Chapter 1

79 7 0
                                    

Sabrina's POV

It's been a 3 weeks since the first day. At sa 3 weeks na iyon ay siguro higit sa bente na ang nalandi ng Kean na yon. Grabe siya ha. I still remember the girl na pumunta sa room.

Flashback

"So, we will be grouping all of you into four groups to------" naputol ang pagpapaliwanag ni sir nang may babaeng pumasok sa room.

"Kean?! Excuse me sir, where is Kean?" Sigaw ng babae sa room. Anong gulo na naman ito?

Lahat kami napatingin kay Kean pero tanginang este tanging taas lang ng kilay ang naging sagot niya. Dire-diretsong lumapit sa kanya ang babae na aambang sasampalin ito ngunit agad na hinawakan ni Kean ang kamay niya.

"Kean! How could you do this to me? I just saw you with Tanya kanina! How could you just cheat on me?! Why? Why Kean? Why are you cheating on me?!" She hysterically said.

Bumuntong hininga lang si Kean at natawa pa. Joke ito?

"Why would I cheat on you if you're not even my girlfriend?" Ani Kean na nagpatawa sa buong klase. Tumakbo palabas yung babae sa kahihiyan. I feel bad for her. Nakakahiya yun.

"I'm sorry for disturbing you sir" aniya. At pinagpatuloy na ni sir ang ineexplain niya.

End of flashback

Hindi padin maalis sa isip ko yung babae. Naawa ako sa kanya. Nakakahiya yun! Kairita talaga yang Kean na yan! Hindi man lang niya inisip yung mararamdaman na kahihiyan ng babae! Langya siya! Walang puso! Walang modo! Napakababaero!

"Hoy Sab! Mapupunit na yang papel!" sigaw sakin ni Anne. Agad naman akong napatingin sa papel na hawak ko at totoo nga malapit na itong mapunit. Hindi ko namalayan na mapupunit na pala yung papel na hawak ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kean sa tabi ko kaya I just rolled my eyes on him. I hate him!

"Class dismiss" sabi ni sir

Minadali kong dinala ang bag ko at tumayo. Palabas na ako ng room nang makasabay ko sa paglalakad ang grupo ni Kean. Nagtama ang mata namin ng isa niyang kaibigan na fogi! Oo fffogi! Kung hindi ako nagkakamali, Caleb ang pangalan nito. Pangalan palang ang gwapo na!

Ngumiti lang siya sa akin at syempre ngumiti din ako pabalik! Aarte pa ba ako? Nagpatuloy lang sila sa paglalakad kaya naglakad na din ako. Akala ko kakausapin ako eh. Sayang naman!

Pagkauwi ko ng bahay ay agad sumalubong sa akin ang madaming mga maleta sa sala. Papalayasin na ako?

Char HAHAHAHA

It means andito na sila Mom and Dad! Yay! Agad kong binaba ang bag ko at hinanap sila Mom. Agad ko silang niyakap nang makita ko sila sa kusina. Gosh! I missed them so much! After namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto para gawin ang assignment ko nang sumaga na naman sa isip ko yung babaerong walang modo at puso.

Kean.

Hindi naman ako madalas naaattract sa ganoong mga lalake pero damn. Why?

Wait attract?! No! Hindi ako naattract sa kaniya! Inis! Inis ang nararamdaman ko!

Bakit ba bother na bother ako sa kanya? Bakit lagi ko siyang iniisip? Bakit lagi akong naiinis sa kanya? Argh!

Wait. Am I?

Hindi ko na tinuloy ang nasa isip ko dahil wala din naman sense. Tinuloy ko nalang ang paggawa ng assignment. Nakakastress to!

Alas 10 na ng gabi at heto ako gumagawa padin ng assignment. Kairita na science to! Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat nang biglang may nagpop na notification.

'CalebV' started following you'

Caleb? Wait what?

Caleb V as in Caleb Villanueva?! Shems!

I opened the notification to check kung totoo mga ba talaga na si Caleb yun. I almost fell out of my chair nang makita kong siya nga talaga yun! Ack! Omg!

Calvin is one of Kean's friend, i think kasi madalas ko silang nakikitang magkasama. Ang pogi talaga niya! As in! Grabe! Ang laki ng biceps niya!

I immediately followed him back coz why not? Pero pano kung isipin niya na may crush ako sa kanya? Wait no. Hindi ko naman siya crush gwapo lang siya. Okay fine.

Slight crush!

Natapos ko na ang assignment ko kaya minabuti ko nang matulog.













Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon