pang labing limang pahina

2.4K 148 4
                                    

"Ano naman ang tinatanong sayo ng lalaking na iyon?" naiinis na saad ni Gabriel habang heto kami ngayon naglalakad sa kung saan saan

"teka teka, bakit galit ka ata kay Carlos?"

mas lalong nainis si Gabriel sa aking saad

"hindi boto sa akin si Carlos para sakanyang kapatid, masama ang ugali niyang pagdating saakin, baka siya din ang nanira sa amin ni Marie"

at speaking of which eksakto namang naglalakad si Marie at may kasamang labanos, at papunta ang direksiyon nila sa amin, tila may sarili silang mundo, konti nalang at laglagan din sila ng mga rose petals para maging romantic, nakangiti lang ang babae na akala mo walang bukas at maging ang lalaki, malalagkit ang tingin nila sa isat isa, PDA men!


napatingin nalang ako sa kasama ko na natulala nalang at nang mapunta ang tingin ng babae kay Gabriel ay may gulat na makikita sakanyang magagandang mata, sa hindi ko inaasahan ay napatakbo si Gabriel at sinama niya ako palayo, sobrang higpit ng pagkahawak niya ng aking palad,

men! bakit ba ang hihilig nilang humugot ng kamay! masakit kaya!

out of curiousity ay napatingin ako sa mukha ni Gabriel habang tumatakbo kami,

tila nag slow motion ang lahat ng pangyayari, maging ang isang luhang bumagsak sa mukha niya ay napunta sa aking pisngi, my body just moved, at hinawakan ko ang luha ni Gab na nasa pisngi ko ngayon

sakit

iyan ang makikita mo sakanyang chokolateng mata, sino ba ang hindi masasaktan kung ang babaeng mahal mo ay nakipag break sayo kagabi tapos kinaumagahan may bago nang kalandian, bilis makalimot te! maniniwala sana ako kung nabugok ulo niya at nagka amnesia eh!



nagpatianod nalang ako kay parekoy dahil alam kong sobra siyang nasasaktan kaya ang nagawa ko nalang ay sumunod  hanggang sa nakarating kami sa isang simbahan, umupo kami sa pinakalikod na upuan, madami ang mga nagdadasal na mga matatanda at may hawak na rosaryo at naka Belo ng itim at ang iba ay puti,

gawa pa sa bricks ang simbahan at wow lang ang ganda ng paggagagawa,

tinitigan ko ang mukha ni parekoy, umiiyak ito, pero pinipigilan niyang humikbi, tinakpan nalang niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay nang mapansin niyang tinititigan ko siya,

hinagod ko nalang ang kanyang likod para kumalma, ganyan din ako nang wala na kami ni Jean, ang kaso ngalang sa akin mas malala ang nakita ko

flashback

6pm na hindi parin lumalabas sa gym si Jean, hindi paba tapos ang practice nila? tagal naman! para akong tanggang naghihintay sa harapan ng gym, ilang oras na din akong naghihintay

nang lumabas ang iba niyang kasama sa gym ay agad ko silang nilapitan at nagtanong kung tapos na ba ang practice game nila, at tinanong ko din kung nasaan si Jean, ewan ko na, bakit kinakabahan ako, sana pala kung ganito siya katagal ay sinunod ko nalang siya na umuwi na edi sana nakisabay ako sa best friend ko!


"Katatapos lang ang practice game namin, by the way, nasa clinic ngayon si Jean, ang sabi niya emergency daw, ang akala namin ikaw yung pinuntahan niya sa Clinic kasi ang sabi niya nadisgrasya daw sa harapan ng school ang jowa niya"

nagtatakang saad ng mga kasama ni Jean, Oh shit! bigla akong namutla, ayaw kong maghinala kay Jean, maybe may niligtas siyang estudyante at nagsinungaling na ako ang nasa clinic para payagan siya ng coach niyang pumunta sa clinic  tama! mabait si Jean!



Ang aking Binibining TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon