Kabanata 2

10.2K 185 10
                                    

Kabanata 2

In

Pumikit ako at huminga ng malalim. Ilang beses ko na sinasabi sa sarili ko na 'Wala kang pakialam Danica, wala kang pakialam kung makikita mo yong nakausap mo at nag tanggol sayo sa kagagahan mo at wala kang pakialam na PROFESSOR MO SYA!' Mukha akong maayos na nakapikit pero sa isip ko sobra na ako natataranta heck!

Napapitlag ako ng kalabitin ako ni Violet "Huy inaantok ka pa rin ba kaya nakapikit ka dyan?" ngumiti ako ng pilit, gusto ng sabihin na dahil ito sa boyfriend mo!

"Huh? Wala iniisp ko lang kung ano sasalihan kong club mamaya.." palusot ko pero half ay totoo. Ang totoo ay hindi lang naman tungkol sa kahihiyan ko bakit ko iniisip yong bagong professor namin, Ito ay dahil sa gusto kong salihan..yong SSG.

"Wala pa ako naiisip pero gusto ko sumali sa Performance Club since hilig ko sumayaw.. diba kagabi?" tumawa ito.

"Baka mag Math Club na lang kami ni Danver" sabay naman ni Joe sa likod namin. As usual busy sila mag laro ng Mobile Legends

"Bobo gumamit ng Lesley tangina, walang ka-damage damage!" angil ni Danver habang ang atensyon ay nasa nilalaro pa rin nila. Umirap na lang ako at binalik ang tingin sa harap.

"Ang tagal naman ni Alexander tsk!" ani Violet sa boyfriend nya.

SSG ang gusto ko salihan dahil... andon si Herold. Oo na ako na ang papansin pero duh may alam din ako sa leadership. Actually sumasaki ako sa mga leadership programs nila, naranasan ko na rin maging facilitator sa mga nag-tra-training. Kailangan kasi sa screening malinis.. I mean malinis ang records like walang ganon... ganon sa ginawa ko kagabi sa bar. Okay lang na kami kami lang ang nakakita pero mahirap kapag professor na ang nakakita sa actions mo.

Ang worng timing mo mag wala Danica.

"Shit na malagkit!" mura ni Omar ang nag pagising samin. Automatic na dumako ang paningin ko sa pintuan. Kaya pala napamura si Onar, andyan na yong bago naming professor.

"What the— hindi pa tayo tapos mag laro!" bulong ni Joe. Nag dabog naman si Danver.

Hindi ko sila pinansin dahil nakatuon ako sa taong nakatayo sa harapan. Napalunoj ako, kita kita mo talaga ang authority sa tikas nya. Kung gaano kaseryoso ang awra nya kagabi sa bar, iyon naman ang kinahigit ngayong nasa harapan namin sya. Halos lahat ata ng mga kaklase ko nakatilala sakanya. Narinig ko naman ang hagikgik ni Violet sa gildi ko, oo nga pala yong girlfriend andito.

Nabasag lang ang katahimikan ng mag taas ng kamay si Omar. "S-sir.. ano po pangalan nyo?@ halos gusto kong batukan si Omar sa tinanong nya. Napag hahalataang nag papapansin, hindi ba nya narinig yong pangalan kanina?

Bumalik ang tingin ko sa professor namin. Ano ba dapat itawag ko sakanya? Sir? Shit after ng mga ginawa ko kagabi. Tumikhim ito bago nag salita.

"I'm your professor in Physical Science. Alexander Montemayor"

Nakatulala pa rin mga kaklase ko sakanya. Tumatawa naman sa gilid ko si Violet, nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Tumaas naman ang kamay nito "Sorry I cannot.." bago tumawa ulit ng mahina.

Umirap na ako sakanya "Bakit mo pinag tatawanan yong boyfriend mo?"

Napahinto naman ito sa pag tawa, kumunot ang nuo "Sinong boyfriend ko?"

"Duh, si.." Ah tatawagin ko ba syang Sir? Malamang Danica! "Si Sir Alexander!" sabi ko sakanyang nakataas ang kilay. Kunot nuo pa rin sya pero maya maya ay napakagat ito ng labi bago tumawa ng malakas. Nanlaki ang mata ko sa tawag atensyon nyang tawa.

Seducer Series 3: Alexander MontemayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon