NAKATAGILID si Roni kay Borj sapagkat hindi siya makatingin sa binata. Nang humupa ang init ay dagsa-dagsang emosyon at isipin naman ang bumaha sa kanya. Inaasahan niyang may sasabihin ito sa kanya upang mapanatag ang kalooban niya ngunit niyakap lamang siya nito patagilid.
Tila walang sawang hinagkan at kinagat-kagat ni Borj ang kanyang balikat. Hinayaan lamang niya ito. Isang bahagi ni Roni ay natutuwa, gaano man kalaking kalokohang makadama siya ng ganoon.
Ngayon ay tulog na ang binata, dinig niya ang pare-parehong agwat ng paghinga nito. Noon pa lamang siya bumiling. Pinagmasdan niya ang mukha ni Borj at napangiti siya. Dinampian niya ng halik ang mga labi nito.
Marahil ay pag-uusapan nila bukas sa almusal ang lahat.
Sumiksik siya sa binata at ipinikit niya ang mga mata. Malapit na siyang makatulog nang marinig niya ang kung anong ingay mula sa bedside table. Nag-vibrate pala ang cell phone nito. Hindi na sana papansinin iyon ni Roni ngunit makailang ulit na gumalaw ang cell phone. Nilingon niya ito. Himbing na himbing na si Borj sa pagtulog.
Natukso siyang tingnan kung sino ang nag-text dito. It was Jane.
Love, bati na tayo. Hindi na ako galit sayo. Tuloy ang kasal, don't worry. Call me tom and we'll talk about the motif. Pag di mo ko tinawagan, magagalit na talaga ako sayo, the first message read.
Love, miss na kita. I love you. Two months na lang and I will be your wife. Can't wait! That was the second message.
The last one read: Wag na tayong mag-away uli, ha? Love you, baby.
Nilingon niya si Borj. Natutulog pa rin ang binata. Hindi makapaniwalang napailing-iling siya. Nag-away si Borj at ang nobya, at siya ang naisip nitong pagbalingan ng pansin. Marahil ay nangangailangan ito ng kausap at hindi naman maihinga ang problema sa mga magulang. Alam niyang hindi komporme ang mga iyon kay Jane.
At marahil, may mga physical needs itong kailangang punan. At walang ibang naroon kundi siya. At ngayon, mukhang magiging okay na naman ito at si Jane. Itsa-puwera na naman siya.
Iyon lang ang naiisip ni Roni na rason sa nangyari. Hindi rin naman niya ito ganap na masisi dahil siya ang gagang pumayag-payag. Iyon nga lang, hindi niya kailanman naisip na makakaya ni Borj na gawin sa kanya ang mga bagay na iyon. Pero naroon na.
At nagagalit siya. Habang pinagmamasdan niya si Borj ay lalong sumidhi ang galit niya. Para naman siyang ginagawang tanga nito. Ginagago siya, wika nga ng ilan. Sabihin pang may mga hindi sila pagkakaunawaan, dapat naman ay lumutang ang pinagsamahan nila.
Nananakit man ang katawan ni Roni ay tahimik siyang nagbihis. Isinilid niya sa bulsa ang mga susi niya. Hindi na makakatapak pa ang binata kahit kailan sa bahay niya, sa buhay niya. Tiningnan uli niya ang cell phone. Nais niyang makaganti kahit sa maliit na paraan lang. Binura niya ang tatlong SMS ni Jane. Alam niyang childish act iyon pero wala na siyang pakialam. Bakit ba? Higit pa sa text message ang kinuha ni Borj sa kanya. At hindi na ito kaya ibalik iyon kahit tangkain pa nito.
Umalis na si Roni roon at batid niyang hindi na siya muli pang babalik.
NANG dumating si Roni nang hapong iyon ay naabutan niyang nakaupo sa porch si Borj. Ilang araw na itong nagtatangkang kausapin siya ngunit nagagawa niyang umiwas. Pero mukhang hindi sa pagkakataong iyon.
"What do you want?" mapaklang tanong niya.
"I want us to talk, Roni. Please naman."
BINABASA MO ANG
Love Tricks, Love Magic
RomanceBorj was Roni's best friend. Si Borj ang batang nagnakaw sa kanya ng halik noong bata pa siya at hindi inakalang makakasundo pala niya. After years of being friends, she realized she was in love with him. Isang araw ay sinabi ni Borj sa kanyang mag...