GRAYSON LEVI'S POV:
“Asan na ba yun?” takang tanong ko sa sarili matapos bumalik sa simbahan nang maiwanan ko ang cellphone ko.
Katatapos lang kani-kanina ng misa at kakain na sana kami ng mga kaibigan ko sa madalas naming kainan nang mapansin kong hindi ko pala dala ang phone ko.
Bumalik ako ulit sa simbahan para kuhanin ang naiwan ko. Hindi ko na pinasama pa ang mga kaibigan kong sakristan dahil balak nilang bumili ng kakanin na malapit lang sa simbahan.
Nakagat ko ang ibaba kong labi at sinilip ang ilalim ng sandalan kung saan nilalagay ang mga gamit ng mga nagsisimba. Agad akong nakahinga nang maluwag nang makita ko iyon doon at kinuha ang cellphone ko.
“Buti na lang nandito pa.” bulong ko sa sarili at binuksan yun. Bumungad sa'kin ang wallpaper kong cute na aso at ni-type na rin ang password para makasigurado.
Nang bumukas iyon ay lalo akong nakahinga nang maluwag. Hindi ko pwedeng mawala 'to dahil next year pa 'ko bibilhan ulit ng bago. At saka, sayang 'to. Nagagamit ko pa eh.
Muli kong pinatay ang phone ko at maglalakad na sana ako paalis para balikan ang mga kaibigan ko nang bigla akong may narinig na nagsa-strum ng gitara. Kumunot ang noo ko at inilibot ang tingin.
'Teka, may practice ba ang choir ngayon?'
"And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to Heaven that I'll ever be
And I don't wanna go home right now..."
Kumunot ang noo ko at napakamot pa sa ulo ng marinig ang kinakanta nung naiwang choir. It's Iris by Goo Goo Dolls. Not a song for church. Pero bakit iyon ang kinakanta n'ya?
“And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
And sooner or later, it's over
I just don't wanna miss you tonight...”
The way she sings the song makes it more agonizing to hear. She sings it in a more desperate way, as if she's scared to be left alone in this world, and she's begging the person not to go.
Yumuko ako at inisip kung kaninong boses ang kumakanta. Sakristan ako sa simbahan na 'to simula pa pagkabata kaya naman pamilyar na sa'kin ang mga boses ng bawat choir.
'At sigurado akong hindi ko pa naririnig ang boses na 'to.’
Malamyos na boses ng isang babae. Para bang isang anghel ang kumakanta sa simbahan. Para bang kung sino man ang makarinig ng boses n'ya ay pagpapalain.
I know the way I describe her voice is too dramatic, but I'm telling the truth. Her voice is majestic and angelic. But it's full of pain, sadness, and desperation. I'm amazed by how she can express her emotions through songs without even screaming the pain.
'Sino ba ang babaeng 'to? Bakit nandito pa s'ya? Tapos na ang misa ah?'
“And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am...”
Muli akong napalunok ako at binasa pa ang aking labi habang pinakikinggan s'yang kumanta. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses at nang makita s'ya ay nagitla ako.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomansaGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...
