Prologue

297 31 64
                                    

Copyright © JK

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanichal methods, without prior permission from the author.

~~~
A music track from Rooftop Prince on the media. (Mas maganda pag plinay nyo siya while reading..)

~~~~

"Takbo anak! Takbo! No matter what happens... I want you to run!"

I was panting hard. Napakalakas ng tibok ng puso ko. My feet felt numb and aching. Kanina pa kasi ako tumatakbo pero hindi rin ako pwedeng huminto.

Cause if I do, maaabutan nila ako...

I can sense them following me. Mabibilis sila. Kahit anong bilis ang gawin kong hakbang sa'king mga paa, I know it's no use, mahuhuli pa rin nila ako.

They killed my parents... Because of me...

Why? Why do they want me? Anong kailangan nila sa'kin?!

I keep on running as I see shadows starting to loom around me. Mas lalo akong kinabahan at binilisan pa ang takbo. Adrenaline was pumping thoughout my blood as cold air continued to attack my body. Napakalamig ng gabi at hindi ko na alam kung saan ako patungo.

I can hear the leaves rustling and I can sense more silhouttes in the trees watching me. Para bang pinapanood lang nila akong tumatakbo.

"Aray!"

Nahagip ang paa ko ng isang nakausling ugat ng puno making me fall on the ground. Help.

Everything turned black. Tanging liwanag na lang ng buwan ang aking nakikita.

They came. Their shadows are now everywhere. Napalibutan na nila ako.

Mama... Papa... I sob silently.

"So it's true..." napasinghap ako sa narinig. "Totoo nga pala ang balita..." isang napakalamig na boses ng lalaki ang nagsalita making me shiver involuntarily sa sobrang lamig niyon. Nag-angat ako ng tingin. My eyes widen as my lips trembled with fear.

There were four of them na nakatayo sa harapan ko. Tatlong lalaki at isang babae. Hindi ko man maaninag sa sobrang dilim ang kanilang mga mukha, but I can clearly see their bright red eyes that was staring at me with glee.

"Aww, masyado pa siyang bata. Kawawa naman..." sabi nong babae pero wala namang bahid ng awa ang boses nito.

"Pero napakabango na ng dugo niya..." mahinang anas nong isa pang lalaki na napasinghot-singhot pa sa hangin. "Kalat na kalat na sa buong lugar. Pihadong anumang oras dadagsa na din dito yong iba pag-umabot na to sa pang-amoy nila..."

"Anong gagawin natin?"

"E ano pa ba? Alangan namang maghintay e aapat na nga tayo. Ayoko na ng marami pang kahati..." usig ng isa.

"Oo nga naman. Masyado pang maliit ang katawan ng batang to. Mabibitin lang tayo."

Napapikit ako sa sobrang takot habang umiiyak. Ano ba pinag-uusapan nila? Anong gagawin nila sa'kin?

"P-please p-po... hu-huwag nyo p-po akong s-saktan.." garalgal at nanginginig kong pakiusap. "P-please p-po..."

Tumawa naman ang mga ito.

"Aww narinig nyo yon? Kawawang bata. Nabuhay lang para magdusa."

"Pasensyahan tayo bata dahil hindi kami nagpakahirap na pabagsakin ang mga magulang mo sa wala."

"Pero sigurado ba kayong hindi na natin patatagalin ang sang 'to? Sayang naman... hindi pa ganong nasasariwa ang dugo niya."

"Heh! Tumahimik ka! Sa tingin mo sa lagay kong to makakapagpigil pa ako?"

Sumang-ayon naman ang iba.

"Huwag na natin patagalin 'to bago pa magsidatingan yung iba."

"Ahh!" Napatili ako ng bigla akong buhatin sa ere ng isa sa kanila gamit ang aking damit. "Bitiwan n'yo ko!" tili ko ng malakas nang palibutan nila ako. Mukhang laway na laway pa ang mga ito habang nakatingin sakin.

"Grabe ang bango!" Gigil na sabi ng isa na sinigundahan ng iba.

Isa-isa nila akong hinawakan sa katawan making me shut my eyes. Pero biglang tumigil ang mga ito.

"Ano yun?" dinig kong sabi ng isa.

I continued to close my eyes. Masyado na akong natatakot. These people or whatever they are. Alam kong papatayin din nila ako tulad ng ginawa nila sa mga magulang ko.

"Ahh!" I screamed nang bigla akong bumagsak sa lupa. Ramdam ko ang malamig at amoy ng lupa as I curled myself into a ball shivering.

I was hearing weird noises na parang nag-aaway pero hinayaan ko yon. Hindi ako gumalaw. I was so scared to open my eyes. Mama... Papa... I continue to sob while trembling. Please help me...

There were tearing noises and growls, meron ding parang umuungol at nagkakalmutan. It was agonizing to hear kaya nagtakip ako ng tenga.

Ilang sandali din ang lumipas when I decided to open my eyes. Napakatahimik na ng paligid at hindi na din gaanong madilim. Naaninag ko na ang lugar.

Huh? Nasaan na sila? Anong nangyari?

I was still curled like a ball with my eyes blinking nang biglang may mga paa na tumambad saking paningin making me scream again.

"Ugh, nabibingi tenga ko sayo..." dinig kong sabi nong boses ng lalaki. Bigla niyang hinablot ang aking damit at iniangat na naman ako sa ere.

"Ahh! Let me go! Let me go! Le--" I squeak in pain nang itulak niya ako sa katawan ng isang puno and the next thing I knew he was sniffing me. I tried my best not to squirm.

"Totoo nga..." dinig kong sabi nito making me open my eyes.

My heart thump nang bumungad sakin ang napakalapit niyang mukha but it was too dark to see. Ang tanging nakuha ng aking atensyon were his bright red eyes na malamig na nakatingin sakin. And weird as it was they were the most enchanting thing I had ever seen. Para itong nakakahipnotismo at the same time nakakatakot.

"S-sino ka?" I exclaimed. He slyly smiled kaya kita ko ang paglitaw ng mahahabang pangil nito making me gasp loudly.

"Don't worry..." he rasp near my ears making my nape tingle nang tumama ang mainit nitong hininga doon. No! He's going to suck my blood! Help! "Sandali lang to..."

The next thing I knew was having a searing pain on my neck making me scream. My vision clouded with tears na sinundan ng paninilim ng aking paningin...

~~~~

Slow Updates... 😑

A Year to 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon