|| Erika's POV ||
[Taong 2020]
Ramdam ko ang paghinto ng sasakyan. Half asleep lang ako at rinig ko na ang sasaya na nila. Nakarating na siguro kami ng Vigan.
"Oy panget, nandito na tayo," rinig kong sabi ng panget kong katabi.
Nagtaas-baba lang ako ng kilay habang nakapikit pa rin. Bigla na lang ay hinawakan nya ako sa baywang at parang nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan. Napalundag ako dahil sa ginawa nya. Siraulo! Malakas ang kiliti ko roon eh!
"Round 2?"
"Bwisit ka talaga kahit kailan." Sinuntok ko sya pero swerte namang nasalo ng kamay nya ang kamao ko.
"Magkasakitan pa kayo dyan ah," nakangiting suway ni Kuya Vincent habang itinutupi ang upuan sa harap para makababa kami ni Rhys, yung panget dito sa tabi ko.
Naunang bumaba ng sasakyan si Rhys pagkatapos ay inilahad nya ang palad nya para alalayan ako sa pagbaba. Tinanggap ko naman ang kamay nya. Mabuti at bumalik na sa katinuan ang boyfriend ko.
Sya ang nagbitbit ng mga gamit namin at gitara nya lang ang ipinahawak nya sa akin. Pumasok na kami sa hotel na tutuluyan. Tanghaling tapat pa. Mamayang hapon pa siguro kami makakapaglibot. Sa ngayon ay gusto ko munang kumain at matulog. Pagod pa rin kasi ako mula sa paglilibot namin sa Ilocos Norte.
Kasabay namin sa elevator sina Kuya Vincent at Ate Sam. Si Ate Sam ay nakatatandang kapatid ni Rhys at boyfriend naman nya si Kuya Vincent. Anniversary nina Tito Miguel at Tita Ingrid kahapon. It's actually a family outing... with the jowas haha!
"Gusto nyo ba ng empanada?" tanong ni Ate Sam habang umaangat ang elevator.
Kagyat na nabuhay ang dugo ko at nag-angat ng tingin. Waaah! Empanada!
"Sige, Ate," sagot ni Rhys.
Tumango na lang ako habang nakangiti ng maluwang bilang tugon. Naglalaway na ako.
"Bili tayo mamaya, hon," sabi ni Ate Sam at tumango naman si Kuya Vincent.
Kumain na kami ng tanghalian at pagkatapos ay salitang nag-shower. Kasama ko sa room si Ate Sam. Sa katabing room naman yung kina Rhys at Kuya Vincent. Katatapos ko lang maligo. Naisipan kong manood muna ng YouTube habang nagpapatuyo ng buhok.
Nakita ko sa trending videos ang episode ng sikat na show sa tv na Kababalaghan sa bilog na Buwan ang title. Matawa-tawa ko itong pinindot at pinanood.
Reporter: Buwan. Isang magandang tanawin sa langit pagsapit ng gabi. Nakatutuwa talaga itong pagmasdan lalo na tuwing kabilugan kung saan ang liwanag nito ay nagniningning sa buong kalawakan. Ngunit nakarating sa aming team ang kwento ng isang pamilya na dumanas daw ng kakila-kilabot na kababalaghan noong gabi na bilog ang buwan.
Ipinakita ng camera ang likod ng isang babae habang kaharap ang reporter. Hindi nila ipinapakita ang mukha nito.
Reporter: Sya si alyas Lisa. Kwarentay singko anyos. Ilalahad nya sa atin ang mga nangyari.
Lisa: Alas siyete po ng gabi iyon. Tinatawag ko ang anak kong babae na naglalaro pa sa labas ng bahay, pero hindi sya pumapasok kaya pinuntahan ko na sya. Naabutan kong nakatayo lang sya at tulala habang nakatingin sa malayo. Parang wala sya sa sarili. Nang lapitan ko sya at tanungin ay bigla na lang syang umiyak. Sabi nya ay tulungan ko raw sya na mahanap ang pumatay sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Vivir Mi Vida Contigo
Historical FictionIstorya ng magkasintahang mula sa makabagong panahon, Rhys Mabini at Erika Flores, na mapupunta sa sinaunang panahon upang baguhin ang kapalaran ng dalawang tao na hinadlangan ang pag-iibigan. Sa loob lamang ng labing-apat na araw at gabi, magawa ka...