Chapter 5: Ghost Singer

271 26 2
                                        

GRAYSON LEVI'S POV:

"Since you know each other very well, you will not be introducing yourselves." saad ng adviser na pumasok sa aming classroom.

Agad na namutawi ang ingay sa paligid na para bang iyon na ang pinakamagandang balita na kanilang narinig. Napatingin ako sa katabi kong si Athena na nakikihiyaw din at s'yang pasimuno ng ingay. Na para bang balewala na sakanya ang nangyari kaninang umaga.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa katabi kong bintana. When we found our classroom, Athena suggested na maupo nalang ako sa upuan nila since may bakante raw sa tabi n'ya at para na rin may kakilala na 'ko sa loob. Hindi na rin ako umapela pa dahil may point naman s'ya at halos lahat ng seat ay may nakaupo na.

"But we have an exception!" sigaw ni ma'am upang patahimikin ang mga nag-iingay. "Our transferee will do the introduction today!"

Agad akong napalingon sa guro matapos marinig ang sinabi nito. Muli na namang naghiyawan ang mga kaklase ko sa pangunguna na naman ni Athena na todo cheer pa sa'kin ngayon. Pinandilatan ko ng mata ang babae upang tumigil ngunit kumindat lang s'ya at lalong nag-ingay.

'Jusko po.'

Tumayo ako upang magtungo sana sa unahan ngunit hinawakan ni Athena ang uniporme ko at umiling. "Dito ka nalang magpakilala. Okay lang yun kay ma'am." ani Athena na ikinatango ko.

Tumingin ako sa paligid at bahagyang ngumiti, muli na naman akong nakarinig ng bulungan na karamihan ay galing sa mga babae. "Hello, everyone! I'm Grayson Levi Ashford, 17 years old, and I live in Pampanga. I love playing basketball, and I watch anime as my pastime." pakilala ko at uupo na sana nang biglang may boses na nag-salita.

"If it's okay to ask, why did you transfer to Crawford University?" nakangiting tanong ng lalaking nakaupo first row na nasa aisle. He looks decent at halatang anak mayaman. Ngumiti ako pabalik sakanya.

"My parents decided for me to study here since nandito ang kapatid ko."

"Oh, so you have a sibling." tatango-tangong ani nito at muli akong nginitian bago ibalik ang tingin sa may blackboard. Nagtataka man ay hindi na ko nagsalita pa at naupo nalang.

The day went by without a hassle. Marami ang nakikipagkilala sa'kin, siguro ay dahil bago lang ako kaya curious sila sa pagkatao ko. Karamihan sa mga tanong nila sa'kin ay ang pagiging "close" ko kay Athena.

"Are you friends with Athena?" nakangiting tanong ni Janice na nasa harapan ko ngayon.

Saglit akong tumingin sa katabing babae na nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan n'ya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil maski ako, hindi ko alam kung ano kami at ayokong isipin n'ya na ginagamit ko ang fame n'ya para makilala rin ng iba.

"Uhh... No, we just found each other bago ako lumipat dito." sagot ko sa babae na bahagya nitong ikinagulat, ngunit agad ding ngumiti.

"So, single ka right now? As in, you and Athena don't have any relationship aside from being colleagues?" she clarified. Kumunot ang noo ko sa sobrang pagtataka.

"Yes?" unsure kong sagot rito. Lalong ngumisi ang babae. Napansin ko pa ang saglit nitong pagsulyap kay Athena kaya't napatingin din ako sa babae na nakaharap pa rin kila Aphrodite.

"Do you know that you're exactly my type?" gulat akong napatingin sa babae nang marinig ang sinabi nito. Agad akong napasandal sa backrest ng upuan nang makita ko ang napakalapit nitong muka sa'kin.

Magsasalita na sana ako para palayuin ang babae dahil sobrang uncomfortable ako sa ginagawa n'ya nang biglang may dalawang braso ang yumapos sa leeg ko at hinila ako palapit sakanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. Bago pa man ako makatingin sa katabi ko ay nagsalita na s'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPERATION: Make the Sacristan FallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon