Kabanata 1
Drop
Nag patuloy na lang kami pumasok. Sinalubong na kami agad ng ingay at dagundong ng halo halong boses at tugtog. Agad nabuhayan ang sistema ko, naupo kami sa isang table. May nakahanda na mga inumin. Mukhang engrande ang mangyayaring party ngayon. May mga decoration pa kaya talagang pinag handaan.
"Nakita ko si Ethan sa dancefloor kanina! Grabe ang hot nya talaga!" bulong ni Violet
"Si Ethan?" sya yong sikat na varsity player sa Xander University
Tumango tango ito "Oo but anyway ilang minute na lang mag sisimula na sila mag pa labas ng foam!" tili nya
Kumuha ako ng isang baso ng tequila at ininom. Sanay naman na ako uminom kaya hindi na ako masyado naapektuhan ng mga ganito. "Wag ka masyado mag lalasing ngayon, may pasok pa tayo bukas"
Ngumisi ako "Hindi ako nalalasing Violet trust me"
Nagkibit balikat sya "Okay." Bago lumagok na rin
Habang lumalalim ang dilim ay mas lalo nagiging wild ang mga tao sa dancefloor. Si Violet ay nag sisimula na mag yaya sa dancefloor pero todo hindi ako, hindi pa kasi ako tinatamaan ngayon. Hinihintay kong mahilo ako muna bago ako sumayaw.
"Ang KJ Dani! Halika na dali" ani nya
BIglang may dumating na kakilala ni Violet. Hindi ko sila pinansin, nag enjoy lang ako manuod sa mga sumasayaw na kala mo ay mamamatay na sa sobrang lasing. Napapailing iling na lang ako.
"Ayaw ko pa umuwi!"
Napabaling ako sa boses ni Violet. May kaharap sya ngayong lalake na mas matangkad pa sakanya. Napataas ang kilay ko ng hinagod ko sya ng tingin,hindi nababagay ang suot nya formal sa bar. Nag taas ako ng tingin sa mukha nya. Since naka side view lang sya ay tangos ng ilong ang napansin ko at ang napaka perpekto nyang panga. Napalunok ako ng sinundan nya ng baling si Violet sakin. Ito ba yong boyfriend nya? Napatulala ako saglit. Oh shit boyfriend nya ba talaga ito?
Tumikhim ito bago naupo sa tabi ko. Umirap si Violet "Pakibantay na lang sya Dani, makikisayaw muna ako hmp!" at umalis
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Iiwan nya sakin yong boyfriend nya. Hindi ko maiwasan lingunin ang boyfriend nya. I admit ang gwapo..as in sobrang gwapo. Parang nakakalusaw yong tingin nyang seryoso sa kabila ng salamin nya. Hindi naman ito umiimik kaya hindi na lang din ako nag salita. Huminga na lang ako ng malalim bago kumuha ulit ng tequila. Hindi ko na lang pinansin ang presensya nya sa tabi ko at binalik tingin sa dancefloor.
Nag vibrate yong phone ko sa bulsa. Napataas ang kilay ko ng makita ang pangalan ni Danver sa screen. Ano naman problema nito at tumawag? "Hello Danver.."
Katulad ko ay maingay rin ang background, at parehas sa kung nasan ako ngayon. The heck nasa bar lang din sya! Tumawa sya sa kabilang linya "Pag bibigyan ka namin ngayon na mag lasing Dani!"
Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya "Huh? FYI mag lalasing ako kung kalian ko gusto!" sigaw ko since both na maingay ang background namin.
Gumulo ang kabilang linya, parang may humugot ng phone kay Danver "Pwede ka na rin sumayaw sa dancefloor, hindi ka naming isusumbong kay Tito" ani Joe naman. Lasing na bai tong mga to?
Umayos ako ng upo, dumekwatro. Dahil sa upo ko ay mas lalo nakita ang mapuputi kong legs "Ano ba problema nyong dalawa? Lasing na ba kayo? Saan kayo?" mahirap malasing ang dalawang ito, mamaya nasa headline na naman ulit sila ng newspaper.
Humalakhak silang dalawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Napairap ako, pinag tritripan lang ako nitong dalalawang to "Ibaba ko na to! Mga baliw"
BINABASA MO ANG
Seducer Series 3: Alexander Montemayor
General FictionSPG| Mature Content| R-18 A simple story of student and teacher relationship with a twist. Forbidden love.