Chapter 3: Boarding House

382 22 1
                                        

GRAYSON LEVI'S POV:

"Okay ka na ba dito?" tanong ni kuya matapos akong tulungan na maglipat ng gamit sa boarding house na tutuluyan ko.

Unfortunately, his dorm mate didn't agree to let me stay in their dorm habang sa CFU ako nag-aaral. Maingay na raw masyado si kuya at ayaw n'yang mas lalo pa itong umingay dahil sa'kin.

Reasonable naman ang sinabi nitong dahilan. At isa pa, mag-aabogado s'ya kaya kailangan n'ya ng tahimik na lugar. He's also friends with my brother which is nakakagulat kasi ang cold at distant nito.

Mabuti nalang ay may nahanap kaming boarding house na malapit sa school namin. Disente rin ito at malinis kaya naman ay masarap itong tuluyan.

"Oo, kuya. Okay na 'ko rito." sagot ko sa aking kapatid matapos ibaba ang malaking kahon na puro libro.

Malaki ang boarding house na ito. May ilang units na kasya ang dalawa hanggang tatlong tenants na nasa bandang 3rd at 4th floor habang ang mga solo units naman ay nasa 1st at 2nd floor.

Dapat ay solo unit lang ang kukunin ko kaso puno na ang mga iyon kaya sa itaas nalang ang kinuha ko. Dalawang tao ang pwedeng umupa sa unit na nakuha ko at dahil ako palang ang nandun ay maghihintay pa 'ko ng mangungupahan doon.

Tumingin ako sa paligid ng unit. Nakaka-refresh ng utak ang neutral color nito at ang mga piling furnitures na naka-display ay umayon sa aesthetic ng interior. May mini sala, may kusina na medyo malapit sa cr, may dalawang kwarto at may dining area din.

Sa loob ng kwarto ay pwedeng buksan ang sliding door para makalabas sa terrace. Disente rin ang laki ng kwarto at mukang kasya naman ang lahat ng gamit ko.

Mabuti nalang ay bukod sa wooden bed frame ay meron na ring nakalagay na study table, mga cabinets at drawers ang loob ng kwarto. Ang labas lang ng kwarto ang may aircon habang ang loob ng kwarto ay wala. Mage-electric fan nalang ako para mas matipid.

Pwede ring mag-park ng kotse rito at motor pero sabi ng may ari ay isang sasakyan lang daw ang pwede sa isang tao dahil marami ring tenants ang may sasakyan. Hindi naman problema yun sa'kin dahil wala naman akong sasakyan. Lalakarin ko lang ang school at kung may pupuntahan man ay mamamasahe nalang ako.

"Nakausap ko na yung may ari at nakapag-down na rin ako sakanya ng hanggang 3 months. Sa September ang susunod mong bayad at ilagay mo yun sa kalendaryo para di mo makalimutan. Alam mo na rin kung magkano ang iaabot mo kasama na dun ang ilaw at kuryente. Fixed na ang presyo kaya pag tinaasan, sabihin mo sa'kin. Wag bigay nang bigay okay?" paalala pa ni kuya na ikinangiti ko at tumango.

"Opo, kuya. Ako na pong bahala." sagot ko rito. Ginulo n'ya ang buhok ko at ngumiti rin.

"Sige na. Aalis na 'ko. Mage-enroll na rin ako ngayon." paalam n'ya.

Hinatid ko s'ya hanggang sa may gate ng boarding house at muling umakyat para ayusin ang mga gamit.

Enrolled na 'ko sa CFU ilang araw na rin ang nakakaraan. I also got a discount dahil na rin sa grades ko at mga na-credits sa'kin mula sa previous school ko. Halos 5% din ang binawas kaya malaking bagay na rin.

Nakapag-try out na rin ako sa basketball team nung nakaraang linggo at hinihintay ko nalang ang email nila sa'kin kung nakapasa ba ako o hindi. Marami rin kaming nag-try out, at sana ay sapat na ang skills at experience ko para matanggap at mag-stand out. Malaking tulong din kasi iyon.

CFU's basketball team are nice and full of playful people. Mahilig silang mang-asar in a joking way kaya nakakagaan talaga ng pakiramdam ang paligid. Ngunit nung nagsimula na ang laro, doon na sila nagseryoso.

OPERATION: Make the Sacristan FallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon