Chapter 1: Meeting the MVP

474 26 19
                                        

GRAYSON LEVI'S POV:

Alas kwatro ng hapon kinabukasan ay naghahanda na 'ko para magtungo sa simbahan. Bukas naman ay Lunes na. Luluwas pa 'ko sa Bulacan para mag-enroll dahil enrollment na sa CFU. Sasamahan din ako ni kuya para hindi ako maligaw.

Kaninang umaga ay nai-request ko na ang Form 137 ko para maihanda na sa paglipat ng school. Mamayang gabi ay aayusin ko na ang mga requirements ko para hindi na 'ko gahulin bukas.

Nakita ko rin kaninang umaga ang ilan sa mga ka-eskwela ko na kasama sa Brigada Eskwela at ang iba ay nagsu-summer class pa rin. Tinanong nila kung anong ginagawa ko sa school kaya sinagot ko na lang.

'At mabilis na kumalat sa fb page at fb group namin ang paglipat ko ng school.'

Kilala kasi ako sa school namin lalo pa't ako ang rookie ace ng school. Marami rin akong taga-suporta lalo na pag dadating ang intrams. Sana nga lang ay makasama sa sports interhigh ang school namin sa susunod na season.

'At sana rin ay matanggap ako sa basketball team ng CFU!'

"Mama, aalis na po ako." paalam ko kay mama at lumapit para yumakap.

"Mag-ingat ka sa daan ha?"

Tumango ako kay mama at umalis na. Napangiti ako ng makita ko ang mga kaibigan ko na nasa labas na pala ng gate. Binati ko ang mga baliw at saka sinarado ang gate at inaya na silang maglakad.

Our church is a walking distance only kaya naman nilalakad na namin. Halos magkakalapit lang din naman kami ng bahay kaya lumaki na kami halos ng magkakasama.

Nang makarating sa simbahan ay bumati kami sa mga choir at sa iba pang mga kasapi ng simbahan. "Hi, Levi!" pagbati ni Nissa at kumaway pa. Ngumiti ako at tumango bago isinuot ang cassock na sinusuot namin tuwing magse-serve kami.

"Hi, Nissa!" pagbati ni Claux.

Nagsimula ang misa para sa hapon na 'to. Tahimik kaming nakikinig sa misa at salitan kaming apat sa pagpunta sa altar para mag-serve.

"Peace be with you." sabi ni father. Nag-bow kami ng mga kaibigan ko at nagmano sa mga ministers na nasa likuran. Nag-peace sign naman kami sa mga choir na nasa gilid at nakipag-fistbump sa mga kaibigan kong kapwa ko sakristan.

"Pre, bati na ba kayo ni Nissa?" tanong ni Francis. Tumingin ako sa kanya at napakamot sa ulo.

"Hindi ko alam? Hindi naman ako galit sa kanya." sagot ko at muling tumingin sa altar.

"Kahit pinagkalat n'yang bakla ka nung ni-reject mo s'ya?"

"Hindi naman totoo yun. At saka, wala naman akong pakealam sa kung ano mang issue ang kumakalat sa'kin."

Sa pagkakatanda ko ay kumalat noon sa buong campus na bakla ako sa sinabi ni Nissa nung ni-reject ko s'ya. Umamin kasi s'ya sa'kin noon nung Valentine's day kaso... hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

'At saka, ang weird kaya pag nagkagusto ka sa kaibigan mo.'

Para sa'kin, pag kaibigan, kaibigan lang dapat. Wala dapat lumalagpas sa boundary na 'yon dahil pag naging girlfriend o boyfriend mo ang kaibigan mo, pag nag-break kayo eh dalawa ang mawawala sa'yo.

Natapos ang misa at naglabasan na ang mga tao. Natapos na rin ang pakikipag-usap sa'min ni father kaya lumabas na kaming apat at dumeretso sa may gate para umuwi.

"Mga pre, pinapabili ako ni mama ng kakanin." saad ni Raven habang naglalakad kami.

"Oh? Sakto nagtinda sila aling Precious sa labas. Nakita ko sila kanina eh." sagot ni Claux.

OPERATION: Make the Sacristan FallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon