Chapter 7

41 5 1
                                    

Sabrina's POV


"Sabrina tawag ka ni sir Bart dun sa Pythagoras." Tawag sa akin ni Anne pagbalik sa room.

"Bakit daw?"

"Ewan."

Tumayo na ako at naglakad na papunta sa Pythagoras. Ang grade 11 STEM ay may apat na section, Heisenberg, Pythagoras, Archimedes at Fibonacci. Katabi lang naman ng room namin ang Pythagoras kaya mabilis lang akong nakarating. Kumatok muna ako bago pumasok sa room.

"Sabrina, vacant niyo right?"

"Uh yes sir."

"Utusan lang kita saglit, may quiz pa kasi sila. Okay lang ba?" Tanong ni sir pero bago pa ako makasagot ay muli itong nagsalita.

"Okay! Pakibigay nga ito sa mga classmate mo na player sa baskerball." Inabot sa akin ni sir ang isang white folder. "Kailangan nila yan para excused sila sa iilang subjects, you know nalalapit na kasi ang game. Nasa gym sila ngayon. Thank you."

Tumango naman ako. "May choice pa ba ako?" Mahinang bulong ko.

"You saying something?"

Umiling naman ako at ngumiti. "Ibibigay ko na po ito sa kanila." Nagpaalam na ako kay sir Bart at bumalik ulit sa room para maghanap ng kasama papunta sa gym.

"Anne samahan mo nga ako sa gym." Tawag ko kay Anne nang makita ko siya sa harap ng pinto ng room.

"Sorry Sab, si Mikzi nalang, hinihintay ko yung laptop ko kay ate." Tumango nalang ako at pumasok na sa room para hanapin si Mikzi.

"Mikzi! Tara sa gym, may utos sa akin si sir."

"Sorry sis, may presentation ako ng hapon kailangan ko pang iayos."

"Ah sige. Good luck diyan ask ko nalang si Shan."

Pinuntahan ko agad si Shan sa upuan niya para tanongin kung pwede niya akong samahan sa gym. May kalayuan kasi ang gym dito sa building namin kaya need ko ng kasama.

"Shan, pasama sa gym. May pinapahatid kasi si sir."

"Girl, sorry I can't. May pinapagawa si Ms. Jenylyn sa akin, kailangan kasi tapusin agad."

"It's okay, I'll just go ask Aby."

Pinuntahan ko agad si Aby sa upuan niya. Kapag si Aby din hindi pwede, talagang hindi ko na alam.

"Aby, busy ka ba? Pasama sana ako sa gym."

"Uh Sab sor-----" I cut her off. Alam ko na kung saan papunta ito. Sorry na naman. Hayy.

"It's fine! Continue what you're doing, I'll just go myself."

Lumabas na ako agad sa room at naglakad na papunta sa gym. Wala na ata akong friends, lahat sila busy! Akala mo naman maaral! Kapag sila naman kahit may ginagawa ako pupunta padin ako. Nagtatampo ako! Walang susuyo?

Wala talaga?

EDI WALA!!

"Good morning po!" Bati ko sa teacher na nakasalubong ko pero hindi man lang ito tumingin sa akin. Attitude!

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at hindi na pinansin ang teacher na attitude. Sila na nga ginood morning ko eh. Madami nga diyan naghahanap ng mag-good morning sa kanila tas ikaw po hindi mo ako papansinin. Hmp!

After 7 years ay natanaw ko na din ang gym. Pumasok muna ako sa restroom malapit sa gym para kumuha ng tissue para sa pawis. Naiwan ko kasi yung panyo ko sa room.

Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon