ATHENA CRIMSON'S POV:
"Anong balak mong gawin doon sa Grayson na 'yon, Athena?" natigilan ako sa pag-upo sa couch para manood ng haikyuu na pinapanood ng dalawa ng bigla akong kausapin ni Aphrodite.
Bumuntong hininga na lamang ako at tuluyang naupo habang hindi tinatapunan ng tingin ang babae. Hindi ko alam kung anong sasabihin o ipapaliwanag ko. Even them, hindi nila alam ang nangyari sa pamilya ko noon. They didn't know my family history at all, tanging si Gio lang ang nakakaalam at makakaintindi sa dahilan ko.
"Nothing. I just wanna be friends with him. Interesado ako sakanya e." sagot ko kay Aphro at ngumisi sakanya. Matagal n'ya 'kong tinitigan deretso sa aking mata, tila binabasa kung ano ang tunay kong balak sa lalaki.
Nang wala itong mahita mula sa'kin ay bumuntong hininga lang s'ya at umiling. "Whatever your reason is, I hope it's worth the trouble, Athena. Baka matulad 'yang lalaki kay Remson." nababahalang saad ni Aphro na ikinalunok ko.
"Don't worry, Aphro. I won't do anything stupid again. Gusto ko lang talaga s'ya maging friend cause he's nice." muli pang depensa ko at kumuha ng popcorn na inaalok ni Artemis.
Hindi na lamang nagsalita pa si Aphro at nanood nalang. Sa kalagitnaan ng panonood naming tatlo ay biglang tumunog ang phone ko. Saglit ko lang sana iyong tatapunan ng tingin ng makita kung sino ang tumatawag.
Baklang Mertaloyet is Calling...
"Sup, Gio?" tanong ko sa kababata slash kaibigan kong si Gio. He's gay, nice, and gorgeous.
[I'm really really sorry, Athena! I was totally knocked out to the point na hindi na 'ko nagising to help you moves out!] agad na paghingi nito ng tawad na mahina ko lang na tinawanan.
"It's okay. Someone helped me. Don't be botherd too much." sagot ko rito na ikinahinga n'ya ng maluwag. Umiling-iling na lamang ako nang magsimula s'yang magkwento ng kung ano-ano.
Pinakinggan ko iyon habang nanunuod ng haikyuu. Pansin ko ang tingin ng dalawang katabi ko na nginitian ko lang sabay loudspeaker ng phone para marinig nila ang sinasabi nito.
[Btw, did you say someone helped you?] tanong nito matapos ang mahaba nitong litanya sa kabilang linya.
[Who is it? Si Aphro or Artemis?]
"None of the above. Mas nauna silang nakarating sa unit kesa sa'kin kaya hindi nila ko natulungan iakyat ang mga gamit ko."
[E sinong tumulong sa'yo kung ganon? Don't tell me it was Remson—]
"Gago ba't naman ako hihingi ng tulong sa cheater na 'yon? Mandiri ka nga, Gio!" nangingilabot kong saway sakanya.
[Chill! I was just asking, okay? E di kung hindi s'ya, sino pala?] tanong pa nito na ikinairap ko.
"Tsaka ko na sasabihin sa'yo. Sige na, ibababa ko na 'tong call at nanonood kami ng haikyuu. Bye!" pagkapatay ko ng tawag ay agad kong ni-silent mode ito at ibababa na sana ng makita ko ang active sign sa gilid ng profile picture ni Grayson.
Bumuntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari kanina. Hindi na talaga ko nakapag-focus pa sa pinapanood dahil nilipad na papunta kay Grayson ang utak ko.
'Why did he suddenly become like that?'
Itinago ko ang pag ngisi ng maisip ang mga posibleng dahilan kung bakit s'ya nagkaganon. I-chat ko ba s'ya to confirm what he feels o hayaan ko nalang muna to not make myself look obsessive or clingy?
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
Storie d'amoreGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...
