|| Erika's POV ||
[Taong 1891]
Busy kami ngayon sa paggayak dahil invited kami sa pa-welcome party kay Eduardo. Suot ko ngayon ang maroon na baro't saya. Mas matingkad ang kulay ng pañuelo sa camisa, at pinatungan naman ng itim na tapis ang palda kahit makapal na iyon.
So, si Eduardo Lopez ay kababata ni Ysabella. Magkaibigan ang mga ama nila. Nang lumaki ay niligawan ni Eduardo si Ysabella pero binasted nya dahil nang mga panahong iyon ay nagkakilala at naging magkaibigan na sila ni Alejandro, at ito ang talagang napupusuan nya.
Kita nga naman, si Ysabella ang gumagawa ng problema nya eh. Matagal na silang magkakilala ni Eduardo, pero si Alejandro pa rin ang pinili. Well, hindi nya naman sinabi ng tuwiran na dahil kay Alejandro dahil sekreto lang ang tungkol sa kanila. Saka mahirap na kalaban ang puso. Hindi rin mapipili kung kanino iyon titibok. I know the feeling.
Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko para kay Rhys dahil magkaibigan kami at natatakot ako na masira iyon pero I just can't resist wews. Actually, sa sitwasyon namin, sya ang mayaman at ako naman ang masasabing average. Naghirap kami bigla noong nagkasakit si Mama at nalulong naman sa sugal si Papa.
Pero mabait ang pamilya ni Rhys. Hindi sila tumitingin sa estado ng buhay. Maswerte ako sa bagay na 'yon kumpara kay Alejandro.
"Nakagayak ka na ba?" bungad na tanong ni Donya Eleanor pagpasok nya ng kwarto ko, este, ni Ysabella. Ang feeler ko na.
"Sandali lang po, Ina."
"Ako na ang mag-aayos ng iyong buhok."
Lumapit sya sa akin at kinuha sa pagkakahawak ko yung buhok ko. Napatitig na lang ako sa kanya habang pinapanood ang ginagawa nya sa reflection ng salamin. Bigla kong naalala si Mama. Hobby nya ang ayusan ako. Hindi mawawala sa bonding namin ang pagpunta sa Watsons at sabay na susubukan sa bahay ang mga napamili namin. Nakaka-miss.
Nakarating kami sa dulo ng Ciudad Sagrada. Magkapatid si Eduardo at ang jowa ni Ate Estella na si Crisostomo. Ang cute siguro kung parehong Lopez ang nakatuluyan ng magkapatid na Madriñan.
Pagkarating sa hacienda ng mga Lopez ay sumalubong sa'min ang isang lalaki na nakilala ko bilang si Crisostomo. Bumati sya kina ama at ina, pagkatapos ay sinamahan nya kami sa pagpasok ng mansyon.
Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ang loob. Para kaming pumunta sa fashion show ng mga baro't saya dahil sa iba't ibang kulay at makikinang na kasuotang nakikita ko. Ang mga lalaki ay naka-coat o kaya ay barong tagalog.
"Ysabella!" Naglalakad kami patungo sa naka-reserve na lamesa para sa amin nang may isang babae ang bigla na lang humawak sa pulso ko. Kaibigan sya ni Ysabella, at kapatid nina Crisostomo at Eduardo.
"F-Felicidad! Hi!" Oh, shit! "E-Este, kumusta ka?"
Hinila nya ako palayo kina Ate Estella at Crisostomo. Sina ama at ina kasi ay humiwalay na sa amin upang makihalubilo sa ibang mga Don at Donya.
"Nasaan sina Adelia at Carolina?" tanong ko. Apat silang magkakaibigan. Si Carolina ang kaibigang pinuntahan ni Ysabella saka nakipagkita kay Alejandro nang umalis na si Dante na naghatid sa kanya.
"Si Adelia ay kasama pa ng kanyang pamilya. Si Carolina, ayon, kaulayaw ang kanyang nobyo. Mamaya ay may ipagtatapat daw sa atin si Lina."
Tumango na lang ako. Hindi ko naman alam kung paano ba makipagchikahan si Ysabella sa mga kaibigan nya.
Tumingin ako sa lamesa namin at natanaw na nakaupo na roon si Ate. Katabi nya sa gilid ni Crisostomo. Sa kabilang gilid naman ni Crisostomo ay may nakaupong lalaki. Napalunok ako nang iangat ko ang tingin sa mukha nito at makilalang sya si Eduardo... at nakatingin din sya sa akin.
BINABASA MO ANG
A Vivir Mi Vida Contigo
Historical FictionIstorya ng magkasintahang mula sa makabagong panahon, Rhys Mabini at Erika Flores, na mapupunta sa sinaunang panahon upang baguhin ang kapalaran ng dalawang tao na hinadlangan ang pag-iibigan. Sa loob lamang ng labing-apat na araw at gabi, magawa ka...