BINUKSAN na ni Roni ang pinto. Kaninang-kanina pa niya naririnig na gumagalaw-galaw ang seradura niyon. Nang sumilip siya sa bintana ay nakita niyang may kausap sa cell phone si Borj at tila hindi maiayos-ayos ang pagbubukas ng pinto. Nakaamerikana pa ito, halatang mula sa opisina.
Nang mabuksan na ni Roni ang pinto ay saka niya napuna ang dalawang grocery bags sa paanan nito. He went inside her house. Nakatapat pa rin ang cell phone sa tainga nito, bitbit ang plastic bags papasok sa bahay.
"How many times have I told you that a deal is not a deal unless there are contracts signed? Are you listening to me? Stop interrupting me while I'm giving you instructions!"
Napailing na lamang si Roni. Pabagsak na naupo si Borj sa couch, patuloy na sinesermunan ang kung sinong kawawang kausap sa kabilang linya. Sa wakas ay natapos ito sa pakikipag-usap. Inis na ibinaba nito ang cell phone sa coffee table.
"There are a lot of stupid people in the world," anitong nakaismid.
"You should say sorry to whoever that was. You're mean."
"But he's an idiot!"
Nagpakawala si Borj ng hangin mula sa bibig. "Maybe tomorrow." Napangiti si Roni. Hinubad naman nito ang amerikana at inalis pati ang necktie. "Nagugutom ako."
"Galing ka nang restaurant mo, di mo naisipan kumain na doon at ginawa mo na naman akong restaurant ngayon."
"May pasalubong naman ako, ah." Tutop ang noong sumandal ito.
"Anong problema?"
"Jane."
Kumunot ang kanyang noo. "Jane who?"
Binutingting ni Roni ang laman ng mga grocery bags. Dalawang linggong supply na iyon ng grocery items. Nakakatawa si Borj minsan. Kapag sa kanya ay nakakapag-grocery ito pero para sa sarili ay hindi. Kadalasan tuloy ay sa kanya ito nakikikain dahil walang laman ang cupboards of refrigerator nito.
"That girl I'm seeing."
"Akala ko ba, walang problema roon? You get all the fun, the other guys get all the responsibility."
"That's just the point. I want the responsibility."
Nanigas ang likod ni Roni at napatingin sa kaibigan. "Anong p-pinagsasabi mo riyan?"
"It's too tiring being with her." himutok nito. "Kailangan ay parati kaming nakatago. I mean, what the hell, right?"
Nagkibit-balikat siya. "So break up with her. That shouldn't be hard for you. You've done it so many times before."
"I can't."
"Don't give me that, BBF," aniyang binato ito ng throw pillow bagaman nakadama siya ng kaba. Kahit kailan ay hindi naging mahirap para kay Borj ang makipagkalas sa mga kasintahan nito. Why would that case be any different? Lalo pa nga at tunog-malaswa naman ang babaeng idine-date nito dahil tatlong lalaki ang pinagsasabay-sabay.
"I don't know what I see in her, Roni. But I don't want to break up with her."
"But why?!" Tumaas na ang tinig niya.
"I guess I'm in love. Isn't that ironic?"
Para siyang sinuntok sa dibdib. Too effing ironic, Borj. Too effing ironic...
ILANG ulit nang napapagalitan ni Roni ang empleyadong si Nelia ngunit kakatwang tila hindi ito naiinis sa kanya. Masyadong pa-easy-easy ang empleyado sa trabaho, tila walang problema sa buhay. Kaya naman ilang ulit na niya itong nasaway ay dahil sa maling pakikitungo sa mga kausap. Pero heto ngayon at nakangiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Tricks, Love Magic
RomanceBorj was Roni's best friend. Si Borj ang batang nagnakaw sa kanya ng halik noong bata pa siya at hindi inakalang makakasundo pala niya. After years of being friends, she realized she was in love with him. Isang araw ay sinabi ni Borj sa kanyang mag...