Chapter 3

71 6 0
                                    

Sabrina's POV


It's just a normal Wednesday pero bakit parang kinakabahan akong pumasok? Baka kasi aamin na si Jerico sa akin charot! Pero hindi eh!


Arghhh! Nakakainis naman kasi! Sana tinanggap ko nalang yung kamay nung Kean na yun! Hindi naman ako dapat kabahan pero bakit may something nagpapabilis ng tibok ng puso ko? Aish! Bahala na! Bakit ako matatakot sa Kean na yun? Si Daddy ba siya na galit? Hindi naman ah! Kaya hindi ako matatakot sa kanya!

"Watch Sabrina, I'll make you mine!"

"Watch Sabrina, I'll make you mine!"

"Watch Sabrina, I'll make you mine!"

"Watch Sabrina, I'll make you mine!"

"Watch Sabrina, I'll make you mine!"

Napatakip nalang ako ng mukha gamit ang palad ko nang maalala ang mga katagang sinabi niya. Hindi dapat ako kabahan. Bakit papatulan ko ba siya? Never!

"Sabrina!" I was startled by Kuya's voice.

"Kuya why are you shouting ba?!" Tanong ko sa kanya.

"Ilang beses na kitang tinatawag at nakatingin ka padin diyan sa labas. Baba ka na!" Sabi ni kuya sakin. Napatingin ako muli sa labas at napansing nasa school na pala kami. Ngumiti nalang ako kay kuya at nibeso beso na siya. Pababa na ako ng sasakyan nang may binulong ang epal kong kapatid.


"Ang baho hindi naligo"


"Hoy kuya FYI naligo ako! Hininga mo yung mabaho!" Sabi ko sa kanya at isinara na ang pinto ng sasakyan.


Nakakastress! Muli na naman akong dinalaw ng kaba nang makita ko ang pinto ng room namin. Bakit feeling ko ang laki laki ng kasalanang ginawa ko kahapon? Sinungitan ko lang naman siya dahil papansin siya eh! Bahala na nga!


Pumasok na ako sa room ko at umupo na sa upuan. Wala pa si Kean yes! Luminga linga ako sa paligid para hanapin sila Anne. Agad nila akong nilapitan nang tinawag ko sila.

"Oy girl bakit ka umuwi agad kahapon? anong kinasusungit mo teh?" tanong sa akin ni Mikzi. "Uhm wala parang feel ko lang umuwi na kaya umuwi na ako" palusot ko sa kanila. Tinignan naman ako ni Anne ng parang alam niyang nagsisinungaling ako.


"Weh? Feel umuwi or dahil kay Kean?" Tanong sa akin ni Shan. Hindi na ako nakasagot kay Shan dahil umentra si Anne. Pabibo ka ghorl? charot!


"Oh! Speaking of the devil" ani Anne. Napatingin silang lahat sa likod ko kaya naman kinabahan ulit ako. Satanas wag ngayon please!


Dahan dahan akong tumingin sa likod ko at nakitang papasok si Kean kasama ang mga kaibigan niya sa room. Nagtama ang mata namin at nakaramdam ako ng kiliti sa katawan ko. Ang landi mo self. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa ibinaba niya ang bag niya sa upuan niya, sa tabi ko. Laking gulat ko nalang nang bigla niya akong kinindatan. Inirapan ko nalang siya at humarap muli sa mga friends ko.

"Hi Kean!" Bati ni Anne at tumingin naman siya sa akin na para bang pinapahiwatig niya na may something sa amin or sa akin. Kainis ka Anne! Humanda ka sakin mamaya!


"Hello! Mukhang may pinaguusapan kayo ah" ani Kean. Ano naman pake mo kung may pinaguusapan kami?


"Uhm oo kanina may pinaguusapan kami nila Sabrina pero okay na, why? May kailangan kang kausapin sa mga friends ko?" Sabi ni Anne at pinagdiinan pa talagang sabihin ang name ko. Alam kong maganda name ko pero Anne naman wag ganito.


Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon