Prologue

111 6 0
                                    

First day of school na naman at for sure maraming na naman ang mga feeling gwapo.
May mga nakasukbit pang bag sa harap na akala mo nagpapataya tas yung mga nakamaster pang damit. Nakakairitang mga germs!

"Sabrina tara na!" Sigaw ng kuya ko mula sa baba. "Wait lang!" Sigaw ko naman pabalik.

I immediately grabbed my bag after I put on my shoes. I glanced at my self first at the mirror before going out of my room. Isa lang masasabi ko.

Ang ganda ko shems! HAHAHAH

"Tagal tagal gumalaw malelate na tayo" salubong ang kilay na sermon sa akin ni kuya Jhon. "Kuya naman umagang umaga daig mo pa si mama kung maka dada" I said rolling my eyes on him. Tinignan niya lang ako ng masama at sumakay na ng sasakyan.

Syempre sumakay na din ako baka iwan pa ako ni big brother eh. Medyo naeexcite akong pumasok ngayon kasi for sure nandun yung crush ko! Ackk! Jerico my love! Charot HAHAHAH Ang jejemon.

Napaigtad nalang ako nang biglang huminto ang sasakyan. Nandito na pala kami. Hindi ko man lang namalayan kakaisip ko kay Jerico! Napangiti na naman ako nang maalala ang pangalan niya. Omg! Parang tumatalon pati mga intestines ko sa kilig. I kissed my brother's cheeks first before going out of the car.

"Hello ate Sabrina!"
"Hi Sabrina!"
"Sabrina my crush! Ang ganda mo!"
"Hi baby Sabrina!"
"Sabrina!"

Ngumti nalang ako sa mga nakita kong bumati sa akin at napayuko nalang. Ugh! Bakit kasi pinanganak akong saksakan ng kagandahan at kailangan ko itong maexperience everyday? Char HAHAHAHA Ang hangin ko masyado.

Agad kong hinanap ang building kung nasaan ang room ko.

Lakad
Lakad
Lakad

Ayun! Heisenberg! Nahanap ko din section ko! Kaloka naman kasi yung room namin. Third floor. Pagpasok ko sa room agad akong tinawag ng bestfriend ko at niyakap.

"Aw namiss kita!" Gigil na sabi niya habang nakayakap sa akin. "Ano ba Anne nagkita naman tayo kahapon ah" natatawang sabi ko naman sa kanya.

"Magpasalamat ka nalang at nakatikim ka ng yakap ko hindi mo alam pinapangarap yan ng milyon milyong lalaki" sabi niya naman sakin with matching hair flip pa. I just rolled my eyes on her at naghanap na ng mauupuan.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa dumating na ang prof namin. Wala bang prof diyan na gwapong at umiigting ang panga? Etong si sir kasi mataba tas matanda na!

Charot lang lab ko yan si sir kahit ganyan siya! Yiee HAHAHAH

"Goodmorning my dear Heisenberg students. I am Bartolome Sison you can also call me sir Bart and I will be your adviser for the whole year. Since I already introduced myself, I also want each of you to introduce your selves starting from the girl in front." mahabang sinabi ni sir.

Sana all mahaba. Char HAHAHAHA

My classmates started introducing their selves in their own funny way. Funny way talaga as in nakakatawa!

After 7 years ako naman na ang magpapakilala sa harapan. Syempre tumayo ako ng bonggang bongga! Chin up at diretsong ang mata na nag lakad papunta sa harap.

Ang OA ko naman haha. Imagine niyo ang confident kong naglakad tapos nadapa ako HAHAHAH

char hindi ako nadapa no!

"Goodmorning to each and every one. I'm Sabrina Kaitlyn Enriquez. 17. Your future architect." Taas noo kong sabi sa harapan.

Ang ganda ko.

Pabalik na ako sa upuan ko ng mapansin kong wala pala akong katabi sa left ko ma upuan. Hmm. Baka late lang. Pero jusme! 8:30 na!

"Kulang pa ba tayo dito?" Tanong ko kay Anne. Luminga linga naman ito. "Ewan, yang sa tabi mong upuan siguro pero anong oras na kasi kaya baka wala na." Tumango nalang ako bilang sagot sa sinabi niya.

Nang matapos ang Introduce Youself session ay may inexplain na naman si sir Taba ay este si sir Bart about something.

"So we need to nomi----" naputol ang sinasabi ni sir nang may lalakeng biglang pumasok sa room. Amfogi ni kuya ha.

"Good morning sir sorry I'm super late" hinihingal na sabi niya. Bakit may kasamang tagaktak ng pawis? Inaakit mo ba ako? Joke hehe.

"It's alright mind introducing yourself first before taking your seat?" Ani sir sa kanya. Tumango naman ito at ipinakilala na ang sarili.

"Good morning I'm Kean Jaizrel Calvillo" simpleng sabi niya na nagpatili sa mga girls at feeling girls sa classroom. Hindi ako magrereklamo kasi may itsura naman talaga itong lalakeng ito.

Gwapo nga hindi naman marunong tumingin ng maganda!

Diretso lang siyang umupo sa tabi ko without even looking at me? Sayang magiging crush na sana kita eh.

Nagpatuloy sa pageexplain si sir about sa mga magiging classroom officers.

Bla bla bla

Hindi ko na maintindihan mga sinasabi ni sir kaya naman nagday dream nalang ako kay Jerico babe! Kinikilig na naman bituka ko!Napaigtad nalang ako nang tawagin ni sir ang pangalan ko.

"Let's all clap to Ms. Sabrina Kaitlyn Enriquez our newly classroom president!" Sigaw ni sir Bart at nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.

May pwede bang magexplain sa nangyayari? Kayo readers? Explain niyo nga! Huhuhu! Jerico kasi eh!

Wala akong choice kundi pumunta sa harapan at ipagpatuloy ang pageelect ng mga classroom officers. Saktong recess at natapos din ang election. Kastress!

Agad akong hinila ni Anne palabas ng room. Excited much? Agad kaming pumila para bumili ng makakain.

"Girl! Ang pogi nung Kean no? Kean Jaizrel Calvillo! Shems! Ang gwapo niya! Ang puti puti pa niya! Nakita mo yung adams apple niya? Shet! Tapos nung pagdating pa niya sa room yung pawis niya! Omg! Ang sarap punasan! Ackk! Grabe! Parang hindi siya tao! Para siya Diyos o anghel na hulog ng langit." Sunod sunod na sabi nito sa akin with matching kagat pa sa lips. Ew.

"Baka hinulog ng langit" tamad na sabi ko sa kanya. She just rolled her eyes on me and continued eating kaya kumain na din ako. Napatigil ako sa pagsubo ng kinakain kong spaghetti nang pumasok si Jerico sa canteen! Mamsh! Ang pogi talaga!

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalabas na siya ng canteen. Ilang minuto lang ay natapos na din kaming kumain kaya lumabas na din kami. Habang naglalakad ay nahagip ng dalawa kong mga mata ang dalawang naglalandian sa bench. Kinginang yan!

First day of class may kalandian agad? Buti nalang talaga hindi ko naging crush yang Kean na yan. Grabe ha makahawak sa bewang ng babae. Nasa school kayo oy!

"Sis! Tignan mo yung si Kean! Sabi ni Zari sa akin bagong lipat lang daw yan dito" sabi ni Anne sa akin sabay turo pa kaya naman napatingin yung hipon na babae sa amin. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya napaiwas ito ng tingin.

Hindi naman sa crush ko siya pero hindi talaga titingin yang Kean na yan sa akin?



Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon