38 text messages, 21 missed calls—that is the last count she remembers before she turned off her cellphone. Ayaw muna niyang makausap si RJ. She is still hurting pero unti-unti pa ring nangingibabaw ang pagmamahal. Kailangan lang niyang pahupain ang nararamdaman niya bago niya harapin si RJ.Kung ilang beses man itong nag attempt na kausapin siya sa bahay, hindi niya alam kasi umalis siya kahapon sa kanila. Nandito siya sa Bulacan, sa bahay ng abuelo't abuela niya. Dito nakakapag isip siya. Malaki ang bahay ng Lola niya, sa side ng Papa niya. Apat na magkakapatid ang Papa niya ang tatlo ay nasa ibang bansa kasama ng mga pamilya nito. Matagal ng namayapa ang Lolo't Lola niya.
This house has already been repaired many times but the original Spanish structure was retained. During Christmas break umuuwi ang lahat sa bahay na ito. Nagiging bakasyonan nalang ito ng mga kamag-anak. Yaya Pepe and her husband at dalawang anak ang tumitira dito at siyang nag aalaga sa bahay. Yaya Pepe has been with them hindi pa siya ipinanganak, distant relative siya ng side ng Lolo nila. Maagang naulila kaya kinupkop ng grandparents niya, pinag aral at inalagaan.
Nalibot na niya lahat sa loob ng bahay, ngayon she's taking her time na mag lakad lakad sa labas, sa garden area, and at the farthest rightmost side of the Spanish house there's a small stone church there. Her abuelo and abuela decided to build this one and this has become one of the most precious spots in the entire area of her grandparent's property. She remembers one of her aunties was married here, with only family members present. And two more of her cousins too decided to marry here. She smiles and utters a little prayer to her abuelo and abuela.
Tuluyan na siyang pumasok sa stone chapel. Well maintained pa din ang loob, malinis at talagang inaalagaan ng Yaya Pepe nila.Umupo siya sa unang pew, ninanamnam ang katahimikan at kapayapaan dala nito sa damdamin niya ngayon.
Iniisip niya ang nagdaang apat na buwan ng buhay niya. Napangiti siya hanggang sa unti unting bumibigat ang nararamdaman niya.
Akala niya tapos na siya sa pag iyak pero heto siya ngayon, freeing her tears one more time and giving in to the pain of losing someone that is never been hers in the first place.
Hindi niya alam kung may chance pa ba sila ni RJ. Siguro meron, pero hindi niya alam paano?
Naramdaman niyang hindi na siya nag iisa sa chapel, kinilabutan siya. Iniisip niya na baka minumulto na siya ng grandparents niya until someone's hand reaches to her with a handkerchief. Isang kamay na pamilyar na pamilyar sa kanya kahit hindi pa niya alamin kung sino ang taong to. Biglang kumabog ang puso niya, palakas ng palakas. Nandito yong isang taong laman ng isip at puso niya. Isang taong laman ng mga dasal niya sa nagdaang araw. Ito na yong taong gusto niyang hawakan ang mga kamay. Isang taong hawak ang buong puso't kaluluwa niya. Isang tao na kailanman gustong gusto pa rin niyang kapitan at hindi bibitawan kung may pagkakataon pang natitira para magsimulang muli.
"Anong ginagawa mo dito?" She said—not leaving her eye-focus on the floor. She wipes her tears with her own hands.
RJ seats down beside her. Reach out for her right hand and intertwine it with his left hand. She resisted yet RJ never let go.
"Miss Maine, ayaw mong pahiran ko ang luha mo ng panyo ko, kaya hahawakan ko nalang ang kamay mo. Ituloy mo lang ang pag iyak mo, nandito lang ako, di ko bibitawan ang mga kamay mo."
Napahagulgol siyang lalo. Hinayaan siya nitong ibuhos lahat ng pwede pa niyang iluha. Naroon ang panibugho sa taong may hawak ng kamay niya. Naroon din ang pag-asang meron pang patutungohan ang nasimulan nila. At higit sa lahat naroon ang labis labis na pagmamahal pa rin niya sa taong ito.
Ilang minuto siyang hinayaan ni RJ na umiyak, ikinulong ang mga kamay niya sa mga kamay nito. Paminsan-minsan dinadala sa bibig nito at hinahalik-halikan at inilalagay minsan sa dibdib nito. She uses her left hand to wipe her tears.
When her tears are already dried up, unti-unti itong humarap sa kanya, iniangat ang mukha niya hanggang sa pumantay ang mga mata niya sa mga mata nito.
Akala niya ubos na ang luha niya. But seeing RJ now makes her cry because she knows now how much she misses this man.
"Sssshhhh. Miss Maine, enough of the crying, okay?" She nods and he wipes her tears with his hands.
"Pwede na ba akong magsalita? Makikinig ka na ba?" RJ asked.
She nods.
RJ kisses her forehead and embraces her tight, and then he settles himself back to his seat holding still her hand.
(Continuation in the next chapter)
—
Author's Note: CTTO to the image used for the stone chapel above.We are down to our last two chapters. 😊🙏🏻
BINABASA MO ANG
Accomplice Then, My Bride Now (Completed)
FanfictionFrom ADNBookClub Prompt Prompt #7 (from @iAmAnggeL): Create a story about a girl who is always an accomplice to her runaway bride friends. She becomes a shoulder to cry on to one of the grooms. She knows it's wrong but she's falling for him. Started...