro at may hawak siyang sulat, at may marka sa sa sulat na simbolo ng isang Gobernador Heneral

hindi maganda ang awra ng don at halata mo na nagdadalawang isip ito kung sasabihin sakanyang pamilya ang kanyang mga nalaman sakanilang dating lugar

"Anak, mahal ko pagkatapos niyo diyaan ay may pag usapan tayo sa hapag kainan oras na para mananghalian"

seryosong saad ng don at kaya naman agad nilang tinapos ang kanilang ginagawa at pati ang mga bata ay tumigil sa kanilang pagtawa, tila naramdaman nila na may mangyayaring hindi nila magugustuhan

pagdating ng kanilang hapunan ay tahimik na kumakain ang pamilyang alejandro kasama narin si Carlos na tila hindi din mapakali

tila mayroon din siyang alam dahil kinausap muna siga ni don alejandro bago sila nananghalian

samantalang si Isabelle ay kinakabahan, tila alam niya na ayaw niya ang mga susunod na mangyayari

"tunggkol sa maynila, pinalitan na ang Gobernador-Heneral, at si Gabriel ang pumalit"

lahat ay napatigil sa pagkain at napatingin sa Don

alam nila hindi pa tapos magsalita ang Don dahil larang nag aalala ito kung tama ba na sabihin niya ang mga susunof na impormasyon

tumingin ito sa anak niyang si Isabelle, bigla namang kinabahan si Isabelle at niready ang kanyang sarili sa mga susuanod na kanyang maririnig

huminga ng malalim ang don at binigkas ang mga katagang nagdulot ng dating pait na ibinaon ni Isabelle sakanyang puso

"Ikakasal na si Gabriel sa susunod na buwan at inimbitahan tayong pumunta at babalik na tayo sa San Martin iyan ang utos ng panibagong Gobernador Heneral"

yan lamang ang sinabi ng don samantalang biglang nahimatay si Isabelle sa kanyang mga nalamang impormasyon dahil hindi na niya nakayanan ang kanyang pighati at naalarama lahat ng nasa hapag kainan lalo na si Carlos

Ang aking Binibining TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon