dalawamput tatlo

2.1K 116 10
                                    

flashback

nang matapos ang kasiyahan sa bahay ni Gabriel ay hinatid niya sa isang guest room si Isabelle dahil hindi na niya kayang umuwi sakanila at nauna nang umuwi ang kanyang pamilya, sa sobrang kalasingan ni Isabelle ay hindi na niya namamalayan lahat ng kanyang ginawa, maging si Gabriel ay lasing nadin,

kasama nilang uminom si Gregorio, naunang nalasing si Gregorio at hinayaan nalang ni Gabriel na nalahandusay sa sahig ang kanyang kaibigan, sa hindi inaasahan ay nakaramdam ng pagkairita si Gabriel sa kanyang kaibigan,

nang nasa kwarto na si Isabelle at Gabriel , pinahiga na ni Gabriel si Isabelle, pagkatapos yumuko ni Gabriel para ipahiga si Isabelle ay napagpasyahan niyang tumayo na, sa hindi inaasahan ay pinulupot ni Isabelle ang kanyang braso sa leeg ni Gabriel at natumba si Gabriel

nagkadikit ang labi ng dalawa at nakahiga na sa ibabaw si Gabriel, sa ibabaw ni Isabelle

biglang nag init ang dugo ng binata, hindi niya mawari kung bakit ganito nalang ang reaksiyon niya sa dalaga,

hindi pa niya ito nararanasan, kahit kay Marie,


kusa nalang gumalaw ang katawan ng binata, hinanap niya ang mga bagay na gusto niyang marating, naramdaman niya ang mga sensasyong hindi niya alam na kaya niyang maramdaman

bilang isang binata, purong pagmamahal lamang ang kanyang naramdaman, kay Marie lang siya madikit ngunit hanggang halik at yakap lang ang kanyang naranasan, pero hindi napunta sa puntong may nag aalab, at parang may gustong kumawala sakanyang katawan,

hindi din namamalayan ni Isabelle na kusa na siyang tumutugon sa mga halik at hawak ni Gabriel

sa maliwanag na buwan, ang dalawang pigura ay naglalaro sa apoy, hindi namamalayang may mabubuo sa kanilang kapusukan, ang kanilang mga isip ay sila lang dalawa, ang kanilang nararamdaman, ang init ng kanilang katawan, at ingay ng kanilang pag iisa




pagdating ng umaga ay hindi wala na si Gabriel sa tabi ni Isabelle, walqng damit ang dalaga at walang maalala sa gai ng kanilang pagsasama, sanay nadin siyang matulog ng walang suot kaya hindi na siya nag isip pa ng kung anong nangyari dahil sa sakit nadin ng kanyang ulo, napagpaayahan nalang ni Isabelle na maligo at hintayin si Gabriel,

may nag aasikaso kay Isabelle na kasambahay na inutusan ni Gabriel na alagaan niya si Isabelle hanggang sa makauwi ito,

pero bago paman makauwi si Gabriel ay sinundo siya ng kaniyang kuya, at walang nagawa si Isabelle at umuwi siya sakanilang bahay


end of flashback.....



biglang nanghina si Isabelle ng malala niya ang nangyari, gulat man siya pero pinilit niyang tanggapin, may bago ng buhay sa kanyang sinapupunan, hindi siya galit, pero masaya siya, hindi niya din alam kung bakit masaya siyang magkakaroon na ng anak

"mam, papa, kapatid, gusto ko ako mismo ang mag sasabi kay Gabriel na buntis ako " saad ni Isabelle sakanyang pamilya at tumango naman sila lahat




sa mga nakaraang araw ay hindi mahagilap ni Isabelle si Gabriel, hanggang sa hindi niya inaasahan na sa bawat paglipas ng araw, ngayon niya lang narealize na may pwesto si Gabriel sakanyang puso, hindi man malaki ang sakop ngunit sapat na ito para pahalagahan niya ang binata, lalo na at magkakaroon na sila ng anak at may nangyari na sakanila,

napangiti nalang si Isabelle

habang naglalakad sa plaza si Isabelle sa bandang likod siya naglalakad, at bihira lang ang mga taong naglalakad dito ng makarinig siya ng mga boses na pamilyar sakanya

"Mahal mo pa ba ako?" saad ng babae

"Oo" tipid na saad ng lalaki

"kung ganuon ay bakit hindi mo ako kinakausap? hindi mo na ako pinapansin tulad ng dati? at iba na ang kasama mo? mahalaga ba sayo ang babaeng iyon?"

paghihinagpis na saad ng babae

"kasi nangako ako sakanyang mga magulang na hindi ko siya sasaktan"

seryosong saad ng binata

"pero gusto mo ba siya?" saad ng babae

makalipas ang ilang segundo ay saka lang nakasagot ang lalaki

"Hindi-"


hindi na tinapos ni Isabelle ang pakikinig sa dalawa at tumakbo na ito habang nahuhulog ang kanyang mga luhang ngayon niya lang uli naranasan, mas masakit pa ito kesa sa iniwan siya ng kanyang ex,

hindi niya namamalayan na may nabunggo siya

"Isabelle?" nagtatakang tanong ni Carlos

oo si Carlos ang kanyang nakabangga, mas lalong humikbi si Isabelle,

hindi napigilan ni Carlos na yakapin si Isabelle

"shhhh tahan na, nandito lang ako" saad ni Carlos habang niyayakap ang umiiyak na si Isabelle at hinahagod niya ang likod nito

kung kailan magbubukas ang puso ko para sa isang lalaki, ngayong magpapakababae na ako, ngayon pa at may nararamdaman na ako saka naman ako masasaktan, ang sakit sobra, ang puso kong pinulot isa isa ay muli nanamang nahulog at nadurog

naguguluhan man si Carlos sa mga nangyayari ay pinagaan nalang niya ang loob ni Isabelle, at nasasaktan siyang nakikitang nasasaktan si Isabelle


"Isabelle!" hinihingal na saad ni Gabriel,

nang makita niyang yakap ni Carlos ang umiiyak na si Isabelle

"Anong ibig sabihin nito Isabelle?" galit na saad ni Gabriel

Ang aking Binibining TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon