Chapter 4

62 8 0
                                    

Sabrina's POV


Kasalukuyan akong nakikinig ngayon sa math teacher namin. Ang hirap talagang igets ng math. Hindi ba pwedeng diretsong lunch na at walang math? Last subject kasi namin ang math sa umaga. Nagugutom na ako! Hindi pa ako nakapagrecess dahil natamad ako.


Naramdaman ko sa gilid ko na unti unting umuusog ang upuan ni Kean palapit sa akin. Tinignan ko siya at kinunutan ng noo. Ngumiti lang siya sa akin at humarap na ulit sa pisara. Hayy ayan na naman ang pangungulit niya.

Naramdaman ko ulit ang pagusog ng upuan niya kaya naman ay nainis na ako. "Ano ba!" Pasigaw kong bulong.

Ngumiti lang siya. "What? I'm not doing anything" aniya. Hinampas ko siya gamit ang notebook ko na nakaagaw ng pansin sa teacher. Mukhang mapapakanta ako ng "I knew You Were Trouble" ni Taylor Swift nito.

"Ms. Enriquez and Mr. Calvillo pwedeng mamaya na ang lambingan niyo at makinig muna kayo sa lesson?" Naghiyawan ang mga kaklase ko at napuno ang aming classroom ng kanilang mga asar.

What? Lambingan?!

"Sige po Ms. Abella mamaya nalang po. Itong si Sabrina po kasi eh masyado akong miss" at dahil sa sinabi na naman ni Kean ay mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga kaklase ko. Hinampas pa ako ni Anne na katabi ko. Inirapan ko naman siya. Tinignan ko naman si Kean at sinamaan ng tingin.

"Excus----" he cut me off. "Sabrina makinig daw muna tayo" ngisi niya sa akin.

"Okay, so much for that class, let's continue our lesson. As I was saying" ani ma'am at ipinagpatuloy na ang pagdidiscuss sa harapan. Sinamaan ko ng tingin si Kean at nakangiti padin ito sa akin. Napairap nalang ako sa inis.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na idn ang pagdidiscuss ni Ms. Abella. Sa wakas ay lunch na din! Hindi ko padin makakalimutan ang atraso ni Kean sa akin. Tinignan ko siya sa kanyang upuan at nakitang wala na ito. Nakatakas ang lintek!

"Oy Sab tara na! Naghihintay na sila Kean dun!" ani Anne na inirapan ko nalang. Paniguradong bobombahin nila ako ng asar nito.

"Oo nga bilis na at ng maituloy niyo na ang lambingan niyo ni Mr. Calvillo!" Pangaasar naman ni Mikzi sa akin. Dumiretso na kami palabas at naabutan ang grupo ni Kean na naghihintay sa amin kasama na din sina Bryce at Liam.

"Itutuloy na ba natin yung lambingan?"

"Tigilan mo nga ako Kean, hindi na ako natutuwa sayo!" Inis na sabi ko sa kanya at nauna ng naglakad papunta sa Cafeteria. Naririnig ko ang iilang asar nila kay Kean pero binalewala ko nalang ito. Wala din naman point kung papansin ko.


"Hoy girl! Ito naman masyadong mainit ulo mo!" Habol sa akin ni Anne dahil nauuna ako naglalakad sa kanila. Tinignan ko lang siya at inirapan. Wala na ako sa mood dahil gutom na ako at dahil sa hinayupak na Kean na yun! Nakakairita talaga!


Nang makarating kami sa Canteen ay agad akong umupo sa upuan syempre. Alangan naman na umupo ako sa lamesa diba. Ibinaba nalang ni Anne ang bag niya at nagorder na. Hindi na niya tinanong ang order namin dahil alam naman na niyo iyon.

"Oh bakit dito ka na naman uupo?" Inis na sabi ko kay Kean nang umupo siya sa tabi ko. Katabi ko na nga siya sa room pati ba naman sa pagkain ko katabi ko siya. Grabeng parusa naman ito!

"Dapat nga magpasalamat ka pa dahil tinatabihan kita, I'm just granting your wish"

Inirapan ko nalang siya. "Whatever!" Tinignan ko ang buong lamesa namin dahil feeling ko may kulang.

"Mikzi hindi ba sasabay sa atin si Shan?"

"May dadaanan daw siya sa gym saglit, susunod nalang daw siya dito" sagot naman niya sa akin. Weird. I don't know pero parang may something. Hindi ko maexplain pero parang naweweirduhan lang ako. Ano naman gagawin niya sa gym?


Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon