End of flashback
- 》》》
---
CALLIE
Buong magdamag ay wala akong tulog. Pilit na pinoproseso ang mga nangyayari sa utak ko.
Hindi ko man lang minessage ulit si Lizelle after ng huli naming pag-uusap. Natatakot akong baka magsumbong sya kung kani-kanino at baka lalo lang itong ikapahamak ni Vien kapag sinabi ko sa kanya.
Nabigla ako sa malakas na tunog ng daily alarm ko sa cellphone. Kaagad ko itong in-off at balisang tumayo ng kama.
Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa tapat ng pintuan ko.
September 16, 20**
2 days na ang nakakalipas simula ang pumutok na balita sa eskwelahan tungkol sa estudyanteng namatay. After that incident, hinunting na ng School Administration kung sinuman ang patuloy na nagpapadala ng chainmail at nagkakalat ng takot sa buong eskwelahan.
Pati na rin ang mga estudyanteng sinusunod ang kabaliwang mga challenge o game sa chainmails.
Naging mainit na usapan kase na dahil sa challenge ang ginawang pagpatay sa kaawa-awang estudyante mula sa Senior High.
Sa tingin ko, mas pipiliin ng mga uto-utong sumusunod na manakit ng iba kaysa sila ang saktan. Kaysa saluhin ang punishments na sinasabi kapag hindi mo nagawa.
Kagaya na lang ng sinabi ni Betong noong nakaraan, tanga na lang ang gagawa non. At sa buong campus, napakaraming nagpapakatanga.
Pagbaba ko sa sala ay nagluluto na si mommy ng almusal. Dumiretso ako sa cr para magbanlaw ng katawan. Masama kase sakin kung maliligo ako ng puyat. Baka hindi dahil sa chainmail ang ikamatay ko kundi ang paliligo ng puyat hays.
Pagtapos kong maghalf bath ay walang gana akong kumaen at mukhang pansin naman iyon ni mommy dahil nakasimangot syang umupo sa harapan ko habang umiinom ng paborito nyang timpla ng kape.
"May problema anak?",
Napabuntong hininga naman ako.
Anong isasagot ko? Sasabihin kong "Yes mom, nalaman ko kaseng may banta na sa buhay ng kaklase ko at di ko man lang sya natulungan",? Hayyyyy bwisit.
"Napuyat po kase ako sa kdrama na tinapos ko kagabi mom. Di ko napansin oras",
Pinilit kong ngumiti kahit ambigat ng loob ko. Kahit sa isip ko, may isang taong humingi ng tulong sa akin at umasang matutulungan ko sya pero wala akong nagawa.
"Masama magpuyat ah. Anemic ka",
"Yes mommy",
Ngumiti lang sya sakin at muling humigop ng kape.
Tumingin naman ako sa relong suot ko. Gosh, kailangan ko nang umalis.
"Mom, alis na po ako",
"Okay. Isarado mo maigi yung gate ah",
"Yes mom. Loveyou!",
YOU ARE READING
Chainmail [ App ]
Mystery / ThrillerAn app goes wrong and the students of Fidleton High are receiving chainmails every other day. But someone who's sending them this mail has a juicy twist for all of them. : Credits to the owner(s) for these images I used for this book.