Kabanata 3

9.5K 177 3
                                    

Kabanata 3

Form

Tulala ang ibang mga kaklase ko dahil sa quiz na pina-sample samin ni Ma'am Mors. Ako naman may nasagot, palagi kasi sinasabi sakin ni Dad na ganyan ang Professor namin, uso ang advance reading dyan. Si Violet naman ay napayuko sa score na nakuha. "I regret na nag bar ako kagabi!" naiiyak na sabi nito hawak ang 1/4 na papel na sinagutan "Damn! I don't know na uso sakanya ang advance reading! Kung alam ko lang"

"Now you know Violet.." ani Danver na prenteng nakaupo katabi si Joe na ganon din at parang hindi naapektuhan sa scores na nakuha. Humalakhak si Joe at tinap ang balikat ni Violet "Hindi ka nag iisa, mabuti ka pa nga naka-2 pa. Eh kami?"

"Gago!" natatawa na batok ni Danver kay Joe kasi talagang pinag mamalaki pa nilang..

"Betlog lang kami! Hahaha" napanguso si Violet para pigilan ang pag tawa sa nababaliw na dalawang playboy. "Mga baliw, mag aral kasi kayo" singit ko.

"Kahit na, hindi naman kami kasing talino mo Dani hahaha" si Joe na nag uumpisa na sumilip silip sa phone nya. Si Violet ay tinitigan ako, napakunot ang nuo ko dahil ngumisi ito habang nakatitig sakin. "What the heck Violet?!" saway ko na kinatawa nya.

"Wala lang. Ang ganda mo na kasi tapos ang talino mo pa. Beauty with brain ka talaga." tumawa naman si Danver sa likod namin "Beauty with brain nga pero hindi naman sya crush ng crush nya. Saklap din!"

Umirap ako "Okay lang atleast.. ah nevermind" wala ako maisip. Inasar na rin ako ni Joe "Atleast ano? Tanggapin mo na lang kasi na taken na si Pres"

Sumama ang tingin ko kay Joe sa ingay ng boses nya. "Oh seryoso? Taken na si Pres Herold?" tanong ni Violet. Tumango tango si Joe habang nakapikit sabay turo sakin "At ito ay umaasa pa rin"

"Hoy hindi k-kaya!" naalala ko yong nangyari kahapon. Yong inabot nya sakin ang handkerchief ko. Kaya ganon na lang siguro ako kasipag mag advance reading kagabi, dahil naka face to face ko si Herold.

Ngumisi si Danver sakin ng may maalala ata sakin "Wag kayong ganyan baka maiyak yan at mas lalo mainggit" tukoy nya sa sinabi ko kahapon sakanya.

"Hindi ako naiinggit sakanya!"

"Insecure?" dagdag pa nito.

Kumuyom ang kamay ko sa sinabi nya. I admit, may time na naiinggit ako kay Athena Mendez. Halatang nag tataka sina Joe at Violet samin ni Danver dahil palipat lipat ang tingin nila sakin. Mabuti na lang sumabat si Violet.

"I knew Athena Mendez. Pero.." kumunot ang nuo ni Violet at tumingin sakin "No hate pero mas bet ko ang ganda ni Dani kaysa kay Athena."

"Yeah because I'm your friend." Irap ko na lang. Tumawa si Violet "Ang bitter mo Dani! Diba Joe si Dani ang pinakamaganda sakanila ni Athena?" tanong nya

Huminto sa pag tawa si Joe at tinitigan ako. Sa unang pag kakataon nakita ko ang genuine smile nya. "Yeah.." bago nag baba ng tingin sa phone nya.

"See! How about you Danver? Diba si Dani ang pinakamaganda sakanila ni Athena?" tumaas ang kilay ni Danver bago tinanggal ang tingin sa phone nya at tinignan ako.

"Si Dani?" he asked. Ready na ako umirap sa susunod nyang sasabihin dahil alam ko namang kay Athena Mendez yan eh.

"Hahaha"

"Bwisit ka talaga!" sabi ko na pag tatawanan lang ako nyang Danver na yan. Tatalikod na sana ako ng mag salita sya.

"Maganda si Dani..pero crush ko si Athena Mendez eh. Kaya sorry na lang Dani pero kay Athena Mendez ako. Hahaha!" hinampas sya ni Joe sa gilid na kapwa tumatawa na rin sa sinabi ni Danver.

Seducer Series 3: Alexander MontemayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon