[ 0. 21 ]

24 4 0
                                    

CALLIE

Halos hindi ako makatulog buong magdamag. Kinakabahan ako. Nilalamig. Pinagpapawisan ng malamig at hindi mapalagay sa kinahihigaan ko.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama sa takot na baka magising ko si Lizelle. Si Lizelle na hindi ako sigurado kung sya ba talaga ang bestfriend ko.

Pagtingin ko sa orasan ng cellphone ko, 9:46 pm pa lang. Tinext ko si mommy na uuwi na ako sa amin. Hindi ko kase alam kung ang babaeng naging kaisa-isa kong itinuring na pinakamalapit na kaibigan ay mapagkakatiwalaan ko pa ba.

Sabi ng mommy ni Lizelle kanina, mahirap raw syang gisingin kahit na anong ingay kapag malalim na ang tulog. At umaasa ako ngayon na sana nga tulog na ang mommy nya.

Lumabas ako ng kwarto ni Lizelle ng dahan-dahan. Maingat sa paglalakad at pagsarado ng kanyang pinto.

Kailangan kong makatakas. Pakiramdam ko kase ay hindi ako ligtas ngayon sa di malamang dahilan. Medyo nakakatawang isipin pero ganoon ang iniisip ko sa bestfriend ko.

Madilim na sa kanilang sala ngunit mayroong lampshade na pangbuong magdamagan na nakabukas kaya naman medyo naaaninag ko pa ang aking dinaraanan. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakalock ng kanilang gate sa takot na makagawa ng ingay.

Nanginginig sa lamig at pawis ang dalawa kong kamay. Gustong-gusto ko na talagang makatakas. Nagdadalawang-isip na ako sa babaeng kasama ko ngayon.

Ang maliliit na butil ng pawis ay nagsisimula ng tumulo sa ulo ko kahit napakalamig ng nararamdaman ko.

Sheez bakit ba ang hirap buksan ng lock nila!

Napakadilim pa kaya hindi ko makita ng maayos.

"At saan ka naman pupunta?",

Nagulat ako ng biglang may lubid na sumakal sa leeg ko galing sa likuran. Hindi ako makahinga ng maayos.

"Bish you're gonna die here!", sabi nya tapos ay tumawa na parang nasisiraan na ng ulo. Kinaladkad nya ako papasok muli sa kanilang sala. Nagpupumiglas ako sa higpit ng pagkakasakal sa akin. Para akong hayop na kinaladkad na lang basta basta. Tumigil sya saglit sa paghila sa akin tapos ay may pintuang binuksan. Hinila nya ako ulit ngunit mas lalo akong nasaktan ng tumatama ang likuran ko sa hagdan na yari sa kahoy pababa sa isang madilim na lugar.

"Parang awa mo na pakawalan mo nako!", pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak na sa sakit.

"Ulol manahimik ka!",

Ng makababa na kami ay itinali nya ako sa isang kahoy na poste tsaka binuksan ang isang ilaw na sa akin lang nakatapat. Para akong bibitayin.

"B-bakit mo ginagawa sakin to? Itinuring kitang matalik na kaibigan diba?",

"Bish wag mo kong iyakan. Di mo ako madadaan sa ganyan",

Wala akong magawa kundi maiyak na lang sa ganoong pwesto. Wala rin namang mangyayari kahit pa siguro iyakan ko ang kalagayan ko magdamag.

"Ang ingay mo! Pwede bang tigilan mo kakaiyak mo?! Nakakarindi ka! Papatayin talaga kita kapag tayo narinig ng kapitbahay!",

Bigla syang tumalikod tapos pagharap ay may hawak hawak na na ductape.

"Lizelle please maawa ka",

Chainmail [ App ]Where stories live. Discover now