ATHENA CRIMSON'S POV:
Step-father n'ya ang lalaking 'yon?
Tumagilid akong muli ng higa sa kama at niyakap ang teddy bear na naka-display sa headboard ng lalaking nagdala sa'kin dito. Kunot-noo akong napaisip. Hindi mapalagay ang utak sa kung anong nangyayari.
‘Iniwan n'ya si mama... para sumama sa isang single mom?’
What the actual fuck? Seryoso ba ang hayop na 'yon sa mga desisyon n'ya sa buhay?
He created a family of his own! And yet he left that family to rebuild someone else's family? Tangina anong ‘heroic act’ ang satingin n'yang ginagawa n'ya? Putangina ang tanga!
Kumuyom ang kamao kong nakayakap sa teddy bear. Kulang nalang ay punitin ko ito na parang papel sa sobrang galit na hindi makawala. Gusto ko s'yang komprontahin at murahin. Gusto ko s'yang patayin sa tuwing naalala ko ang paghihirap ni mama.
Mag-isa si mama na itinaguyod kaming tatlo ng mga kapatid ko. Kahit alam n'ya ang tungkol kay Iris—bunso kong kapatid—ay hindi iyon naging dahilan ng pananatili n'ya sa puder namin. Iniwan n'ya si mama habang buntis s'ya! Iniwan n'ya ang mama ko ng mag-isa!
Tapos ngayon... malalaman ko na may pamilya s'ya? And worst, both of his mistress's sons are not his! Hindi kanya! Kaya bakit n'ya pinagpalit ang tunay n'yang mga anak sa hindi naman kanya?
Fuck! My head's hurting more because of this too much thinking!
Napalunok ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ng lalaki. Di ko alam kung babangon ba 'ko o ano pero pumikit na lamang ako upang magpanggap na tulog. Ayokong makipag-plastikan sa kahit na sino sakanila.
“Athena, anak?” napalunok ako at lalong humigpit ang pagkakahawak sa teddy bear ng marinig ko ang boses ng kabit ng hayop na 'yon.
“Natutulog na yata s'ya.” bulong nito. Di ko alam kung may kausap ba s'ya o ano pero naramdaman kong may pinatong ito sa katawan ko.
‘Comforter?’
“May kumot naman na s'ya, ma.” dinig kong saad nung lalaking nagdala sa'kin dito. Nakarinig ako ng hampas. Pinalo ata s'ya sa braso.
“Manipis ang kumot na ginagamit mo dito, baka lamigin s'ya. Boxers pa ang pinasuot mo imbes na pajama.” bulong nito sa kanyang anak.
“Nasa labahin na po mga pajama ko, ma. Tsaka bagong boxers ko yung pinahiram ko sakanya. S'ya pa unang gumamit hays.” dinig sa tono ng lalaki ang panghihinayang na muntik ko ng ikangiwi.
‘Di naman pala bukal sa loob ang pagtulong, eh di sana iniwan mo nalang ako don di ba?’
“Oh s'ya. Bumalik ka na kwarto ng kuya mo at nagpapahinga na ang bisita. Matutulog na rin ako.” paalam nung nanay n'ya sa anak nito.
“Dumating na po ba si papa?” tanong nung lalaki. Kumunot ang noo ko. Gusto kong magsuka dahil sa narinig.
Papa? Tatay ko 'yan hoy! Na hindi nagpakatatay sa'min na tunay n'yang mga anak!
Tangina fetish ba ng hayop na 'yon ang mga single mom at pumatol s'ya sa isa? O baka naman matagal na silang may relasyon bago pa man mamatay ang tunay na tatay nung Grayson?
Tangina hirap mag-isip!
Pero isa lang ang malinaw sa'kin. Iniwan kami ni magaling kong tatay para sa panibagong pamilya na hindi naman kanya.
Nakarinig ako ng pagsara ng pinto kaya naman ay muli akong umayos ng higa. Napakurap-kurap ako ng makitang nasa loob pa pala ng kwarto ang lalaki. Nagkatitigan kaming dalawa at natigilan pa s'ya sa pagkuha ng kung ano man sa drawer na katabi lang ng kama.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomansaGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...
