dedicated to : Error204
for updating Let's Play coz' the long wait is over :'>-
CALLIE
Nagising ako sa isang malamig at madilim na lugar. Sumasakit ang ulo ko at nararamdaman ko na ang gutom. Nararamdaman ko rin ako ang pagkahilo. Sinubukan kong gumalaw pero naramdaman ko ang pagkirot ng mga kamay kong nakatali at tanging paa ko lamang ang aking naigagalaw ng maayos.
Muli kong inalala ang dahilan kung bakit ako nakatulog. Sumasakit ang ulo ko pero tinry kong matandaan ang lahat.
Naalala ko na ..
" The game is not yet over Callie, nagsisimula pa lang kami ",
Ang mga huling katagang naaalala kong binanggit ni Vien bago sya tumayo sa kanyang upuan at takpan ng isang panyo ang aking mukha. Naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng aking katawan at ang pagsara ng aking talukap ng maamoy ko ang bagay na nasa panyo kagabi.
Muli ko namang naalala si mommy. Kamusta kaya sya? Ginalaw kaya siya nila? Nag-alala kaya siya sakin kase hindi ako nakauwi sa amin? teka, yung cellphone ko! Nasan pala ang cellphone ko?! Oh god .. kung minamalas ka nga naman. Nabitawan ko pala yon kagabi sa gate nila. Nakita kaya yon ni Lizelle? Sana hindi.
At sana rin, may magligtas sakin mula dito. Habambuhay ko syang pasasalamatan sa bagay na yon.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw sa tapat ng ulo ko at may mga yabag na papalapit sa pwesto ko.
"Gising na pala ang prinsesa!", nakangiti nyang bati sa akin ngunit bakas ang mapaglarong ngiti dito.
Tinitigan ko lang sya hanggang sa makalapit sya sa harapan ko. Yumuko sya na kalevel ng pagkakaupo ko. Nakakangawit pala ang gantong posisyon. Feeling ko may sugat na ang pwet ko sa tagal ng pagkakaupo. Anong oras na kaya? Nagugutom na kase ako.
"Anong gusto mong kainin? Tingin ko gutom ka na. Gusto mo ba ng Steak? Crab and Corn Soup? O ng Bulalo? Ano dun sa tatlo?", nakangiti nyang tanong.
Nagtaka naman ako. Seryoso? Ansasarap nun ah?
"Well, mabait ako ngayon kase yun na rin ang last dinner mo HAHAHAHAHAHA!",
Kinabahan ako ng sobra. Paano nya ako maaatim na sabihan ng mga ganyan kung araw-araw sya ang napagsasabihan ko ng lahat ng bagay tungkol sakin. Pinagkatiwalaan ko sya pero ngayon napunit ito na parang papel na kahit anong pilit ayusin, itape man o ano, hindi na siguro magiging katulad ng bago.
Maya-maya ay may pumasok sa isang pintuan sa isang madilim na sulok. Hindi ko alam na meron pa palang pintuan don. Iniluwa ng pintong yon si Vien at may tulak-tulak na tray.
"Amboring naman nito. Sana pinatay na lang natin sya sa gutom", walang buhay na komento nito sabay tinanggal ang mantel na tumatakip sa tray.
Hinila rin ni Vien ang metal na upuan kagabi kaya sumakit na naman ang tenga ko sa pagsayad ng mga paa nito sa sahig pagkatapos ay iniharap sa tray.
"Hindi pa sya dapat mamatay kase sya mismo ang papatay sa sarili nya",
"Ay bet!", nag-apir pa silang dalawa sa harapan ko.
Lumapit naman sa likuran ko si Lizelle at kinalagan ang mga tali ko sa kamay habang naglabas naman ng baril si Vien mula sa likuran nya at pinaglaruan yon sa mga daliri nya.
Paano kaya kapag bigla nyang maiputok yan?
Kinaladkad naman ako ni Lizelle paupo sa harapan ng tray ng matanggal ang tali sa mga kamay ko. Binuksan ni Vien ang mga nasa tray at meron ngang steak, crab and corn soup pati na rin yung bulalo.
YOU ARE READING
Chainmail [ App ]
Mystery / ThrillerAn app goes wrong and the students of Fidleton High are receiving chainmails every other day. But someone who's sending them this mail has a juicy twist for all of them. : Credits to the owner(s) for these images I used for this book.