" Kumusta ang pagbisita n'yo sa kabila?," tanong Manang Petra nang abutan niya ito sa kusina at abalang naghahanda ng hapunan. Kaninang umaga ay ipinaliwanag na nito sa kanya na umuuwi talaga silang mag-asawa sa kanilang bahay tuwing gabi kaya hindi na siya nagtanong kung bakit maaga itong nagluluto ng hapunan ngayon.
Nagtuloy siya sa counter at nagsimulang nagtimpla ng kape. " Okay naman po, Manang. Napakaganda ng lugar ng mga lolo't lola. Sayang lang at kailangan kong ibenta 'yun. Salamat nga ho pala sa pag-aalaga sa bahay."
" Bakit mo naman kasi kailangan ibenta iyon?," nagtatakang tanong nito na naka-focus sa hinhiwang karne ng manok.
Nagkibit-balikat siya. " I need the money to move forward, Manang."
Gaya ni Rain, mas gusto niyang hindi gaanong magkwento sa kanyang pinagdadaanan. Hindi pa siya handa. Ayaw din niyang kaawaan ng iba gaya ng ipinakita ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at maging ng ilang malalapit niyang kaibigan. She didn't need their pity.
Tumango lang ang kausap na thaimik niyang ipinagpasalamat. Hindi na ito nagtanong ng kahit ano. Ilang sandali pa'y nagtungo na ito sa sink para mahugasan ang karne. " Napag-usapan na ba ninyo ang bentahan?"
Umiling siya. " Baka sa susunod na mga araw pa raw po. M-May k-kailangan pa siyang asikasuhin."
Hindi alam ni Issa kung paano ipapaliwanag dito na baka tumagal pa siya ng ilang araw sa farm dahil kailangan siya ni Rain. Ayaw niyang mag-isip ito ng masama sa kanya. Isa pa'y hindi rin naman niya alam kung ano nga ba ang magiging papel niya sa buhay ni Rain sa susunod na mga araw. She wished they talked about on the way home awhile ago.
Isang tango lang ang ibinigay ni Manang Petra sa kanya. Siya nama'y natapos na ang pagtimpla ng kape para sa tatlo kay minabuti niyang puntahan na ang mga ito sa library.
Kumatok muna si Issa bago binuksan ang pinto. Nakita niyang tahimik ang tatlong lalaki nang pumasok siya na para bang sadyang tumigil ang mga ito sa kung anuman ang pinag-uusapan para hindi niya marinig iyon. Inilapag niya ang dalang tray sa center table at tatalikod na sana nang magsalita si Marco.
" Clarissa, I'm trying to convince this man here to attend our café's opening tonight. Please come. Anna would be happy to meet you."
Tiningnan niya si Rain na inilahad ang kamay sa ere na para bang ibinibigay sa kanya ang desisyon. She smiled. " O-Of course. We'll be there."
Grant laughed heartily. " See? I told you this hermit just needed a beautiful woman to drag him out of his cave."
Mabilis namang tumango si Marco bilang pagsang-ayon habang si Rain naman ay pilit na sinusupil ang isang ngiting unti-unting lumilitaw sa mga labi.
" Go home you two," biro nito sa dalawa na ikinatawa lalo ng mga ito. He tapped the space next to him as if inviting her to join. Nagdadalawang-isip siya pero nang makita niyang tila nakikiusap ang mga mata nito ay nagpahinuhod siya. She silently sat right next to him and he wrapped his arm around her as soon as she sat down.
Tumikhim si Grant. " I'm sorry, Clarissa. Your coffee seemed so great but I guess we better get going. Rainier wants us out of here."
Mabilis na tumayo ang dalawa na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Clarissa blushed while Rain laughed out loud.
" Yeah, go home now," birong sang-ayon nito sa dalawa na ngayon nga'y palabas na ng silid.
" Just make sure you both make it to the opening tonight," pahabol ni Marco and he gave them a wink before closing the door behind him.
Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang biglang pagtahimik nila. Hindi alam ni Clarissa kung ano ang susunod na gagawin. Naghihintay siyang maunang magsalita si Rain.
BINABASA MO ANG
AETERNUM SERIES 2: SUMMER'S RAIN (COMPLETED)
Roman d'amourUnang nagkatagpo sina Issa at Rain sa Palau. She was rebelling against her mother and he was trying to avoid his fiancée. Just four days of madness became an unforgettable part of her summer. After four years, fate and summer decided to cross path...