Kabanata 20: Wakas

133 18 0
                                    

|| Erika's POV ||

[Taong 1891]

"Erika."

Agad akong napamulat nang marinig ang boses nya. Nakatitig sya sa'kin at nakangiti ng napakatamis. Maliwanag ang langit at kaharap ko sya ngayon sa kanyang tunay na mukha. Hindi ko akalain na masisilayan ko itong muli.

"R-Rhys?"

Sunud-sunod na kumawala ang luha ko kasabay ng paghaplos sa kanyang pisngi. Pamilyar ang lugar at paligid kung nasaan kami ngayon. Sa paligid ng naggagandahang mga bulaklak.

"Nasa langit ba tayo?" Natawa ako sa tanong nya at umiling. "Siguro nga. Hindi ka naman welcome sa langit eh."

Sinuntok ko sya sa sikmura at nabalot ng aming tawanan ang buong lugar. Hindi ko alam kung bakit kami nandito pero nasisiguro ko na dinala kami rito nila Alejandro at Ysabella. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda nito na hindi masisilayan sa tunay na mundo.

Ilang sandali pa ay pumitas si Rhys ng isang tangkay ng orchids at inilagay sa aking buhok. Napatitig ako sa kanya. Akala ko ay hindi ko na ulit makikita pa ang mukha nyang pangit. Hinding-hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit gaano pa kagwapong mga lalaki.

Mula sa kanyang likuran ay natanaw ko na sa 'di kalayuan sila Alejandro at Ysabella na naglalakad palapit sa'min. Kita ko ang kanilang masayang ngiti. Gulat na napalingon si Rhys sa kanila tulad din noong una akong dalhin dito. Mayamaya pa ay nakalapit na sila.

"Ginoong Rhys. Binibining Erika," nakangiting bigkas ni Alejandro sa pangalan namin.

"A-Anong ginagawa... namin dito?" tanong ko pero hindi ko mapigilang ma-starstruck sa presensya nila.

Lumapit sa akin si Ysabella at kinuha ang kamay ko. Napangiti sya nang makita ang orchids sa ulo ko at muli akong tiningnan sa mga mata.

"Nais namin kayong makausap... at ibigay ang inyong gantimpala." Halos antukin ako sa lambing ng boses nya.

"G-Gantimpala?"

"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na ibigay mo ang iyong pagtitiwala sa akin? Ito na ang pagkakataon upang malaman ninyo ang kapalit nito." Tumingin sya kay Rhys at nginitian ito. "Ang gwapo ng apo ko." Bigla akong napangiwi.

Bumitaw na sya sa akin at minasdan ang hardin ng mga bulaklak. Inirapan ko naman si Rhys na ngayon ay hindi mawala ang ngiti dahil sa papuring natanggap nya sa kanyang Lola. Pwe!

"Gusto nyo bang malaman kung bakit kayo ang napili namin para sa misyon na ito?"

Sumasalubong sa amin ang malamig na simoy ng hangin at humahalo ang bango mula sa mga halaman. Nasa likuran lang nila kami ni Rhys at sabik na naghihintay sa bitin nyang kwento. Alam ko na hindi nila gusto na saktan kami sa katotohanan na mawawala si Rhys dahil sa misyon. Kailangan kong unawain ang kanilang dahilan at hindi ko dapat kinagalitan si Ysabella noon.

"Nang tanggapin namin ang alok ni Lola Esperanza ay wala kaming inisip kundi ang hanapin ang dalawang tao na gagawa ng misyon para sa amin."

Nakasunod lang ang atensyon namin sa kanya. Bahagya nyang itinaas ang kanyang kamay upang padapuin ang isang paruparo sa kanyang daliri.

"Sa pagkalagot ng aming hininga ay doon magsisimula ang aming paghahanap. Nasubaybayan namin ang pag-usad ng panahon at nakita ang iba't ibang uri ng pag-ibig... hanggang sa kayo ay aming makilala. Saksi kami sa lahat ng inyong pinagdaanan at sa inyong istorya. Tunay na kayo ay nag-iibigan." Umalis na ang paruparo at malayang lumipad patungo sa ibang paruparo.

Humarap na sya sa'min at bumungad ang kanyang maamong mukha. Wala akong matandaan na naging ganyan ako kapostura habang nasa katauhan nya. Para bang hindi ko nabigyan ng hustisya ang pagpapanggap ko dahil ibang-iba ang pagiging mahinhin nya sa pagiging magaslaw ko. Hays.

A Vivir Mi Vida ContigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon