💥Chapter Fourteen💥

833 45 12
                                    

"WE HAVE chemistry, Roni. You can't deny that." Paulit-ulit sa tainga ni Roni ang huling mga salita ni Borj bago siya makasakay sa taxi kanina. Nang hagkan siya ng binata ay tinugon niya ang halik na iyon, gaya pa rin ng dati. Ngunit nang maalala niya na ilang ulit nang ginawa ni Borj na basehan ang mga halik nito upang ipamukha sa kanya ang mga nais na sabihin ay itinulak niya ito.

Hinihingal pa siyang tumakbo palayo. Mabuti na lamang at may nakita siyang taxi na parating kaagad na pinara iyon. Iniwan na niya roon ang dating best friend at nag-iwan din naman ito ng mga salita sa kanya.

Hindi maturol ni Roni ang nais nitong sabihin sa kanya. They had chemistry daw. Alam niya kung anong chemistry ang tinutukoy nito. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit sinabi iyon ng binata. Ano ang ipinupunto ni Borj?

Bakit parati na lang siyang hinahagkan nito? Bakit ngayon? Bakit hindi noong maaari niyang ibigay ang lahat para lang hagkan siya nito sa mga labi?

Nang tumunog ang message alert tone ng kanyang cell phone ay kaagad na binasa niya ang mensahe. It was from Borj and it read: Roni, your car is ok. I have it here in my garage. Kunin mo na lang mamaya. Sagot ko hapunan. See you! =}

"What is he up to?" bulong ni Roni sa kawalan.

Buong maghapon tuloy ay hindi mapakali si Roni sa trabaho. Eksaktong alas-singko ay umalis na rin siya sa opisina. Alas-sais y medya ay nakauwi na siya sa apartment niya. Matamang iniisip niya kung ano ang gagawin niya. Naisip niyang ipakuha na lamang sa daddy niya ang kanyang kotse. Ang kaso lang ay tiyak na magtatanong ito. Ayaw na niyang palakihin pa ang issue. Ngunit ayaw rin niyang magtungo sa bahay ni Borj. Sa huli, naisipan niyang padalhan na lamang ito ng text message.

Kukunin ko na lang jan yong kotse bukas ng umaga. Salamat.

Wala pang isang minuto ay nag-ring na ang cell phone niya. She sighed and answer it. "Hello?"

"Maaga akong aalis bukas. Kunin mo na ngayon." May lambing ang tinig ni Borj, tila walang masamang naganap at napakaordinaryo lamang ng nangyayari.

"O-okay."

"I made a dinner. Dito ka na kumain, ha?"

"N-no. Kukunin ko lang ang kotse. Magkano ba ang nagasto mo---"

"Just have a dinner with me and we're okay."

Nawala na si Borj sa linya. Muntik na niyang maibato ang cell phone sa dingding.

Wala nang magawa si Roni kundi magpunta sa bahay ng binata. Nagdala siya ng wallet. Nang makarating siya roon ay naroon na si Borj sa labas ng bahay, nakasandal sa pinto, nakahalukipkip at maluwang ang pagkakangiti.

Mistulang may dagang naghahabulan sa kanyang dibdib at kaagad na pinagalitan niya ang kanyang sarili. Buwisit ka, Roni. Ngumiti lang sa 'yo, tuliro ka na. Tandaan mo ang lahat ng sinabi niya sa 'yo. Just get the damned car and get the hell out of there.

"Hi, pretty," anito.

"B-Borj, stop that, please." Tumigil si Roni dalawang dipa mula rito. Nakadama siya ng takot. Hayun at ayaw siyang pakinggan ng puso niya. Daig pa yata niyon ang kinukuryente masilayan lamang na maganda ang mood ng dati niyang kaibigan.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Borj. "Stop what? Telling you you're pretty? But you are very pretty, Roni, sweetie."

"Borj, I'm not in the mood!"

Love Tricks, Love MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon