Kabanata 7: Tanong

145 26 91
                                    

|| Rhys' POV ||

Ngayon ang araw ng pagpapatiwakal ni Alejandro. Naaawa ako sa kanya at nauunawaan ko kung gaano kasakit ang nararamdaman nya. Kahit ako ay hindi maiwasang masaktan dahil kailangang magsakripisyo ni Erika na magpakasal kay Lorenzo para sa'kin. At ngayon ay nadagdagan pa ng pag-aalala sa naging pangitain ni Erika.

Bumangon ako ng higaan at lumipat sa desk na nandito sa kwarto nya. May nakita kasi akong mga liham sa drawer nya pero nag-aalangan akong basahin. Letters ito mula kay Ysabella. May nare-recall akong ilan sa mga nakasulat pero malabo na. Hindi naman siguro masama kung magbabasa ako ng kaunti. Ilang araw na rin akong naiintriga at nagpipigil.

(Hulyo 24, 1885

Ginoong Alejandro,

Nabigla ako sa iniabot mong sulat. Hindi mawala ang kaba at sayang nararamdaman ko. Kinakabahan dahil unang beses ito na makatanggap ako ng liham mula sa isang lalaki. Masaya dahil nais kitang makilala at gayon din pala ang nararamdaman mo. ...)

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sabay sandal sa upuan. Napaka straightforward naman ni Lola. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa kasabay ng pag-alala sa kwento nila, kung paano sila nagkakilala.

15 years old sina Alejandro at Ysabella. Naglalakad si Alejandro tulak ang isang kariton ng mga gulay patungo sa tindahan na pagbibigyan nya. Napansin nya agad si Ysabella kasama ang kasambahay nito habang tumitingin ng mga paninda sa lugar kung saan sya papunta.

"Heto na pala si Alejandro," wika ng tindera.

Tumingin sa kanya si Ysabella. Iba na ang naramdaman nya sa unang beses na iyon ng kanilang pagkikita.

"A-Ano po ang h-hanap ninyo?" utal nyang tanong habang hindi maiwasan ang pagsulyap dito.

"Isang kalabasa at... iyon! Tatlong kilong talong. Pilian mo ako ng magagandang ani ah," sagot ng kasambahay.

"Syempre naman! Para sa aking magagandang mamimili."

Napangiti si Ysabella sabay iwas ng tingin at tumuon na lang sa mga gulay. Hindi naman inalis ni Alejandro ang tingin sa kanya. Napansin nya ang pagtitig nito sa pulutong ng hilaw na mangga na nasa gilid ng kariton.

"Gusto mo ba ng mangga?"

"Umm, oo. Ipinagbibili rin ba iyan?"

"Mangga? Kadarating lamang ng ani ng mga prutas sa inyong tahanan, Senyorita Ysabella," biglang sabat ng kasambahay.

"Ahh, h-hinog na po kasi ang mga manggang dinala sa bahay."

Negosyo ng mga Madriñan ang pagsasaka ng palay at mga prutas. Hekta-hektarya ang lupain nila sa Las Tierras. Noong mga panahong iyon, hindi pa alam ni Alejandro na isang Madriñan si Ysabella.

"Hiningi ko lamang ito kaya ibibigay ko na lang din sa iyo."

Kumuha sya ng isang kabit ng mga mangga at iniabot dito. Nagsagi ang kanilang mga kamay at pareho silang napatingin sa isa't isa. Nahihiyang ngumiti si Alejandro at agad na bumitaw. Pananamantala at kabastusan kung patatagalin nya pa iyon.

"M-Maraming salamat."

"Walang anuman, Binibining... Ysabella?"

Tumango na lang si Ysabella bilang tugon. Inasikaso na ni Alejandro ang mga gulay na binibili sa kanya. Pagkatapos ay kinailangan nang umalis ni Ysabella at ang kasama nito.

"Ano po ang kinabibilangang pamilya ni... Binibining Ysabella?" tanong nya sa tindera habang nakasunod ng tingin sa kanila.

"Naku, ijo. Anak iyon ni Don Joaquin Madriñan. Mukhang may balak ka pang umakyat ng ligaw."

A Vivir Mi Vida ContigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon