ATMBN 3

1.5K 94 5
                                    


She decided to stay at the church. At habang nag-iisa siya at nagtatagal siya sa simbahan lalong bumibigat ang nararamdaman niya. RJ's face haunts her, kung pwede lang siyang lamonin ng lupa kanena, sana nangyari na.

Ang bigat sa pakiramdam na andon yong feeling na she could have saved everyone's faces especially Rachel's parents, RJ's parents and of course RJ. Ang lakas ng guilt niya ngayon kasi napakabait ng mga taong ito. RJ doesn't deserve this. Yong public humiliation and the pain that he will go through from this one, hindi niya ma-imagine. Nagpaplano siya paano mag reach out sa binata, and at the same time praying for Rachel's courage para maisipan din nitong harapin ang lahat ng ito. Feeling kasi niya nasa kanya iniatang ni Rachel ang bigat.

Lord, pahengeng lakas para maharap ko si RJ. Kinakain po ako ng guilt, Lord.

"Why are you still here?"

Napalundag siya sa boses na narinig, hindi niya namalayan na may tao na pala sa tabi niya at kahit hindi pa niya lingonin ito, she knew who the person is. It's RJ, biglang nag uunahan ang daga sa puso niya—BE STILL MY HEART.

Lord, GOD, grabe ka sa akin, hindi ko naman sinabi na ngayon na! Ano to?!

"Miss Maine?"

"Gob..."

She replied and looks at RJ. Pilit niyang inaaninag ang emosyong makikita niya sa mukha nito, pero hindi niya mabasa, mukhang okay naman ito but she knows better.

RJ is very good at masking his pain, napatunayan na niya yan sa panahong nakilala niya ito. Alam niyang possible sa isang katulad nito na maging happy sa labas ang anyo nito pero deep inside, nadudurog ito.

"I asked you, Why are you still here? Wala ng tao, It's passed 2pm na."

"Bakit nandito ka?"

"Ooopsss, Miss Maine, huwag mong ibalik ang tanong sa akin, una kitang tinanong."

She sigh.

"Lalim non, di ba ako dapat ang mas may malalim na buntong hininga, tignan mo oh, my bride just left me on the day of our wedding."

"I am sorry."

"For what? Huwag mo akong kaawaan..."

"Nope. I am sorry kasi wala akong nagawa kanena."

"Did you know all about this?"

Biglang kumabog ang dibdib niya, sana hindi nito nahalata ang gulat niya sa tanong nito. Hindi pa siya handang sabihin at nag promise siya sa bestfriend niya na di na muna niya ito sasabihin kahit kanino."

"Hindi. Hindi ko alam."

"So, bakit ka nag so-sorry, hindi naman ikaw ang nang iwan."

"Still. She's my bestfriend, RJ. At nasasaktan ako para sa kanya lalong-lalo na sa'yo, because you don't deserve this, Gob."

"But maybe I do. Because here I am, she still chose to leave me."

Wala akong nasabi na, natahimik nalang ako. Paano ba mag respond sa ganito? Napatingin nalang ako sa cross na nasa harapan ko.

Natahimik na din si RJ.

"May nagawa ba akong mali?"

She heard him asked, and she slowly turns her gaze at him to answer back but holds herself up as RJ was looking straight at the cross, hindi niya alam if the question is for her or he is questioning the Lord.

Accomplice Then, My Bride Now (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon