Chapter 3
"What the hell is going on?!" hysterical na sigaw sa akin ni Jamayma -- habang si Trisha at Crizette ay walang pakialam dahil busy sila sa pagiging call center ngayon. Like, duh? Naiintidihan kaya nila ang mga kausap nila sa phone, eh samantalang magkatabi lang sila, at pareho pa silang nagsasalita? Tsk.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop dahil nakipag-kita ako sakanilang tatlo para ipaliwanag ang kasunduan namin ni Ari. After all, kailangan nilang malaman ito dahil baka sa iba pa nila malaman. At kung alam ko lang na walang pakialam itong dalawang babaeng 'to, hindi ko nalang sana sila tinawagan kanina!
Wala man lang akong nakitang any violent reaction sakanila! It's not like gusto ko ding sigawan nila ako katulad ni Jamayma ngayon. But hell! They just don't care about what I'm saying! Hindi man sila nag-react kahit umarte lang silang nabigla!
Nai-kwento ko na din sakanila 'yung pinag-usapan ni Kuya at ni Ari kagabi. Sinabi kasi sa akin ni Kuya kanina nang ihatid namin si ate sa airport. Binalaan lang daw ni Kuya si Ari na huwag kikilos ng masama kapag nasa condo na niya ako.
Dalawa naman daw ang room sa unit ni Ari, at ipinaliwanag lang daw niya 'yung about sa deal namin. Pero hindi ako masyadong kumbinsido dahil matagal-tagal din silang nag-usap kagabi. Ginising ako ni kuya around 12am para lang sabihin na umuwi na si Ari. Naka-dalawang bote din sila ng Jack Daniel's kagabi.
"Can you tone down your voice, Jam? You're irritating my ears!" Sita ni Crizette sakanya pagkatapos makipag-usap sa phone. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jam.
"I'm not the who's irritating your damn ears, Zette! Kanina ka pa may kausap sa phone! Mind you!" Jam retorted. Umismid lang si Crizette at uminom ng Frappuccino niya.
"Ano na naman ba kasing isinisigaw-sigaw mo diyan, ha? Ayaw mo ba non? Hindi na problema nila Jillian 'yung company nila?" sabi pa ni Crizette after uminom.
"Yes, I'm thankful at least, nabawasan ang problema nila. Pero tama ba na gawing katulong ni Ari si Jillian? Hello! Kaibigan niya siya! And one more thing, ano nalang ang sasabihin ni Melissa kapag nalaman niya ito? At titira pa sila sa iisang condo unit!" tugon naman ni Jam. Humigop nalang ako sa Cappuccino at kumain ng blueberry cheesecake.
"Melissa? What about that bitch? Melissa was never our corncern! Hindi ko talaga alam kung bakit naging sila ni Ari, eh! She's a real bitch!" Zette said while rolling her eyes heavenwards. I know, they hate each other. Since High School pa naman, ayaw ni Crizette kay Melissa. But because she's my cousin, I feel the urge to defend her.
"Careful with words, guys! Melissa's my cousin. Baka nakakalimutan niyo," paalala ko sakanila.
"Oh, yeah. Melissa is the bitch cousin of yours! Damn that Girl! Naiinis talaga ako kapag naririnig at binabanggit ko ang pangalan niya!" sabi pa ni Crizette at hinawi ang bangs.
"Why do you hate Melissa ba? Mabait naman siya, ah," sabat ni Jam. Kunwari namang nasuka si Crizette sa sinabi nito.
"I loathed that girl, too. Hindi ko din maintindihan kung bakit naging pinsan mo siya," singit naman ni Trisha pagkatapos niyang makipag-usap at tumingin sa akin.
Malapit kaming dalawa ni Melissa sa isa't isa. Well, honestly, ako lang 'yung malapit sakanya sa aming magpi-pinsan. Hindi ko alam kung bakit ayaw ng iba naming pinsan sakanya. Siguro dahil siya 'yung laging pinupuri sa amin kapag may mga family gatherings kami. Akala nga ng iba naming mga pinsan ay may namumuong kompetisyon sa aming dalawa kahit na wala naman.
BINABASA MO ANG
When You Fall (Completed)
Roman pour AdolescentsHi! I unpublished most of the chapters of When You Fall here in WP. Pero pwede nyo po sya basahin sa Dreame accnt ko. Just search for my username Rosalynduuh. Pa-like and pa-follow na din po. Thank you so much! How far would you go for the one you...