Nagpatuloy ang pagiging friends with benefits nila Jc at Ash na walang nakakahalata sa office.
Pero hanggang kailan? Hanggang kelan kakayanin ni Ash ang ganitong sitwasyon. Guys, gaya natin, weak tayo minsan, ganun si Ash. Akala niya, fling fling lang, pero hindi niya namamalayan, nafafall na siya kay Jc.
Pwede ba yun, makikipagsex ka lang tapos walang love? Sa atin mga babae, lalo na kapag hindi sanay sa fling, weak tayo sa ganun. Gaya ni Ash, nahulog na siya kay Jc. Pero si Jc, pure fling lang, hindi nga natin alam baka, sinabi lang niyang virgin siya dahil una pa lang, na attract na din siya kay Ashley.
So ayun na nga, naulit na ng maraming beses ang nangyari kina Ash at Jc. Hanggang sa nagtapat na si Ashley.
"Jc, feeling ko, gusto na kita, hindi ko to ipagpapatuloy gawin kung wala akong feelings sayo" malungkot na wika ni Ash.
"What, Mam Ash, diba nag-usap na tayo, walang mafafall kasi fling lang to, enjoy enjoy lang tayo"
"Sorry, hindi ko mapigilan eh, mahal na kita Jc" napaiyak na wika ni Ash.
"Sorry din, pero kung ganyan yung nararamdaman mo, itigil na natin to"
"What, ganun ganun na lang, matapos mo ako pagsawaan,?" galit na wika ni Ash.
"Mam, alam mo naman ganun lang gusto ko diba?"
"Ok, so, this is the last, wag mo na ako tatawagan" umiiyak na wika ni Ash.
"Ok, ginusto mo yan eh" nainis naman sagot ni Jc, at umalis na siya.
Sobrang sakit kay Ash, alam niya naman na yun lang habol sa kanya ni Jc pero bakit nafall pa din siya. Naisip niya ang tanga tanga niya.
After ng nangyari, nagleave muna ng 1 week si Ash, nagout of town para makalimot.
Pagbalik niya, nagulat siya, may nililigawan na si Jc, si Angela, bagong trainee. And ang masakit pa dun, hindi na sila nagpapansinan ni Jc. Dinadaan-daanan na lang siya nito.
Hindi na din ito sumasabay sa canteen tuwing launch, kasama niya na kasi si Angela.
Nakaramdam ang mga kaibigan ni Ashley, tinanung siya if nag-away ba sila ni Jc, pero hindi makasagot si Ash.

BINABASA MO ANG
Marupok
RomanceThis is a story about a girl named Ashley. Who always fall with a wrong person... There are some stories with a very happy ending, but this one, maybe or maybe not... it has no ending, since I had no idea, what the other person thinks about.... And...